Chapter 44

8.7K 366 513
                                    

Chapter 44: Chaos in Between

#DittoDissonanceWP

Author's note: hi! nakakatuwa 'yung comments ninyo last time hahahaha ang cute ng mga reaction ninyo kasi same! T_T akala ninyo kayo lang kinikilig, ako rin habang nagsusulat hahahaha. I appreaciate your reactions so much! as well as your votes <3 lalo na 'yung vote! Cute kasi hehe :) enjoooooy!

thank you!! don't forget to vote <3 

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Zern's Point of View (ᴗ͈ˬᴗ͈)

Matapos kumain, hinatid din kami pabalik nina Tita Divine sa bahay. Hindi pa nga rin tapos ang chikahan nila ni Mama hanggang sa kotse. Grabe 'yung tawanan nila, parang mas marami pa silang energy kaysa sa akin.

Nananahimik na ako buong biyahe dahil hindi ko na magawang tingnan si Caiden ulit. After ng nangyaring titigan namin kanina, parang may paulit-ulit na umiikot sa tiyan ko. Hindi ko alam kung kinikilig ba ako, o naaantig lang talaga ako sa guwapo niyang mukha. Kasi sino ba namang hindi? Putangina.

Tangina, kung tititigan niya ako ulit nang gano'n ngayon, baka mangisay na ako. Hindi ko na kaya i-take in! Bigla na naman tuloy ako nakaramdam ng pangangatog sa kalamnan ko. Putangina. Bakit ba kasi may ganito kaguwapong lalaki sa mundo? Eme.

Napatalon ako sa gulat nang biglang umurong palapit si Caiden sa akin. Napalunok ako't hindi siya nililingon. Thou shall not move and look! Putangina mo, Caiden! Ano na naman 'tong eksena mong pag-urong sa akin?

Tinago ko ang paghahagilap ko ng hangin. Dahil mas lumapit siya, mas naaamoy ko ang lalaking-lalaki niyang amoy. Sobrang bango niya. Parang bawat parte ng katawan niya sobrang bango siguro.

Tanginang isip 'yan, Zern! Bigla ko tuloy naisip 'yung kilikili niya—kung mabango rin kaya?

Patago akong napapikit dahil sa mga naiisip ko. Tangina mo talaga, Zern. Ngayon mo pa talaga naisip 'yan! Bakit ba kasi malapit si Caiden!

"Zern. . ." I flinched when Caiden whispered.

Mabilis akong huminga nang malalim 'saka siya nilingon. He's fucking too close! Parang hindi man lang siya naiilang sa akin. Tangina talaga. Mama, ang guwapo huhu!

"Uhm?" It sounds like a whimper.

"Dederetso ka na rin sa university bukas? Sabay ka na sa akin. I'll pick you up. You have work, too, right?" he whispered.

Tumango ako't umiwas agad ng tingin. "Sure, sige. Chat mo na lang ako," sabi ko para matapos na agad ang paninitig niya. Kasi kung hihindi ako, pakiramdam ko hindi ako lalo titigilan nitong lalaking 'to. Kumakalabog na 'yung dibdib ko.

Sandali siyang nanahimik bago na naman nagsalita ulit, "Why are you silent? Pagod ka na?" bulong ni Caiden pero hindi ko siya nililingon.

"Oo, antok na me," sabi ko na lang at tumingin na lang kunwari sa bintana.

"Sandal ka muna sa akin, kung gusto mo," sabi ni Caiden.

Napapikit ako nang mariin dahil kaonti na lang baka marinig na niya 'yung dibdib kong kumakalabog. Tangina mo, Caiden. Mababaliw na ako sa ginagawa mo! Never pa ako nakaramdam nang ganito katinding pagkahiya sa isang lalaki. At never pa ring kumalabog nang ganito ang dibdib ko dahil sa isang lalaki. Tangina, feeling ko aatakihin ako sa puso kung gan'to man 'yung pakiramdam no'n.

Ditto Dissonance (Boys' Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon