Chapter 51

8.7K 457 910
                                    

Chapter 51: Boiling Combination

#DittoDissonanceWP

AUTHOR'S NOTE: hi guys! baka bumagal update ko next week. I have something to do. Pero will try to update as fast as I can. Informing you guys para alam ninyo hehe :)) 

don't forget to vote and enjoy this chapter <3

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Zern's Point of View (ᴗ͈ˬᴗ͈)

Napangisi ako nang nakaloloko nang umayos na ng upo si Caiden. Mainit siyang nakatingin sa akin habang nakangisi rin. Nananatili pa rin ang braso niya sa likuran ko at matapang akong nakaharap sa kaniya.

"Talaga?" I whispered back.

Was he flirting with me just now? Or baka nang-aasar lang siya para makita niya kung ano 'yung magiging reaction ko sa sinabi niya. Puwes. . . wala akong nararamdamang hiya ngayon kaya hindi siya magtatagumpay sa gusto niyang mangyari.

He chuckled airily. His eyes went down on my lips. Parang inaantok ang mata niya kung mamungay ang mga ito. Hindi na siya nag-alinlangan ngayon sa pag-express ng pagtitig niya sa labi ko.

Binasa niya ang labi niya habang nakatitig sa labi ko. Napalunok ako nang dahan-dahan gumagalaw ang mga mata niya pabalik sa mga mata ko.

Tangina. Parang ako ata ang matatalo rito. Nanginginig na ang kalamnan ko putangina. Ang guwapo nitong lalaking 'to.

"It looks so soft. . . and sexy," he whispered.

Mahina akong tumikhim para mahanap ko ang boses ko. Para kasing kahit ibuka ko ang bibig ko, walang lalabas ng tunog. He made me fucking speechless. Putangina. Mali ako ng hinahamon. Pero hindi ako magpapatalo. Bakit naman ako magpapatalo, 'no?

"Hahalikan mo ba ako? Para kang manghahalik," mahina at pabiro kong sabi.

He bit his lower lip while smiling. "Don't tempt me, Zern. You're already too much for me. Don't make it worse. Baka kapag hindi ako makapagpigil, hilahin kita sa CR," bulong ni Caiden.

Okay. . . putangina. Talo na ako. Tangina.

Uminit na ang mukha ko. Lumiko na ang mga mata ko bilang pag-iwas. Tumikhim ako at tuluyan ng iniwas ang gawi ko. Patago kong hinabol ang hininga ko dahil sobrang intense no'ng sinabi ni Caiden. Putangina. Parang kasing init na ng mukha ko 'yung pinag-iihawan.

Hindi ko siya nilingon kahit narinig kong mahina siyang tumawa. Imbis na asarin niya ako, nilagyan niya pa ng pork ang plato ko. Kinagat ko ang ibaba kong labi dahil kailangan ko pa ng ilang minuto para iproseso 'yung sinabi niya. Hindi ko nalang siya puwedeng basta lingunin dahil baka mautal ako't matulala na lang sa mukha niya.

"Kain pa tayo, Zern. Naiinitan ka ba? Pulang-pula 'yung tainga mo," mapang-asar na sabi ni Caiden at halatang pinipigilan niyang tumawa.

Patago akong humugot ng malalim na paghinga bago siya nilingon. Patay-malisya ko siyang tinaasan ng kilay na parang hindi niya ako nahuling namumula dahil sa sinabi niya.

"Oo, ang init kasi. Nasa tapat kaya tayo ng grilling pan. Hindi ka ba naiinitan?" patay-malisya kong sabi.

Hindi na niya napigilan ang pagtawa niya. "Oo, nag-iinit din katawan ko. Hubarin ko na kaya 'tong t-shirt ko, okay lang ba sa 'yo?" malandi niyang sabi habang mahinang tumatawa.

"Kapag hinubad mo 'yang t-shirt mo, iki-kiss mo sa labi sa Coach Macapagal. Deal?" nakangiwi kong sabi sa kaniya.

Bahagya akong nanginig nang inilapit na naman niya ang mukha niya sa tainga ko. Tulad kanina, sinadya niyang pagtamain ang tuktok ng ilong niya at ang tainga ko.

Ditto Dissonance (Boys' Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon