Chapter 46

9.1K 327 331
                                    

Chapter 46: Eyes Don't Lie

#DittoDissonanceWP

thank you for waiting <3 I'm planning to post a special mini-chapter for ashton pero soon na :) for now, i-enjoy ninyo muna 'tong chapter na 'to ^-^v 

don't forget to voooooote! thank youuuuuu :)

ps: how's the new cover of ditto dissonance? cuz I luv it <3

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Zern's Point of View (ᴗ͈ˬᴗ͈)

"Do you. . . like me. . .?"

Ashton's lips parted. He wasn't flustered. Nanatili lang maamo ang kaniyang mukha—na para bang alam na niya ang sagot sa tanong ko. Para bang hindi na niya kailangan pag-isipan 'yon.

His lips formed a soft short smile while staring at my eyes intently.

"Do you need an answer. . . or do you just feel like it?" he whispered before looking down at my lips once more.

Napalunok ako. "Nagseselos ka ba sa amin ni Caiden? Kaya ka ba nagalit kanina? Never mo akong pinagtataasan ng boses, Ashton," bulong ko pabalik sa kaniya kaya muling umangat ang tingin niya sa akin.

Hindi siya makasagot sa tinanong ko. Nanatili lang na magkatagpo ang mga mata namin. Hindi ko rin alam kung kaya kong i-take in ang isasagot niya, pero sa inaakto niya ngayon—parang mas lumalakas na lalo 'yung pakiramdam ko kung ano ang sagot niya sa tanong ko.

"I don't like him for you. . . ayaw kong hahayaan lang kita mapunta sa kaniya. Mas maraming lalaking mabubuti diyan. 'Yung mas aalagaan ka at papahalagahan ka," sabi ni Ashton.

I chuckled softly. "Ash. . . Caiden doesn't like me. He just wanted to be my friend. Hindi magkakagusto 'yon sa akin. . . at hindi mo sinasagot ang tanong ko," sabi ko at bahagyang iginalaw ang mga daliri ko para mahaplos ko ang kaniyang pisngi.

"Zern, kapag sinagot ko 'yan. . . alam mo kung ano ang susunod kong gagawin, right?" he whispered meaningfully, na para bang may gusto siyang itumbok.

Napalunok ako ulit nang madiin. Pero imbis na sagutin ko ang sinabi niya, ini-slide ko ang mga kamay ko papunta sa kaniyang batok para marahan siyang hilahin. Niyakap ko siya at sinuklian niya 'yon nang maigi.

Napapikit ako't pinakiramdaman ang init ng katawan ni Ashton. Humugot ako ng malalim na paghinga. Maybe the answer to my question is better to be untold. Hindi ko na kailangan malaman kung gusto ba ako ni Ashton. Kaibigan ko siya. . . ayaw ko ng mas maging komplikado ang mayroon kami.

Mas marami akong dapat atupagin at isipin kaysa pagtuunan ng pansin ang nararamdaman ni Ashton para sa akin. Hindi niya rin magawang sagutin ang tanong ko. Binigyan lang din ako ng senyales na hindi na kailangan ng sagot ang tinatanong ko. Either way, wala rin namang mangyayari. Mas magiging magulo lang lahat.

It would be hard for me, for Ashton, and Leroy. Eventually, may maapektuhan na ring iba. My mental health, my relationship with other people—including my family, my studies, and my work. Everything that I'm holding, will be affected by it.

Marahan ko ulit iginiya ang mukha ni Ashton paharap sa akin. Napangiti ako at hinipo muli ang kaniyang magkabilang pisngi. Para akong malulusaw sa paninitig niya. I love Ashton. . . hindi ko hahayaang mawala siya sa akin. I will never let these passionate eyes that look at me so deeply be gone. Hindi ko kayang ilagay sa pedestal ang relationship namin para lang masagot ang tanong ko.

Ditto Dissonance (Boys' Love)Where stories live. Discover now