Chapter 13

10.5K 348 20
                                    

Chapter 13: A New Day

#DittoDissonanceWP

please leave a vote thank you sm <3 

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Zern's Point of View (ᴗ͈ˬᴗ͈)

"Pasok ka na?" napatingin ako kay Mishael na nagse-cellphone pa sa kama niya habang ako ay nagsisintas na ng sapatos.

Hindi ko napigilan ang sarili kong mapatingin sa katawan niyang nakabalandra sa akin, mabuti na lang may takip siya banda sa baba kasi mukhang naka-boxers lang ata siya. Ang gandang umaga for me, chariz.

Guwapo talaga 'to si Mishael at mabait pa. Mas ia-admire ko pa 'yung ganito. Kaysa naman 'yung nasa kabilang room na guwapo nga, bagong presidente naman ng bawat layer ng hell. Pota siya. Tuwing naalala ko, gusto kong maiyak at magalit nang sobra. Bwisit siyang bobo siya.

Nginitian ko si Mishael at umiling. "Hindi, sasali kami sa org ng mga kaibigan ko, ikaw? Ano oras pasok mo?" sabi ko.

Ngumuso siya at napabuntong hininga. "Hindi ko pa alam, actually. Hindi pa ako enrolled. Mamaya pa lang ako mage-enroll. Inuna kasi bayaran 'yung dorm ko bago 'yung tuition ko, kaya. . . ayon," sabi ni Mishael.

"Ooh, pero papasok ka pa rin this first day?" sabi ko.

Umiling siya. "Hindi, kakatamad. Inaaya nga ako ng mga kaibigan ko, okay lang daw 'yon. Kaso tinatamad naman ako. Mas gusto ko na lang humilata sa kwarto," sabi niya at mahinang natawa.

"Kaya nga, e. Gusto ko rin, pero kailangan kong kumilos. I have to make my parents proud, chariz," sabi ko at napakagat sa aking ibabang labi dahil kusang lumabas ang kabadingan ko.

He chuckled. "Natatawa talaga ako pag nagjo-joke ka nang ganiyan. Natatawa ako sa tono ng boses mo. Para kang nanloloko nang sobra," sabi niya at hindi na naman matigil sa kakatawa nang mahina.

"Baka naman gawin mo na akong clown niyan, Mishael. Sumbong kita sa jowa mo, may nagpapasaya sa 'yo bukod sa kaniya," sabi ko kaya humalakhak na siya.

Hindi ko rin tuloy mapigilan hindi matawa dahil nakakahawa 'yung tawa niya. Ang dali naman nitong patawanin, hindi pa nga ako nagjo-joke nang todo. I like him. I like his personality. Mukhang magiging maayos ang sem ko in terms of roommate. Kaysa last sem, pangit na roommate ko, pangit pa 'yung mga prof ko. Sobrang stress potangina.

"Oo nga pala, Zern. Dinner mamaya! Gusto mo ba sa labas kumain or pa-deliver na lang tayo dito sa room?" sabi niya.

Bahagya akong napanguso habang nag-iisip. "Sa labas na lang. Mas gusto ko outdoor. Ayaw ko rin nang nangangamoy minsan sa room 'yung food," sabi ko at mahinang natawa.

Tumango-tango siya. "Noted, sir. At saka, inaasar mo ako sa girlfriend ko. . . baka mamaya magselos din girlfriend mo sa akin dahil ako na 'yung palagi mong pinapatawa," sabi niya at ngumiti na naman na parang natatawa.

Ha ha ha. . . paano ko 'to sasagutin? Puwede ko bang sabihin na wala akong girlfriend dahil parehas kami ng girlfriend niya ng hanap. Kimmy.

"Wala akong girlfriend!" pagde-deny ko nang todo-todo. Kasi wala naman talaga. At saka nahihiya ako sabihin sa kaniyang hindi ako straight since hindi rin naman ako super out. Gusto ko kung sino na lang makaalam nang kusa. Ina-anxious pa ako minsan kapag aaminin ko.

"Sus! Ang guwapo-guwapo mo. Tapos matangkad pa. Mukhang masipag pa mag-aral. Alas-otso pa lang, oh? Tapos ready ka na lumabas ng dorm. Hindi katulad ko, tamad na tamad," sabi niya at nag-make face na hindi naniniwala sa akin.

Ditto Dissonance (Boys' Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon