Chapter 2

16.3K 598 86
                                    

Chapter 2: Confusing Ditto

#DittoDissonanceWP

WARNING/DISCLAIMER: THIS STORY IS NOT FOR EVERYONE. IF YOU'RE SENSITIVE WITH LIBERATED WORDS, TOO MUCH CUSSING, AND SLURS. THIS IS NOT FOR YOU. FIND THE STORY THAT IS SUITABLE FOR YOUR TASTE.

MY CHARACTERS ARE NOT PERFECT, AND THEY ARE BOUND TO CREATE MISTAKES, SO LET THEM MAKE MISTAKES AND GROW FROM IT. PLEASE ANALYZE THE STORY WELL, SO YOU WILL BE ABLE TO UNDERSTAND WHAT THE STORY IS TRYING TO TELL.

YOU ARE A READER, THIS IS FOR YOU TO FIND OUT. 

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Zern's Point of View (❁ᴗ͈ˬᴗ͈)

Gago 'yon, ah!

Bakit nakangiwi 'yun sa akin? Napa-side eye ako habang nakasimangot. Mukhang dito siya sa room 205. Napatabingi ang ulo ko sa pagtataka habang magkasalubong ang mga kilay.

May binulong siya, e. Nakita ko! Narinig ko rin. Gago 'yon, ah? Baka nandiri siya dahil pawis ako? Pero ano namang nakakadiri sa akin? Umiling na lang ako at napanguso.

Kabadingan activated mehehe. Ang mahalaga gwapo siya, at batak na batak ang manggas ng polo shirt niya. Thank you, Lord. Nakakita na rin ako ng gwapo ngayon. Akala ko hindi mababasbasan ng gwapo for today, eh.

At ang maganda pa ro'n, magkatabi lang ang room namin. Mas madalas ko siyang masisilayan. Napatakip ako sa bibig ko dahil sa pagiging delusional ko. Kung ano-ano ng tumakbo sa isip ko dahil lang nakita ko siya.

"Ang gwapo. . . malaki kaya?" bulong ko at mas lalong natawa sa sarili ko.

How long is it been na ba since I had sex? Sa sobrang busy ko last semester, hindi ako makapag-party kaya wala akong maka-hook up at no'ng bakasyon naman bantay-sarado ako ni Kuya.

Kahit lumalabas kami nina Leroy, hindi naman kami makapag-party dahil may hangover pa ako sa plates na tinapos ko no'ng last semester. Puro breakdown at bonding lang sa family ang ginawa ko buong break. Hindi man lang ako nadiligan! Hindi 'to tama. Nami-miss ko na rin.

Napangiwi ako bigla nang na-realize kong ang dami ko na agad naisip lalo dahil lang sa gwapong 'yon. Tandang-tanda ko kasi 'yung foreign features niya! Sobrang gwapo niya.

He has deep green eyes. Tapos 'yung jawline niya! Ay! Ang guwapo. Ang tangos pa ng ilong pati 'yung kilay niya parang dinrawing sa sobrang ganda. And 'yung lips niya. . . eng pula! Higante pa sa tangkad.

Napamaywang ako bigla. . . "Pero bakit siya nakasimangot at para siyang nandidiri sa akin? Napansin niya bang naglalaway ako sa kaniya?"

Dumating na lang sina Kuya ay hindi pa rin ako nakakapag-unpack. Hindi maalis sa isip ko 'yung lalaking 'yon. Gusto kong matuwa dahil may pogi pero. . . bakit siya nakangiwi? Pota siya kung jinudge niya agad ako.

Pero bakit ko ba ino-overthink? Hindi ko nga siya kilala. Bukod sa sobrang gwapo niya at malaki ang biceps niya, wala ng dapat pahalagahan sa kaniya. Tama na! Kabadingan off mode muna.

"Wala ka pa ring na-unpack?" sabi ni Kuya at inilapag sa kama ko ang mga binili nila ni Katie na snacks para sa akin.

Napabuntonghininga ako. "Wala pa, e. May dumaan kasing pogi tapos nakangiwi siya sa akin. Parang nakakadiri ako. Cute naman ako. Maayos naman 'yung hair ko. Medyo pawis lang."

Ditto Dissonance (Boys' Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon