Chapter 45

8.6K 329 350
                                    

Chapter 45: Chaotically Good

#DittoDissonanceWP

Author's Note: hi! thank you for waiting <3 naisip ko na baka hindi ninyo pa alam ang socials ko! kasi madalas ako nagda-drop ng mga updates about my stories sa aking IG or Facebook! 

Here are my socials! So magiging updated ka sa mga biglaan kong pa-drop :P 

IG: JosevfTheGreat

FB: Josevf Del Monfrio 

Page: JosevfTheGreat

Anyway, don't forget to vote!!!! enjoooooyyyyyy!

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Leroy's Point of View

"Kanina pa tayo nagcha-chat kay Zern, hindi man lang niya binabasa. Nagde-deliver naman at online naman siya!" sabi ko at inilapag ang phone sa table.

Nakaupo kami ni Ashton sa table ng convenience store pinupuntahan din namin nina Zern. Malapit na rin mag-alas nuebe, kanina pa namin hinihintay si Zern mag-reply dahil nga aayain namin siya mag-almusal.

"Sumagot na ba si Tita?" sabi ko kay Ashton.

Madilim ang ekspresyon ni Ashton. Kanina pa siya nananahimik at nakahalukipkip. Naliligaw ang isip niya habang hinihintay namin ang reply ni Tita. Tinanong na kasi namin si Tita kung nasaan si Zern. Dapat kanina pa nandito si Zern, mag-alas nuebe na wala pa rin.

"Oo, pinoproseso ko lang 'yung sinabi ni Tita. Hindi ko lang maisip kung bakit kasama niya si Caiden. Umagang-umaga?" nakangiwing sabi ni Ashton.

Nangunot ang noo ko. "Ha? Kasama ni Zern si Caiden? At saka kanina pa tayo naghihintay dito, hindi mo sinasabi na nag-chat na pala si Tita!" sabi ko.

Umigting ang panga ni Ashton at hindi man lang ako tinitingnan o pinapansin. Kapag talaga tungkol kay Zern, laging occupied isip nitong lalaking 'to. Kinuha ko ang phone ni Ashton na nakapatong sa lamesa, pero naka-lock 'yon. Ano ba 'yan! Titingnan ko nga 'yung message ni Tita.

"Ashton! Huy! Ano? Tutulala ka diyan?" nakakunot-noo kong sabi.

Nagtama na ang mga mata namin. Bumuntonghininga siya at saglit na napapikit. Hinilot niya ang pagitan ng kilay niya bago kinuha ang phone niya sa akin 'saka ipinakita ang message ni Tita.

Napangiwi ako. "Sinundo siya ni Caiden sa kanila para magsabay pumunta rito? Bakit? Paano naman nakilala ni Tita si Caiden? Ang gulo!" sabi ko at nabibwisit na rin dahil kanina pa rin ako nagugutom.

Mabigat na bumuntonghininga si Ashton. "I'm fucking pissed. Ano na namang gusto mangyari ni Caiden? Akala ko ba okay na sila. At saka ang tagal naman nila? Kanina pa raw umalis si Zern. Saan siya dinala ni Caiden?" sabi ni Ashton.

"Naiinis na rin ako. Hindi man lang nagsasabi si Zern. Hindi niya alam na hinihintay natin siya. Alam naman niyang tuwing Monday, pagkagaling niya sa kanila, magkikita-kita tayo para mag-almusal. Kung may emergency man, puwede naman niya sabihin," sabi ko.

"Ang kinaiinisan ko, bakit siya sumama kay Caiden? Does he like Caiden? Porket bumabait na si Caiden sa kaniya, feeling niya may gusto na si Caiden sa kaniya?" galit na sabi ni Ashton at bahagya ng namumula ang kaniyang tainga.

"Ash. . . hindi naman gano'n si Zern. Okay lang naman if sumama siya kay Caiden dahil baka nag-offer ng ride eme, gano'n. Sana man lang nagre-reply siya para alam natin. E 'di sana kanina pa tayo nakapag-almusal, or kinita natin siya somewhere," sabi ko.

Ditto Dissonance (Boys' Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon