Chapter 37

8.6K 401 436
                                    

Chapter 37: The Struggle

#DittoDissonanceWP

i think lagpas chapter 50 to T_T anyway, enjoy!

don't forget to vote! tysm <3 

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Zern's Point of View (ᴗ͈ˬᴗ͈)

"So, kailan mo gagawin 'yung activity na in-assign kanina ni Ma'am?" sabi ni Leroy habang naglalakad kami palabas ng BS Architecture's building.

Napanguso ako. "Ewan ko! Ang dami niyang pinagawa tapos deadline bukas agad ng gabi. Pagpupuyatan ko na lang mamaya. Nase-stress ako bigla. May klase pa tayo mamayang alas-singko. Tapos babalik pa ako sa Tafiti's by 9 p.m at hanggang alas-onse ako ro'n. 'Pagbalik ko sa dorm, gagawa ako ng activity. Bukas kasi busy rin ako. Sa umaga nasa school ako, tapos sa hapon hanggang gabi nasa trabaho naman ako," sabi ko at napabuntonghininga.

Leroy chuckled with comfort. "Aww, kawawa naman ang main character kong friend, nase-stress na," sabi ni Leroy.

Napabuntonghininga ulit ako pero kaagad din akong napangiti nang nakita ko si Ashton na hinihintay kami sa labas ng building. Ngumiti rin siya nang namataan na kami ni Leroy.

"Ashton!" maligaya kong bungad 'saka siya niyakap. Nagulat si Ashton pero niyakap niya rin ako pabalik at natatawa pa.

"Stress na ang disney princess natin, Ashton. Kanina pa 'yan nagrereklamo. Ang dami kasing gagawin," sabi ni Leroy at mahinang natawa.

"Aww. . . stress ka na?" sabi ni Ashton sa akin 'pagkahiwalay ko sa yakap.

Tumango ako at muli na namang napabuntonghininga. "Oo, bwisit na 'yan. 'Pag namatay na ako, sisihin ninyo 'yung Tafiti's. Charing," sabi ko at mahinang tumawa.

"Ice cream tayo nina Leroy?" alok ni Ashton.

Tumango naman ako at lumiwanag ang mukha. "Sige! Kaso hindi pa tayo makakatambay dahil may klase pa rin tayong tatlo," sabi ko.

"Yeah, may klase pa ako ng 5 p.m. then ang tapos ko pa ay 7 p.m." sabi ni Ashton at mukhang pagod na rin.

"Kami hanggang alas-otso pa. Tapos babalik si Zern sa Tafiti's ng 9 p.m.," sabi ni Leroy at mukhang na-stress na rin para sa akin.

Mahinang tumawa si Ashton bago ako nilapitan para akbayan. "Tara na. Kain na tayo ng ice cream. Pagkain lang naman nakakapagpawala ng stress ninyong dalawa, e," sabi ni Ashton at hinila rin si Leroy para akbayan.

Mahina rin kaming natawa ni Leroy bago kami nagsabay-sabay maglakad papunta sa bilihan ng ice cream. Kung ano-ano ring kinuwento ni Ashton sa klase niya kanina, at may mga gagawin din siya. Hindi niya sinasabing nase-stress na siya dahil hindi sanay si Ashton na nagve-vent out masyado. Tinatawanan niya lang 'yon pero alam namin ni Leroy na nabibigatan din siya.

Umupo na lang muna kami sa tabi ng daan, sa tapat ng ice cream store habang pinapakiramdaman ang malamig na simoy ng hangin kasama ng aming soft serve. Tahimik at ilang oras na lang didilim na rin ang langit. Mailap ang mga sasakyan pero may iilang mga naglalakad.

Napangiti ako at nilingon ang dalawa kong kaibigan na busy lang sa pagkain ng soft serve nila. Since katabi ko si Ashton, siya ang napatingin sa akin. Nagtaas siya ng kilay sa akin pero umiling lang ako't ngumiti rin pabalik.

"Why?" sabi ni Ashton.

"Wala naman. Ang cute lang. Naiisip ko lang kasi na magiging stressful ang semester na 'to for me since pinag-apply ulit ako ni Mama mag-work. Kasama pa ako sa council ng organization. Pero thankful lang ako na na'ndito ako kayo ni Leroy. Simple lang 'yung ginagawa natin—kumakain ng ice cream habang nakaupo sa gilid ng daan, pero ang comforting para sa akin. Pakiramdam ko, nasusuportahan ako nang mabuti at alam kong kaya ko," sabi ko at mas lumawak ang ngiti.

Ditto Dissonance (Boys' Love)Where stories live. Discover now