Chapter 9

10.9K 369 20
                                    

Chapter 9: Worst Scenario

#DittoDissonanceWP

Merry Christmas! Enjoy! Leave a vote, tnx :>

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Zern's Point of View (ᴗ͈ˬᴗ͈)

"Ooh! Nakaka-miss makita 'tong road na 'to, na puro night clubs! Ang sakit sa mata ng ilaw pero. . . pagpasok naman sa loob, party-party!" sabi ni Leroy habang nakatingin kami sa labas mula sa kotse.

Napangiti rin ako dahil sa sinabi ni Leroy. Nakaka-miss talagang pumarty, shet na shet talaga. Ang tagal kong nakatengga. Walang dilig. Walang party. Patay na patay na 'yung social life ko. Puro 'tong dalawang 'to 'yung kasama ko o hindi kaya 'yung mapang-asar kong pamilya.

Mahalaga naman sila sa akin, pero syempre. . . mahalaga rin maging malandi.

"Saan tayong night club? Sa usual?" sabi ni Ashton.

"Ay, 'wag! Pangit do'n! Sa iba tayo tonight. Do'n sa Viking's Night Club tayo," sabi ni Leroy at tinuro ang hindi pa namin napupuntahang night club.

"May pogi ba ro'n?" sabi ko sa kaniya dahil baka puro mga adik lang 'yung nando'n. Kung wala, lilipat na lang ako sa gay club. Para mas mataas ang chance na makakuha ng lalaki for tonight mehehe!

"Kaya nga natin titingnan!" sabi ni Leroy.

Nag-park si Ashton sa hindi kalayuan sa mismong night club na napili ni Leroy. Sa labas pa lang ay marami na ang nagsisigarilyo. Marami ring babaeng putok na putok ang make up at mukhang ready na rin makakuha ng treasure ngayong gabi.

Papasok pa lang kami ay may nanigaw agad sa amin.

"Bawal bakla dito," sabi ng isang lalaki kay Leroy.

Inurong ni Ashton si Leroy sa likuran niya at tiningnan nang madiin 'yung grupo ng mga lalaki. Kusa silang nagtawanan pero nagsialisan din. Mukhang malakas lang trip. Natural sa mga night club. Mga mababaho naman 'yung hininga.

"Pogi mo ro'n," sabi ni Leroy kay Ashton.

Mahina akong natawa dahil 'yon palagi ang ginagawa ni Ashton sa amin ni Leroy sa tuwing may mae-encounter kaming gano'n. Maraming beses ng napaaway si Ashton dahil sa amin ni Leroy. Sa tangkad at laki ng katawan niya, para namin talaga siyang literal na bodyguard. Halos magkasing tangkad lang sina Leroy at Ashton. Habang ako ay hanggang tainga lang nila pareho.

Ganunpaman, si Ashton pa rin ang protector naming dalawa ni Leroy. Malandi lang kasi si Leroy pero mas malakas pa ako sa kaniya sumuntok. Mas pinaglihi 'yung kaluluwa niya sa kalandian kaysa sa pagiging lalaki.

'Pagpasok namin ay mukhang maayos naman kung ikukumpara sa unang bati sa amin kanina sa labas ng club na 'to. Mas maraming babae kaysa lalaki. Mukhang si Ashton lang mage-enjoy dito. Kung balak lang naming mag-inom, puwede naman dito. Kaso gusto ko sana 'yung may titingin sa aking pogi.

"Parang walang pogi," sabi ko kay Leroy habang naglalakad kami pababa papunta sa bar.

"Pero maganda 'yung dance floor nila. Malawak at maraming chairs!" sabi naman ni Leroy kaya napanguso ako.

"Anong silbi ng dance floor kung wala ka namang mababanggang pogi? Malandi tayo, Leroy. Pinapaalala ko lang sa 'yo," sabi ko kaya mahinang natawa si Ashton na kasabay kong maglakad.

Lumingon sa akin si Leroy. "Alam ko. Titingnan lang naman natin dito! Ang arte naman nito. Main character ka na naman, Zern."

"Baliw, main character talaga 'ko dito. Hindi mo ba alam?" sabi ko at tinaasan siya ng kilay.

Ditto Dissonance (Boys' Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon