Chapter 52

9K 439 899
                                    

Chapter 52: Bonded and Found

#DittoDissonanceWP

AUTHOR'S NOTE: tenchu for waiting! nasira kasi laptop ko T_T pero buti naayos agad kaya ito na ang chapter 52! 

don't forget to vote and enjoy! <3

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Zern's Point of View (ᴗ͈ˬᴗ͈)

As soon as Caiden and I went inside of his dorm, the extreme tension was bursting out of its box. Parehas nakaawang ang mga labi namin habang nagtititigan.

Nasa likuran ako ng pinto at siya ang nasa harap ko. Ang mabibigat niyang paghinga ang nagiging dahilan ng pag-ikot ng sikmura ko. Tangina. . . para akong mamamatay sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

How the fuck did we get here? Tangina. . .

This feels like there's something about to happen. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kapag nangyari ang nasa gilid ng isip ko. Gusto kong maniwalang imposibleng mapunta kaming dalawa sa sitwasyong gan'to, pero putangina—andito na kami.

Napalunok ako nang binasa ni Caiden ang mga labi niya. Kusa akong bahagyang nanginig nang hawakan niya ang magkabilang baywang ko at dahan-dahan akong inilapit sa katawan niya.

"'Wag kang matakot, Zern. Wala kang dapat ipagalala, andito ako—sa akin ka mag-focus. Tumingin ka sa mga mata ko at hayaan mong maramdaman mo ang sinasabi ng isip ko," he whispered passionately.

Humugot ako nang malalim na paghinga 'saka sinunod ang sinabi ni Caiden. Unti-unting nawala ang init at kaba sa sistema ko nang nakita ko kung gaano ka-sincere ang mga mata ni Caiden.

Nagsisitayuan ang balahibo ko. Kahit hindi magsalita si Caiden, ramdam na ramdam ko na ngayon ang gusto niyang mangyari kumpara kanina.

He wanted me to feel him. . . that's what he meant about kissing me.

Gusto niyang makita ko at maging malinaw sa akin ang gusto niyang mangyari, maging ang intensiyon niya. Katulad ko, kinakabahan din siya kanina at mukhang kung ano na lang din ang nasa isip niya—'yon na lang ang din ang kusang lumabas sa bibig niya.

"Sshh. . . don't overthink, Zern. I know you're overthinking. I want you to feel my lips, and how much I've always wanted my lips to be on yours," he said while smiling softly.

Unti-unting gumalaw ang kamay ko papunta sa pisngi niya. Bahagya niyang idinantay ang pisngi niya ro'n.

Fuck. . . it's fluttering for me to think that he wanted me to feel safe—na sa pagkakataong ito, hindi na lang niya ako basta hahalikan, kundi lilinawin niya nang mabuti sa akin kung bakit dapat magdikit ang mga labi namin.

"Don't overthink. . . hmm? Stop that. Focus on my eyes. I don't want you to think those thoughts again," he said softly.

Unti-unti akong tumango kaya napangiti siya. Bumaba saglit ang tingin niya sa labi ko bago ulit ibinalik sa mga mata ko. I think he wanted to kiss me now.

"You can kiss me now, Caiden. I want your lips to be on mine," I whispered.

He quickly bit his lower lip before kissing me.

Hindi ko agad napigilan mapaungot nang naramdaman ko muli kung gaano kalambot at kung gaano kagaling humalik si Caiden.

Parang tumatalbog sa lambot ang mga labi namin sa bawat paggalaw ng mga 'to, and the subtle sound that our lips create as we kiss makes me lose my mind even more.

Ditto Dissonance (Boys' Love)Where stories live. Discover now