Chapter 20

10.4K 321 69
                                    

Chapter 20: War was Approaching

#DittoDissonanceWP

hello, naisip ko baka magandang maglagay ng dedication! kaya just comment (inline) if gusto ninyong ma-dedicate ang isang chapter sa 'yo <3 

and comments are highly appreciated ^-^

don't forget to vote <3

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Caiden's Point of View

"Bakit maliligo ka ulit, Mags?" Echo asked while we're walking.

Alas-tres ng hapon nang naisipan na naming umalis sa pinagtatambayan namin. Bumili na nga ulit ng pagkain si Titus para sa amin at naubos na rin 'yon. Kung saan-saan na napunta ang topic namin. At ang pinakamahalaga ro'n, pare-parehas kaming apat na naiinis sa bading na 'yon. Kung anuman ang susunod niyang gagawin ay sabay-sabay kaming magre-react. Hahaha!

Although, I doubt it. Baka tumigil na 'yung bading na 'yon. Mukha naman siyang masipag mag-aral. Typical student. Baka mag-focus na 'yon sa pag-aaral niya kaysa atupagin ang pagganti sa akin. Which is good. That gay bigot finally found his place, and that is to be fucking far away from me.

"Oo, gago. Ang init kaya. At saka, sapat na ba sa 'yo maligo ng isang beses? Baho puta," sabi ni Magnus.

Mahina kaming natawa ni Titus sa likuran nilang dalawa. Nagkatinginan pa kami at sabay na napailing. Papunta kami sa room nilang dalawa, at tambay ulit. Wala namang gagawin.

May klase kasi si Magnus ng alas-kwatro at alas-sais pa ang tapos niya. Hindi nasakop sa excused 'yung klase niya dahil masyado nang hapon. Nag-aaya rin naman si Echo mag-mall. Bibili raw siya ng damit niya. Parang gusto ko rin mag-shopping ng damit ko para ngayong sem. Since hindi ko naman na-pack 'yung mga iba kong panglakad. Kapag umuwi ako para kumuha ng damit, papagalitan lang ako ni Mommy. Sasabihin niya ipangka-club ko lang, which is half true.

Kaya mukhang tutuloy kami sa mall after mag-prepare ni Magnus. Hindi ko alam kung bakit namin kailangan samahan si Magnus mag-prepare. Nakasanayan na siguro namin na palaging naghihintayan at sumasama sa bawat isa kahit anuman ang gawin. Maybe that's our language of showing care. I guess? Hindi ko naman alam kung paano magpakita ng care.

"Echo, tuloy ba tayo sa mall?" tanong ko 'pagkapasok namin sa room nila.

Tumango siya. "Oo, pre. Bibili ako ng mga damit ko. Alam kong bibili ka rin," sabi ni Echo at mahinang tumawa.

"Oo, bibili rin ako. Sana lang hindi ako pagalitan ni Daddy dahil makikita niya 'yung gastos sa credit card ko. Alam naman niyang every sem, bumibili ako ng bagong damit para may susuotin ako," sabi ko at umupo sa kama ni Echo at gano'n ang ginawa ni Titus.

"Ako rin, baka bumili ako ng sling bag. Wala akong panglakad din na bag. Puro backpack gamit ko," sabi ni Titus.

"Ayos, sakto pala. Wala naman tayong gagawin din. May klase si Magnus tapos tayo tatambay lang dito. At saka mamaya na rin 'yung bukas ng perya. Nagbubukas 'yon kapag nagsisimula na 'yung sem ng mga university dito. Sana may chix," nangingiting sabi ni Echo at naupo sa upuan ng study table niya.

"Pero tuloy 'yung club natin mamaya? Tangina, pre. Kailangan ko ng babae. Hindi talaga ako papayag. I need some release, man," sabi ko at hinubad ang sapatos ko para maka-half lay down ako. Kinuha ko ang unan ni Echo at 'yon ang sinandalan ko.

Tumango si Echo. "Oo, pre. Gusto kong mag-inom. Ano bang oras klase ninyo bukas? Tangina ako alas-diez ng umaga. Tanginang schedule 'yan," singhal ni Echo.

Ditto Dissonance (Boys' Love)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang