Chapter 3

15K 550 109
                                    

Chapter 3: Hate at First Sight

#DittoDissonanceWP

WARNING/DISCLAIMER: THIS STORY IS NOT FOR EVERYONE. IF YOU'RE SENSITIVE WITH LIBERATED WORDS, TOO MUCH CUSSING, AND SLURS. THIS IS NOT FOR YOU. FIND THE STORY THAT IS SUITABLE FOR YOUR TASTE.

MY CHARACTERS ARE NOT PERFECT, AND THEY ARE BOUND TO CREATE MISTAKES, SO LET THEM MAKE MISTAKES AND GROW FROM IT. PLEASE ANALYZE THE STORY WELL, SO YOU WILL BE ABLE TO UNDERSTAND WHAT THE STORY IS TRYING TO TELL.

YOU ARE A READER, THIS IS FOR YOU TO FIND OUT. 

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Caiden's Point of View

"Fuck, men. May bading sa katabi kong room. Magpalipat kaya ako ng room?" sabi ko pagkapasok na pagpasok namin ni Titus ng room ko.

Humalakhak siya. "Ayan, Building 102 ka pa, ha. Saktong 'yung allergy mo pa 'yung nakatabi mong room. Pero ang mahalaga, hindi mo ka roommate."

"And that's supposed to make me glad? Tangina. Baka mamaya tuwing lalabas akong naka-sando o naka-tank top para mag-gym, nakaabang 'yung bading na 'yon para picture-an ako o maglaway sa akin," sabi ko at kinikilabutan sa nai-imagine ko.

"Ang sensitive mo naman, Caiden! Feeling main character ka naman sa lagay na 'yan. Malay mo naman napatingin lang din sa 'yo pero wala naman siyang pakialam sa 'yo," sabi ni Titus kaya binatukan ko nga.

"Fuck you, men. Kitang-kita ko sa mga mata niyang bading na bading at gusto na akong hubaran. Ang dami ko ng experience riyan. 'Yung iba pa hinihipuan ako. Tanginang 'yan. Traumang-trauma ako sa mga bading. Hirap magkaroon ng foreign features dito sa Pilipinas, masyadong namamanyak."

"Parang kanina lang poging-pogi ka sa sarili mo, tapos ngayon ayaw mo na magkaroon ng foreign features bigla," aniya at humalakhak bago ako tinulak sa braso.

I hissed and shook my head. Subukan lang niya akong titigan o kausapin. I'll fucking shut him off. Or mas magandang lumipat na lang ako ng building. Kaysa mag-stay ako rito sa building na 'to na may bading akong neighbor. The fuck. No way.

"Alam ko na, pre. Samahan mo ako mag-inquire kung may bakanteng room pa sa ibang building. Wala na ba sa inyo?" sabi ko sa kaniya.

"Wala na, e. Magtanong na lang tayo kung meron pa sa iba. Tangina mo, bigla kang mapapalipat dahil lang may bading kang kapitbahay. Tangina mo gago," sabi niya habang humahalakhak na parang masayang masaya siya sa sinabi niya para mainis ako lalo sa ideyang may bading nga akong kapitbahay.

"Shut up, men. Samahan mo na lang ako at 'wag mo na 'to ikwento mamaya kina Echo, tanginang mga 'yon panigurado gagatong 'yon sa 'yo. Porket mga alipin kayo ng mga bading," sabi ko habang nakangiwi sa kaniya.

"Tarantado!" sabi niya at binatukan ako pero nakaiwas ako.

"Tara na! Nagiging bading ka na, hawak ka nang hawak sa akin," sabi ko at nauna nang lumabas ng room.

Nalukot agad ang mukha ko nang nadatnan ko pa ring nakabukas ang pinto nitong bading na 'to. Hindi ko alam kung bakit kusang lumiko ang mga mata ko nang dumaan ako ro'n. Nakatalikod siya kaya hindi niya ako nakita. Mabuti naman dahil hindi ko na gugustuhin mag-meet ulit 'yung mga mata namin.

Pakiramdam ko talaga ang dami ng tumakbo sa isip niya no'ng nagkatitigan kami. Fucking prick. Puwede bang mag-exist na lang sila sa ibang lugar malayo sa ibang tayo?

Ditto Dissonance (Boys' Love)Where stories live. Discover now