Chapter 5

12.3K 559 210
                                    

Chapter 5: Ditto Quarrel

#DittoDissonanceWP

Don't forget to vote and comment, thank you :p

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Zern's Point of View (ᴗ͈ˬᴗ͈)

Putangina!

"Ang anghang, Ashton. Pota ka," singhal ko sa kaniya at lumagok ulit ng isang basong tubig. Busog na ako kakainom ko ng tubig. Hindi ko na na-enjoy 'yung ramen. Pota talaga.

Humalakhak si Ashton. "You guys didn't tell kung maanghang ba o hindi, e 'di sinabi ko na lang extra spicy," aniya at halatang sinadya niya dahil sa expression niya.

"Alam mo namang hindi mahilig 'yan si Zern sa maanghang," sarkastikong sabi ni Leroy at tuwang-tuwa sa pinlano ni Asthon na prank sa akin.

"Ay, sorry! Nakalimutan ko. Sorry!" sumakay naman 'tong gagong Ashton na 'to sa pagiging sarcastic nitong bading niyang katabi.

I made face at umaktong nakikitawa sa joke at prank nitong si Ashton gago. Gusto ata masabitan ng medal.

"Ha ha ha!" sarkastiko kong sabi at kinuha ang tinidor kong galing sa mainit kong ramen 'saka tinusok 'yon sa forearm ni Ashton.

"Aray ko! Init gago," pag-inda niya pero tawa pa rin sila nang tawa ni Leroy.

"Hala, nanunusok na ng tinidor!" sabi ni Leroy at hindi pa rin tumitigil sa pagiging sarcastic niya. Isa pa 'tong sasakalin ko, e. Tuwang-tuwa si bading porket mahilig silang dalawa ni Ashton sa maanghang.

Humahagalpak ng tawa si Ashton at hindi na makakain. Mukhang tawang-tawa na rin 'to kanina pa habang umo-order at nai-imagine na niya 'yung magiging reaction ko sa prank niyang mukhang successful naman ang kinalabasan. Dahil putangina, hindi ko na makain 'tong ramen na 'to. Sayang pera ko putangina.

"Tangina mo talaga, Ashton. Pinapasubo mo siguro titi mo kay Leroy kaya palagi kayong magkasundo," sabi ko kaya itong bading naman umarangkada na ulit 'yung pagiging sarcastic.

"Oh, my god! Bastos? In front of my ramen and in public place? 'Yan ba tinuturo sa BS Architecture. Grabe. . ." sabi ni Leroy at umaktong nagtakip pa ng bibig bago sila nagtawanan ulit ni Ashton.

"Hoy, bading. . ." bulong ko sa madiin na boses, ". . . kapag ikaw hindi ka tumigil sa pagiging sarcastic mo, iuumpog kita sa pakong nasa harap mo."

Mas lalong humalakhak si Leroy kaya sinamaan ko sila ng titig ni Ashton. Putangina nitong dalawang 'to. Ako na naman 'yung tinarget. Hindi ko na nga makain 'tong ramen kong sobrang lala sa anghang, nasayang 'yung pera ko, tapos may dalawa pa akong kaibigan na malakas ang trip.

"Stop na. Sige na, sorry na. Joke lang, Zern. Baka mamaya itakwil mo na ako bilang kaibigan mo," sabi ni Ashton at bahagyang humupa na ang pagtawa.

Kinuha niya ang wallet niya at naglabas do'n ng pera. "Oh, ayan. Libre ko na 'yang ramen sa 'yo, tapos ito 'yung pera na exact price niyan para pambili mo ulit next time," sabi niya.

Sinamaan ko siya ng tingin habang nakataas ang isang kilay. Ngumiti siya nang malawak na parang natatawa na naman kaya kinuha ko na nang padabog 'yung pera na iniaabot niya dahil baka bawiin.

"As if naman makakain ko 'yung ramen na binili mo, tangina ka. Ang anghang, tarantado! At saka parang binalik mo lang 'yung pera ko," sabi ko at umirap.

Humalakhak na naman sila ni Leroy. Tuwang-tuwa na naman sila siguro sa pulang-pula ako dahil sa sobrang anghang. Sobrang init din ng bibig ko. Gusto kong lumaklak ng maraming gatas.

Ditto Dissonance (Boys' Love)Where stories live. Discover now