Chapter 33

8.9K 315 271
                                    

Chapter 33: Inevitably Too Close and Far

#DittoDissonanceWP

don't forget to vote <3 tysm. enjoy!

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Zern's Point of View (ᴗ͈ˬᴗ͈)

'Pagbaba ko ng elevator, naglo-loading pa ako kung totoo ba 'yung nangyari kani-kanina lang. Naliligaw ang isip ko habang mabagal na mabagal na naglalakad papunta sa room.

Totoo ba? Putangina beh. In-approach ba talaga ako ni Caiden? At ang sobrang nakagugulat pa ro'n, tinawag niya ako sa pangalan ko. Medyo understandable 'yung in-approach niya ako dahil hinahanap ako ng council, pero sobrang bizarre no'ng bumalik pa siya para mag-thank you sa akin tungkol do'n sa kotse. I mean. . . hindi ko alam ang mararamdaman ko! Gulat na gulat ako.

Puwede naman kasing hindi na lang niya sabihin kasi nakaalis na siya, e. Pero bumalik pa siya para lang mag-thank you sa akin kahit hindi naman na need mag-thank you. Baka sinabi ni Tita sa kaniya na ako ang nagsabi na 'wag na i-confiscate ang kotse niya.

Nginitian niya rin ako! Gago. Putangina. Totoo ba 'yon? Gusto ko i-rewind para ma-recheck ko kung totoo ba talagang nginitian niya ako. Sinabi ni Ashton kanina sa amin na um-agree si Caiden tungkol sa 'wag na akong inaano, para nang sa gano'n, wala ng maging away sa loob ng court.

Ang tanong na lang, na-realize ba ni Caiden 'yung sinabi ni Ashton or gusto lang talaga niyang 'wag magkaroon ng gulo sa court kaya niya sinusunod?

Either way, at least hindi na niya ako inaano. At parang sobrang imposible na gagawa ng isang bagay si Caiden na labag sa loob niya. Eh base sa na-observe ko sa mga interactions namin before, kung ano ang gusto niya 'yon ang sinusunod niya. At 'yon din ang sinabi ni Tita tungkol sa kaniya.

Kaya kung bukal man kay Caiden ang ginawa niyang pagngiti kanina sa akin, pati na rin ang pasasalamat niya, e 'di maganda! Mabuti kung gano'n! Mababawasan ang demonyo sa mundo. Baka expired na contract niya sa hell, eme charing lang.

Tumigil ako sa tapat ng pinto ng room ko, pero napatingin ako sa room ni Caiden. He's probably there and doing something. Bigla tuloy akong na-curious tungkol sa kaniya. Hindi ko pa rin kasi ma-process nang mabuti kung totoo ba talaga 'yung nangyari kanina, gusto ko i-try ulit kausapin siya.

Nanlaki ang mga mata ko at nanginig ang buong katawan ko. Parang kinuha ni Lord ang kaluluwa ko sa sobrang gulat nang bumukas ang pinto ni Caiden. Nagmamadali akong hinagilap ako susi sa bag ko. Putangina!

"Nakapagbihis na ako, ngayon ka pa lang makakapasok sa room mo?" sabi ni Caiden kaya dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kaniya.

He's just wearing a black sando, revealing his huge mouth-watering biceps. May mga veins pang naka-umbok do'n. Napalunok ako at hindi matigil sa pagkalabog nang mabilis ang dibdib ko.

Awkward akong ngumiti sa kaniya. "May dinaanan pa kasi ako kanina no'ng nauna ka. Kaya ngayon pa lang. . . hehe," sabi ko at nag-iwas agad ng tingin.

"Ako, bibili ako ng puwedeng kainin bago matulog," sabi ni Caiden sa kalmadong boses at hindi nagbago ang seryoso pero maaliwalas niyang mukha nang lingunin ko ulit siya.

"Ah. . ." sabi ko at tipid na ngumiti. "Sige, ingat. Pasok na ako," dagdag ko pa at binuksan na ang pinto.

Hindi ko na siya tiningnan ulit at pumasok na lang din agad sa room. Sinarado ko na rin agad ang pinto patalikod. Hindi ko alam kung nando'n pa siya o umalis na siya. Putangina. Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang pagkalabog nito. Napalunok ulit ako at napaawang ang bibig dahil bigla akong hinihingal.

Ditto Dissonance (Boys' Love)Where stories live. Discover now