Chapter 54

9.2K 419 390
                                    

Chapter 54: Worrying Settlement

#DittoDissonanceWP

Hi guys! Please vote for every chapter <3 Deserve ng CaiZern ang votes ninyo! This story means a lot to me. Kaya sana mabigyan ninyo rin sila ng appreciation through comments and votes! I'll highly appreciate it! <3 It boosts me to write more as well. Simpleng click lang sa star diyan sa ibaba, pero means a lot to me! ^^

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Caiden's Point of View

"Ang daming gagawin. Ilang linggo na lang midterms agad. Ang lawak kasi ng focus nila sa university's events," reklamo ni Titus habang naglalakad kami palabas ng building.

Napabuntonghininga ako. Bigla akong na-stress sa dami ng pinapagawa ng first subject namin. 'Pagkatapos na lang namin gumawa ng logo, 'saka ako gagawa ng activities.

May kasunod pa akong klase. Hindi ko maiwasang hindi maisip 'yung workloads ko. It's fucking make me want to just sleep for a week. Sobrang laki rin kasi talaga ng hatak ng pagtatrabaho ko sa Ginto's. Ilang oras akong nakatayo ro'n.

I kinda miss Zern. Ilang oras lang siyang nawala sa paningin ko, nami-miss ko agad siya. Mas lalo ko na siyang hinahanap-hanap. Lalo na 'yung amoy niya.

"Punta nga tayo sa BS Architecture Building. Puntahan natin si Zern. Gusto ko siya makita," out of nowhere kong sabi kaya natawa si Titus.

"Caiden, umamin ka na nga sa akin. Nababading ka na ba?" sabi ni Titus.

Nginiwian ko siya. "Fuck off, Titus. Parehas na tayong nase-stress sa mga gagawin. Gusto ko na lang munang makita si Zern bago tayo pumunta sa next class," sabi ko.

"Sungit. Sige, bossing. Tara na, puntahan na natin si Zern mo. Hindi ka na ata makakahinga kapag hindi mo siya nakita," sabi ni Titus sa mapanuyang tono pero hindi siya natatawa.

Hindi ko na siya pinansin at naglakad na lang.

Lumibot agad ang mga mata ko nang natanaw ko na ang BS Architecture Building.

Nangunot ang noo ko nang nakita ko si Leroy sa isang bench. Nagulat din siya nang nakita ako. His face. . . parang may nangyayaring hindi maganda.

"Why are you alone? Where's Zern?" kalmado kong tanong.

Napanguso siya. "Kausap si Ashton. Ando'n sa mga nakahelerang picnic table," sabi ni Leroy at itinuro ang hindi namang kalayuang picnic table.

Napaawang ang mga labi ko nang nakita ko na si Zern. Yakap-yakap niya si Ashton. Mukhang may pinaguusapan silang mahalaga. Hindi ko gaano makita ang mukha ni Ashton, pero naaaninag kong nakapikit siya.

"Bakit sila magkayakap? Sila ba?" sabi ni Titus kaya sabay kaming napangiwi ni Leroy sa kaniya.

"Fuck off, man. Kanina ka pa. Kung ano-ano na namang sinasabi mo," sabi ko.

Kinunotan niya ako ng noo. "Nagtatanong lang naman. Selos ka naman agad. Puwede mo naman sabihing hindi," sabi ni Titus.

"Hindi sila, Titus. Pero may gusto si Ashton kay Zern, at hindi niya sinasabi kay Zern, although mukhang naramdaman na ni Zern," sabi ni Leroy.

"Hindi ba 'yon magiging awkward sa inyong tatlo? May gusto si Ashton kay Zern, tapos ikaw maiipit," sabi ni Titus.

Tumango-tango ako. Titus has a point. Binalingan ko si Leroy na mukhang natigilan sa tanong ni Titus. He must be struggling, too.

Ditto Dissonance (Boys' Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon