𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐇𝐈𝐑𝐓𝐘

9K 151 7
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐇𝐈𝐑𝐓𝐘
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜

"Forgive me if I don't remember anything." Kanina pa iyan paulit-ulit na sinasambit ni Travis. Nandito kami ngayon sa room ko, nasa pagitan namin si Danish nakatulog na samantalang kaming dalawa ay nakasandal sa headboard ng kama. Nakaupo.

Hawak niya ang cellphone na nakita ko kagabi, at pinapakita ko sa kanya ang mga laman niyon at sa naalala ko ay cellphone niya iyon. Siguro ay naiwan niya dito noong minsang dumalaw kami dito sa bahay, noon kasi ay lagi kami dumadalaw kay Daddy. Habang nag-scroll siya sa mga picture ay panay siya sorry. Pinanood din namin ang mga video namin together mostly iyong video na kumakain ako ng mga cravings ko tapos sinasabayan niya ako. We are laughing, and enjoying our food. At maya-maya kung mag bulongan ng I love you.

"My love, you don't have to say sorry. Wala ka namang kasalanan."

"But, Bambina. I want to remember you. I want to remember our past together. Gusto kong alalahanin lahat simula sa una." mahinang sambit niya. Hinawakan ko ang kamay niya at marahan iyong pinisil pagkatapos ay ini-angat ko ang kamay ko at kinulong ko sa mga palad ko ang mukha niya.

"Susubukan natin balikan ang mga bagay na ginawa natin noon baka sakaling bumalik ang alaala mo at kung hindi naman pwede naman tayong gumawa nang bagong alaala, tayong tatlo kasama ang anak natin." malumanay akong sabi.

Bumuntong hininga siya. Mababanaag pa rin ang kalungkotan sa mukha niya.

"I love you, Bambina. May mga bagay man na hindi ko maalala, pero alam kong mahal na mahal kita, maaring nakalimutan nang utak ko ang parte kung saan masaya tayong mag-asawa pero pangako, mas magiging masaya tayo at hihigitan natin ang mga bagong mga memoryang ating bubuohin."

I smiled at him and planted a kiss on his lips.

"Mahal na mahal din kita, Travis, mahal na mahal."

After the talk. We decided to sleep na pero nakatulog na si Travis ako naman ay hindi. Bumabagabag sa akin si Avegaile. Ngayong nakatakas siya, maaring bumalik din siya para manggulo. Kailangan magawan ng paraan para makulong siya. Kailangan niyang pagbayaran lahat ng kasamaan na nagawa niya sa amin ni Travis.

Dahil hindi ako makatulog ay nag decide ako na bumaba nang kama. Iinom ako nang gatas para makatulog na rin ako. Kinuha ko ang cellphone ko at ipinasok iyon sa bulsa ko. Lumabas ako nang room at bumaba, nagtungo sa kusina.

Binuksan ko ang ref pagdating ko doon at kinuha ang fresh milk. Sinalin ko iyon sa kinuha ko ring glass ibinuhos ko doon at sinimulan ng inumin. Ngunit napatigil ako ng marinig ang mahihinang hakbang, bigla akong kinabahan. Dahan-dahan akong lumingon ngunit kasabay nang paglingon ko ay ang pagsalubong nang malakas na palo at tumama iyon sa nuo ko.

Hindi ako nakasigaw tila nakain ko ang hangin ko sa sobrang sakit. Naramdaman ko ang matinding pagkahilo. Unti-unti akong natumba.

"Hey, bitch. . . I'm back!" bago ko tuluyang naipikit ang mga mata ko at nakita ko pa ang nakakakilabot na ngisi nang pamilyar na babae!

Avegaile Sarmiento!


"Uhmm!" I groaned in pain.

I tried to open my eyes but I couldn't. Madilim. Sinubukan kong igalaw ang kamay ko ngunit nakagapos ang mga iyon.

No! This is not happening again! No!

𝐀𝐁𝐔𝐒𝐄𝐃 𝐖𝐈𝐅𝐄 (𝐎𝐍𝐄) Where stories live. Discover now