𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐍𝐓𝐘 𝐅𝐈𝐕𝐄

6.5K 132 8
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐍𝐓𝐘 𝐅𝐈𝐕𝐄
❛ ━━━━━━・꙳・━━━━━━ ❜

3 months later. . .

Having a relationship with Travis is like a dream come true. Kung sa pagiging green flag lang din ay pambato ko na siya.

The Travis in my bangungot ay walang-wala sa Travis na nasa totoong buhay. . . 𝐩wede ko na siyang patayuan ng rebulto sa pagiging green flag niya.

He cooks for me. He jokes, even if I don't get it sometimes. Lagi niyang inuuna ang kasiyahan ko, he gave me flowers and chocolates every day, we date every weekend, and we celebrate our monthsarrys every month. He really proved to me that he was different from the Travis in my nightmares.

Sinisiguro niya lagi ang safety ko. And I think that's the reason why I fall for him so fucking hard. Being with him for three months is like I win a lotto the happiness he gaves me everyday is unmeasurable. He is the most understanding and loving partner.

Yeah, I know that he loves me. Hindi man niya iyon sinasabi sa akin gamit ang wikang Ingles at Tagalog sinasabi naman niya iyon sa wikang italiano at pinaparamdam niya iyo sa pamamagitan ng mga galaw niya at pag-a-asikaso niya sa akin. At first I don't understand everytime na nagsasalita siya gamit ang salitang Italian, dahil sa curiousity ko ay pinag-aralan ko. Then without him knowing I understands Italian na everytime na nagsasalita siya ay napapangiti na lang ako kasi buong akala niya hindi ko pa rin naiintindihan ang mga sinasabi niya.

"Good morning, bambina! " bati niya sa akin pagpasok niya ng opisina, nauna ako ngayong pumasok keysa sa kanya. Lumapit siya sa akin at yumuko para dampian ako ng halik sa labi. "Ti amo." bulong niya pagkatapos ng halik.

I smiled too.

"Ti amo anch'io, amore mio."Nakita ko kung paano siya natigilan, ang kamay niya ay nabitin sa ere unti-unting nanlaki ang mata niya. Shocked written all over his face. "Sei così bello, amore mio, sono così fortunato ad averti, " matamis na ngiting dagdag ko.

"You can speak, Italian?!" mahinang bulalas niya. I giggled and nodded repeatedly. "No way!"

"Yes way, my love." nakangiti pa ring ani ko.

"Bambina, I think I have a heart complication now!" madramang aniya. Hinawakan niya ang dibdib niya umaaktong may sakit nga siya sa puso. Ang cute!

"Sa tingin ko ay habang buhay ka ng mangangailangan ng oxygen, my love. . ."

"Why?"

"Because everytime you look at me I always take your breath away. . . " ngisi ko. Humalakhak siya at ibinaba ang kamay niya walang babalang binuhat niya ako at kinandong at naupo siya sa mesa ko. "Travis!" naibulalas ko sa sobrang gulat sa biglaan niyang pagkandong sa akin.

He just chuckled. He kissed my nose my cheeks my eyelids my lips repeatedly.

"I love you so much, Danice Claudine Dela Cruz!" he whispered using his baritone voice.

"I love you more, Travis Maves Villamor." puno ng sinseridad kong tugon.

Halos thirty minutes kaming naglambingan ni Travis bago kami nagsimulang magtrabaho. Simula talaga noong dito na ako nag tra-trabaho sa company niya ay walang araw na hindi kami nag lalambingan. Sobrang saya, walang problema.

Sana tuloy tuloy na. . .

Sana. . .

"Dzaii!" halos mabingi ako sa sobrang lakas ng sigaw ni Avyannah sa kabilang linya. Nandito ako sa room ko at mahihiga na sana pero tumunog ang cellphone ko kaya sinagot ko iyon at ito nga ngayon ang sigaw na bungad ni Avy.

"Avy, parang mababasag eardrums ko sa lakas ng tili mo kahit sa isang aparato ko lang naririnig ang boses mo!"

Tumawa lang ang sintu-sintong babae.

"May tanong ako!" Hindi na tili pero malakas pa rin ang boses niya.

"What?"

"Kung tulog ba iyong tsinilas tawag ba don sleepers?" she asked then laughed out loud. Nahawa tuloy ako. Magkapatid ata si Travis at Avy parehong may mahilig magjoke nang mga corny.

"Ito pa! Kapag ba nagkamali ang baboy kailangan ba siyang turuan ng letchon?" Humakhak ulit siya kaya napatawa na rin ako! "May isa pa! Alam mo ba kung ano ang sabi ng elepante sa Camel nang minsang nagkasalubong sila sa Desserto? . . . Hoy camel bakit nasa likod 'yong dede mo? Tapos ang sagot naman ng Camel sa tanong nang elepante ay, napakagandang tanong 'yan mula sa elepanteng may titi sa mukha!" she laughed harder again! Hindi ba siya nabubulunan sa uri nang pagtawa niya?

"Avy, ang corny ng mga jokes mo!" natatawang ani ko.

"Tsk! Babosh, 'yon lang ang dahilan ba't napatawag ako! By the way credits sa Pinterest sa mga hilarious jokes na iyon, magbibigay ako ng credits baka matawag tayong magnanakaw! Bye!"

Akmang sasagot pa sana ako pero pinatay na niya ang tawag. 'Kita mo nga itong babaeng 'to hindi man lang ako hinintay makasagot pinatayan na agad ako ng tawag.

Ipapatong ko sana ang phone ko sa bedside table ngunit nadulas ang kamay ko kaya diretsong nahulog ang phone ko sa sahig. Aabutin ko sana iyon habang nasa kama ako pero hindi ko mahanap. Kaya naman ay bumaba ako sa kama at sinilip ang cellphone ko sa ilalim ng kama.

Nang makita ko iyon ay inabot ko. Nauntog pa ako dahil sa pag-extend ko sa kamay ko. Nang makuha ko na ay tumayo na ako at muling naupo sa kama. Ilalagay ko na sana ulit ang cellphone ko sa bedside table nang matigilan ako ng mapansin kong parang may mali sa phone ko. Sinuri ko iyon pero nagulat at nagtaka ako ng makita ang itsura nang phone hindi na iyon iPhone 14 pro max, isa iyong Samsung Galaxy S23 ultra. Mabilis akong bumaba ulit para hanapin ang phone ko nakita ko iyon kaya kinuha ko at ipinatong sa bedside table saka ko sinubukang i-open ang isang phone na nakita ko.

I turned it on at nang bumukas iyon ay nagtaka na naman ako ng makita ang wallpaper. It's me and Travis, I am wearing a wedding dress in the photo while Travis was wearing a Tuxedo!

"Edited ba 'to?" I asked myself. "Pero sino ang mag-i-edit?" nagugulohang sambit ko.

I tapped the phone then go to the gallery and check the photos. Habang nag i-scroll ako ay binalot na ang buong systema ko ng pagtataka at kagulohan nang makita ko ang mga picture na laman ng gallery! Halos lahat nang picture doon ay magkasama kami ni Travis! Lahat ba ito ay edited? I don't remember na nag picture kami nang ganito karami! Lahat ba ito ay edited?! But why?

Binuksan ko lahat ng Albums, may Travel together, Wifey's Cravings, Wedding, and Love of my life at plus one👨‍👩‍👧 na names nang albums! At habang nag i-scroll ako sa mga picture ay bigla na lang sumakit ang ulo ko, parang pinupokpok sa sobrang sakit. Nabitawan ko ang cellphone at nasapo ko ang ulo ko, nanlalamig ako pero pinapawisan ang nuo ko dahil sa tindi ng pagsakit ng ulo ko.

"Ahh!" hiyaw ko nang mas sumakit pa ang ulo ko. Pinapalo ko iyon nag babakasakaling mawala ang matinding pagkirot pero gano'n pa rin mas lalo pang sumakit pakiramdam ko'y sasabog na ang ulo ko. I tried to open my eyes but my vision blurred! Sinubukan kong bumaba ngunit napatid ang paa ko sa paanan ng mesa, bumagsak ako sa sahig at malakas na nauntog ang ulo ko dahilan para mawalan ako nang malay.

AVYANNAHLAVELLE

𝐀𝐁𝐔𝐒𝐄𝐃 𝐖𝐈𝐅𝐄 (𝐎𝐍𝐄) Where stories live. Discover now