𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐍𝐓𝐘 𝐒𝐄𝐕𝐄𝐍

6.5K 136 3
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐍𝐓𝐘 𝐒𝐄𝐕𝐄𝐍
❛ ━━━━━━・꙳・━━━━━━ ❜

"Asawa ko si Travis hindi ba?! Tell me asawa ko si Travis!"

"Danice, do you remember anything?" gulat na tanong ni Daddy. Nabitawan niya ang binabasang news paper.

"Why you didn't tell me?! Bakit Hindi mo sinabi sa aking matagal na kaming kasal ni Travis?! Bakit, Dad?" Sunod-sunod ang naging tanong ko. Nanginginig ang katawan ko sa halo-halong emosyon. Nang magising ako kanina ay nag-flashback lahat nang alaala sa nakaraan ko, sa nakaraan namin ni Travis. Kaya nagmadali akong bumaba at hinanap si Daddy, naabutan ko siya dito sa sala nagbabasa ng news paper.

"I got pregnant, I gave birth to a healthy baby boy! I named him Danish Trevose Villamor! Where is my son, Daddy?!"

"Anak, please you need to calm down—"

"Paano akong kakalma, Daddy?! Paano akong kakalma ngayong bumalik na lahat ng alaala ko! Nasaan ang anak ko? Nasaan si Danish?!"

"He is safe, you need to calm down. Sasabihin ko sayo kung nasaan siya, pakiusap, Hija, kumalma ka." dahil sa sinabi ni Daddy ay napaluhod ako. Itinakip ko sa mukha ko ang mga palad ko at doon humagulgol.

"I-ilang taon akong nawalan ng alaala, daddy?" tanong ko sa kanya sa pagitan ng paghagulgol.

"Apat na taon. . ."

Napatingala ako kay Daddy, patuloy pa rin sa pag-iyak. Ang mga luha koy tila isang ilog na naglandas sa pisngi ko.

"A-apat? Apat na taon kung hindi n-nakasama ang anak ko? A-apat na taon ko siyang hindi naalagaan? D-daddy, why?" halos hindi ko masambit ang mga kataga, parang may sumasakal sa akin, parang nilalakumos ang puso ko. Apat na taon akong hindi ako ang nag-aalaga sa anak ko. . Apat na taon. . . Gano'n katagal!

"Nagkaroon ka ng selective amnesia, may mga bagay kang nakalimutan at may mga tao kang nakalimutan tulad ni Travis at nang anak niyong si Danish at ang ibang naalala mo ay iyong mga nangyari noong labing-walong taon ka pa lang."

"What? Alam ba ito ni Travis?!"

Umiling si Daddy.

"Travis had an accident, he was in a coma for three years and when he woke up the doctor said that he also has selective amnesia, tulad mo ang mga naalala lang niya iyong hindi pa kayo ikinakasal. Ikaw at siya ay nakalimutan ang buhay mag-asawa niyo at iyon ang rason kung bakit hindi ko sinabi sa 'yo ang lahat at kung bakit hindi ko pinapakilala ang anak niyo, paano ko ipapakilala sa mga magulang niya ang apo ko kung hindi siya nang mga ito maalala?" mahabang aniya. At habang nagsasalita siya ay mas lalong sumisikip ang dibdib ko.

Muli kong naitakip ang mga palad ko sa mukha ko at muling humagulgol. Bumagsak ang balikat ko.

Umalingawngaw ang tunog nang telepono, tumungo si Daddy sa kinaroroonan niyon at sinagot. Ngunit biglang nanlaki ang mata nito at namulta.

Napatayo ako.

"Daddy, why?!"

"Nakatakas si Avegaile Sarmiento sa mental facility!" Puno ng takot na tugon niya. Nang marinig ang sinabi niyang pangalan ay bigla akong binalot nang kaba at kilabot!

Biglang bumalik ang mga masalimoot na alaala. Ang pagdukot at pagpapahirap niya sa akin! Ang paglibing niya sa akin nang buhay!

"No! No! No!" napatakip ako sa aking tenga, dahil tila biglang may nag echo sa loob niyon. Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Daddy hanggang sa unti-unti akong napakalma. Tinawag niya ang isang kasambahay at pinadalhan ako ng tubig.

Ininom ko ang tubig. Pagkatapos ay muli na naman akong napahikbi.

"I want to see my son, Daddy. I want to see Danish." sambit ko.

Daddy tapped my back.

"Dadalhin ko siya dito, okay? You have to calm down."

"Paano si Avegaile, Daddy? Ang sabi mo ay nakatakas siya? Bakit sa mental facility siya nakulong? Hindi ba dapat ay sa kulongan ng mga kriminal siya mabulok? Pagkatapos ng lahat ng ginawa niya sa pamilya ko dapat sa kulongan siya mabulok!"

"Hindi siya pwede ng ikulong dahil may sakit siya sa utak, ginawa na namin ang lahat para masampahan siya ng kaso pero laging binabasura ng korte."

Muli na naman akong napaiyak.

Obsessed si Avegalie kay Travis. Lahat ginagawa niya para mapansin ni Travis, lahat ng babaeng napapalapit kay Travis ay tinataboy niya. Noong ikinasal kami ni Travis ay galit na galit siya, gumawa siya ng mga bagay na makakasira sa pagiging mag asawa namin ni Travis. But, because Travis and I love and trust each other, hindi niya kami nasira then nawala na lang siya ng parang bula but after a year pagkatapos kong manganak ay bumalik siya, she kidnapped me, tortured me, put me in a room full of mannequins and stuffed toys. Ipinasok din nila ako sa isang kwarto na puno ng camera, her tauhan and her flashes camera on me. And I think iyon ang maging dahilan kung bakit ako nagkaroon ng photophobia at phobia sa mga stuffed toys! Pinalo niya ako sa ulo then she burried me alive! At ang mga sumunod na mga nangyari ay hindi ko na alam at maalala.

"Kailan mo dadalhin dito ang anak ko, Daddy? Kailan ko makikita ang anak ko?"

"They will come here later, Danice, sa ngayon ay magpahinga ka muna, ayusin mo ang sarili mo."

Umiling ako. Tumayo.

"No, Dad, I also need to see my husband, I need to see Travis. . . I need him now."

"Danice, kung pupunta ka ngayon kay Travis isama mo ang driver, at kailangan mong magbihis."

Muli akong umiling.

"No, I need to see my husband now. . . I don't care about my clothes."

Tumango-tango si Daddy. Tinawagan niya ang driver Kaya lumabas na ako. Pagdating sa labas ng bahay ay nandoon na ang driver. Sumakay na ako, kinausap ni Daddy ang driver bago kami umalis. Pagdating sa harap ng company building ni Travis ay mabilis akong bumaba, lakad-takbo ang ginawa ko, walang pakialam sa mga taong nakatingin sa akin. Alam kong sa suot at sa itsura ko sila nakatingin. Naka pajama na pantulog pa ako at buhaghag pa ang buhok ko, wala nga akong hilamos kahit ang pag-aagahan nga ay hindi ko na nagawa.

Nang makarating sa floor ng opisina ni Travis ay patakbo akong pumasok. Nang bumukas iyon ay nakita ko si Travis na may hawak-hawak na folder halatang binabasa niya iyon.

Tila naramdaman niya ang pagbukas ng pintuan kaya lumingon siya sa akin. Malawak siyang ngumiti kahit na halatang nagugulohan siya kung bakit ganito ang itsura ko. Umikot siya at ibinuka ang kanyang braso.

"T-travis!" sambit ko sa pangalan niya at nagmadaling lumapit sa kanya. Nang makarating sa harapan niya ay kumandong ako sa kanya pinaglapat saglit ang aming mga labi at isinubsob ang mukha ko sa dibdib niya at humagulgol."I miss you so much, my love!"

AVYANNAHLAVELLE

𝐀𝐁𝐔𝐒𝐄𝐃 𝐖𝐈𝐅𝐄 (𝐎𝐍𝐄) Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin