𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐅𝐎𝐔𝐑𝐓𝐄𝐄𝐍

8.5K 131 3
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐅𝐎𝐔𝐑𝐓𝐄𝐄𝐍

𝐓𝐑𝐈𝐆𝐆𝐄𝐑 𝐖𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆!⚠️🚨

There are particular parts that may trigger your trauma or anxiety; if you cannot bear the scenes, please stop reading.

"Honey? Honey, wake up!"

Naimulat ko ang mga mata ko ng maramdaman ko ang malamig na likidong ibinuhos sa akin.

"Finally, you are awake, sleeping beauty." Nakangising mukha ni Travis ang bumungad sa akin. Sinubukan kong gumalaw ngunit hindi ko maigalaw ang mga kamay ko at ng ibaba ko ang mga mata ko sa kandungan ko ay tumambad sa akin ang makakapal na mga lubid na nakapulupot sa akin. Ang bigat ng katawan ko, halos lahat ng parte ay kumikirot lalong-lalo na sa mukha ko nangangapal iyon maging ang gilid ng labi ko ay masakit.

"Demonyo ka!"

Tumawa siya na tila tuwang-tuwa.
Ilang saglit lang ay tumigil ito sa pagtawa at lumapit sa akin at marahang yumukod habang ang isang kamay ay nasa bulsa nito at ang isang kamay naman ay ini-angat nito at marahang hinaplos sa pisngi ko. Iniiwas ko ang mukha ngunit hinabol niya pa rin niya iyon para haplusin.

"Honey, I have surprised for you na sigurado akong ikakatuwa mo." ngising ani nito. "Look around, Danice." dagdag na aniya. Mabilis kong iginala ang mga mata ko ngunit gano'n na lang ang panlalaki ng mata ko ng makita ang mga bangkay nina Josh, Danish at Avy na nakabitin na parang baboy sa bubong. Bumaliktad ang sikmura ko at suka ako nang suka.

Demonyong tumawa naman si Travis. Hinawakan niya ang batok ko at hinila para iharap sa mga bangkay.

Nasukahan ko na ang damit ko.

"Don't look away, honey, look at them hindi ba ang ganda nilang pagmasdan habang nakabitin ng pabaliktad, anong gusto mong gawin natin sa mga katawan nila, i-chop chop at ipakain sa mga buwaya? O baka gusto mong ikaw na mismo ang kumain sa karne nila." Nakangising aniya.

Sa narinig na sinabi niya ay mas lalong bumaliktad ang sikmura ko. Suka ako nang suka ulit. Sobrang hapdi na ng sikmura ko, ang mga luha ko ay nagsipaglaglagan ng walang tigil.

Sa nakikitang sitwasyon ko ay parang demonyo lang na tumawa si Travis.

"Who are you?! Let me go!" mabilis akong napalingon sa pintuan ng marinig ang pamilyar boses na iyon at ng makita ang pamilyar na bulto ng lalaking may takip ang mga mata at nakatali ang mga kamay habang hila-hila ng mga lalaki na tauhan ni Travis ay gano'n na lang ang  pagwawala ko para sana makawala sa upuan ngunit sa dami ng kadenang nakatali sa akin tanging tunog lang ng mga iyon ang naririnig ko.

"Daddy!” pakiramdam ko'y lalabas na sa dibdib ko ang puso ko sa lakas ng kabog. “Travis, please let my father go! Please!” lumingon ako kay Travis pagkatapos ay lumingon sa ama ko na ngayon ay nakasubsob na sahig.

“Ahh.” nasasaktang ungol ni Daddy.

“Travis, please!” pagmamakaawa ko ngunit ang demonyong si Travis ay tumawa lang ulit na parang isang demonyo.

“Sabihin mo sa akin bakit kita pakikinggan, Danice?” humakbang siya palapit sa akin habang hawak-hawak ang baril na kinuha niya sa bulsa niya ay pinaglalaruan niya ang dulo niyon.

“Tell me, honey, why should I listen to you?”

Itinagilid niya ang kanyang ulo at malawak na ngumisi.

My lips trembled, my knees trembled. Gusto kong humiyaw ngunit tila naipon lang lahat ng iyon sa dibdib ko ng itutok niya sa aking sintido ang malamig na ulo ng baril.

“Talk, honey.  . talk.” nakangising bulong niya. 

“P-please, release my fath—” ngunit hindi ko pa man tapos ang sasabihin ko ng ibaling ni Travis ang kanyang baril sa gawi ni Daddy at sunod-sunod iyong pinaputok. Nanlaki ang mata ko, umawang ang bibig at tila ako biglang  nawalan ng hangin. Nahirapan akong huminga.

“What did you just say, Honey?” he asked grinning.

“No! No! Daddy! No!” sigaw ko ng makabawi sa pagkagulat. Natumba ang upuang kinauupuan ko at bumagsak ang ulo ko sa sahig. Matindi ang pagsakit ng ulo ko ngunit hindi ko iyon ininda dahil halos hindi na ako makahinga, parang may sumasakal sa akin. Ang pagkatumba ko ay paharap sa kinaroroonan ng daddy ko kaya kitang-kita ko ang duguang katawan nito at ang mulat na mga mata. May tumulong luha sa mga mata nito.

“Ahhhh! Ahhh!! No! No! Hayop ka! Hayop ka!” paulit-ulit na sigaw ko.

Pinatayo ako ni Travis at tinanggal ang kadinang nakatali sa katawan ko. Sa oras na natanggal niya ang tali ay pinagsusuntok ko siya at kinalmot ngunit dahil wala akong lakas ay natumba at napaluhod lang ako sa sahig. 

Umuklo si Travis at hinawakan ang batok ko ng mariin. Hindi ko na naramdaman ang paghapdi ng pagkakahawak niya sa batok ko dahil pakiramdam ko'y namanhid na ang buong katawan ko.

Tumayo siya kasabay no'n ang pwersahan niyang pagtayo sa akin habang hawak-hawak pa rin ako sa batok.

He walks toward the table at walang babalang itinapon niya ako tungo doon. Pagbagsak ko'y tumama ang tagiliran ko sa gilid ng kama. Gusto kong sumigaw sa tindi ng sakit ngunit walang namutawi sa bibig ko. Tanging pagtulo lang ng luha ko sa pisngi ko ang nagawa ko. Kahit ang pagdaing ay hindi ko magawa. Hinang-hina na ako. Hindi ko alam kung gaano katindi ang kasalanan ko kay Travis at ginaganito niya ako. Pinatay niya ang anak ko, ang daddy ko at ang mga taong importante sa akin.

Humakbang siya palapit sa akin at may kinuha sa bulsa niya. Ang baril niya'y ipinasok niya sa likuran niya.

May inilabas siyang kutsilyo. Matulis na kutsilyo.

Nang tuluyang makalapit ay pinasadahan niya ng dulo niyon ang isang hita ko. 

“I want to hear you beg but I guess namanhid ka na, Danice.” he said smirking. He licked his bottom lip.

Gustohin ko mang umiwas ngunit hindi ko na talaga maigalaw ang katawan ko. Kahit ang takukap ng mga mata ko ay hindi ko na maigalaw, tulalang nakatitig na lang ako sa kanya hinihintay kung kailan niya tatapusin ang buhay ko.

Kasi ano pang silbi? He killed all the people I love.  Mas makakabuting mamatay na rin ako dahil para na rin naman niya akong pinapatay sa mga ginawa niya.

“Nakakalibog ka pa rin talaga, Danice, kahit isa ka ng basura.” puno ng pagnanasa ang mga mata nito habang nakatingin sa akin. Sinira niya ang damit ko gamit ang kutsilyo. Pinunit niya iyon at itinapon sa kung saan. Hinubad niya ang kanyang pantalon at inilabas ang kanyang ari.

Ilang sandali lang ay  pumaibabaw na siya sa akin umuungol na parang isang baliw. Dahil sa pagod at  pagkamanhid ay hindi ay nawalan na ako ng malay.

“Miss! Miss Dela Cruz!”

A/N:

PLEASE, READ AGAIN THE SIMULA BAGO IPAGPATULOY ANG PAGBABASA NANG NEXT CHAPTER  :)

AVYANNAHLAVELLE

𝐀𝐁𝐔𝐒𝐄𝐃 𝐖𝐈𝐅𝐄 (𝐎𝐍𝐄) Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora