𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐄𝐍

9.3K 166 5
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐄𝐍
❛ ━━━━━━・꙳・━━━━━━ ❜

"Who are you?!" sigaw ko ng maramdaman kong may humawak sa akin sa balikat. Hindi ko maaninag dahil sobrang namamaga ang mata ko. Kaninang umaga ay binugbog na naman ako ni Travis. Simula ng araw na nalaman naming buntis ako ay bumalik na naman siya sa pang bubogbog sa akin. Sinasampal at sinasabunotan niya ako, ang tanging hindi niya lang nilalapatan ng kamay niya ay ang aking tiyan.

"Mrs. Villamor, how are you?"

Pilit ko mang inaaninag ang mukha ng taong nagtanong sa akin ngunit hindi ko ko pa rin siya makita. Tanging puti lang ang nakikita ko.

"It's me, Dr. Cullen." pagpapakilala niya. "What happened to you? If you need help just tell me I am willing to help you." ang mga sumunod niyang sinabi ay mahina na ang pagkakasambit.

"P-paano mo ako matutulongan?" sa nanginginig na boses ay tanong ko.

Hindi pa man nakakasagot ang doctor ay may narinig na kaming mga yabag na nagmumula sa labas ng kwarto.

"May pupunta sa 'yo mamayang madaling gabi, tutulongan ka niyang makatakas." mahina at nagmamadaling tugon ng doctor. "You are eight months pregnant now Mrs. Villamor, sa susunod na buwan ay lalabas na ang anak mo. Kainin mo lahat ng mga pagkain at inumin lahat ng mga vitamins na ibibilin ko sa 'yo." sa pagkakataong ito'y lumakas na ang tinig ng doctor.

At alam kung tuluyan ng nakapasok si Travis. Amoy palang nito ay alam na alam ko na.

Hindi ako tumugon. Ibinaling ko sa ibang direksyon ang mukha ko.

"Honey, do you hear that? Kailangan mong kainin ang mga binibigay ko sa 'yo para lumakas at maging healthy si baby sa sinapupunan mo." sabat ni Travis.

Lumapit siya sa kama at naupo sa gilid no'n. Hinawakan niya ang kamay ko gusto ko iyong hilahin pero naging mahigpit ang pagkakahawak niya.
Sa sobrang higpit ay humahapdi na iyon. Marami pang sinabi ang doctor. May ibinigay siyang mga vitamins at nag-iwan din siya ng mga listahan ng pwede kong kainin.

"Honey, kainin mo ito. Ang sabi ng doctor ay kailangan mo nang ganitong pagkain para magkaroon ng sustansya ang anak natin sa sinapupunan mo." Nang makaalis kanina ang doctor ay bumaba rin si Travis pagbalik niya ay may dala siyang tray at pagkain. Ito siya ngayon sinasabing kainin ko ang dala niyang pagkain. Gusto ko iyong tabigin ngunit ng maalala ang ibinilin ng doctor ay pinilit kong kainin ang isinusubo ni Travis.

Maaring hindi ko kilala ng lubusan ang doctor ngunit mas may tiwala ako sa kanya keysa sa sarili kong asawa.

Namamawis ang palad ko at pakiramdam ko'y luluwa na sa dibdib ko ang aking puso dahil sa kaba. Mag-ga-gabi na. Kanina pa ako hindi mapakali. Umalis ako sa kama at naglakad-balik, hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko.

Dumako ang tingin ko sa CCTV camera na nasa dingding. Mas lalo akong binalot ng kaba. Fuck! Napapanood ba ni Travis ang mga nangyayari?

"Mrs. Villamor." napaigtad ako ng marinig ang boses na iyon. Napahawak ako sa may kalakihang tiyan ko.

"Who are you?"tanong ko sa babaeng nasa labas ng pintuan. Nakasuot ito ng itim na jacket at may suot din iyong mask.

"I'm Avy, ako ang pinadala ni Josh para tulungan kang makatakas dito." ani nito.

"Paano tayo makakatakas? Paano ka nakapasok? Maraming bantay si Travis." sunod-sunod na tanong ko, sinilip ko ang likuran niya dahil baka may nakasunod sa kanya.

"Lahat sila'y napatulog na ni Josh, pero kailangan nating bilisan dahil maaring magising sila ano mang oras."ani nito."Kung may jacket ka pwede mo iyong suotin masyadong malamig sa labas masama para sa baby. " ani nito at tumingin sa tiyan ko.

"Wala akong Jacket." parang gulat pa siya sa sinabi ko dahil natigilan siya. Maya-maya lang ay hinubad niya ang jacket niya at isinuot iyon sa akin.

"Halika na, Josh is waiting for us outside." aniya at hinawakan ang kamay ko.

Habang naglalakad kami palabas ay nadadaanan namin ang mga tauhan ni Travis nakahandusay sa iba't-ibang sulok ng bahay.

Nahinto ako sa paghakbang ng makitang nakaupo si Travis sa sala.
Nasa akin ang paningin, nanginig ang katawan ko sa kaba at pakiramdam ko'y lalabas sa dibdib ko ang aking puso.

Maging si Avy ay napahinto na rin sa paghakbang, tiningnan nito ang tinitingnan ko. Napansin niya siguro ang pangangatog ng katawan ko dahil sa takot kaya hinawakan niya ang mukha ko at hinarap iyon sa kanya.

"Relax. . . Relax. . . Nakabuka lang ang mata niyan pero tulog iyan, don't worry. Breath in. . . breath out, Danice." pagpapakalma niya sa akin. Sinunod ko ang sinabi niya. I breath in and breath out at ng masigurong bumabalik na sa normal ang paghinga ko ay nagpatuloy kami sa paglalakad.

Nang tuloyang makalabas ay naghihintay nga si Dr. Cullen sa amin sa labas. Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng sasakyan, si Avy naman ay tinungo ang driver seats.

Nilingon ko na muna ang bahay na pinagmulan. Hindi ko mapigilang mapahagulgol, nakulong ako ng ilang buwan sa loob ng pamamahay na ito, ilang buwang pagdurusa, ilang buwang puro na lang pangbababoy at pananakit ang natanggap ko. Ngayong nakalaya na ako sisiguraduhin kong pagbabayaran lahat ni Travis ang ginawa niya sa akin.

Naramdaman kong may yumakap sa akin at dahil doon ay unti-unti akong napapakalma. At nang tingalain ko kung sino ang yumakap ay bumungad sa akin si Dr. Cullen.

"We need to move fast, Danice." aniya sabay pahid sa luha sa pisngi ko.

Marahan akong tumango. Inalalayan niya akong sumakay sa likuran, si Avy ang nagmamaneho naupo naman sa tabi ko si Dr. Cullen. Sa huling pagkakataon ay nilingon ko ang bahay na pinagkulungan sa akin ni Travis at mapait akong napangiti.

Malaya na ako. . . Malaya na ako.

"Danice," napakagat ako sa aking pang-ibabang labi ng marinig ang nag-aalalang tinig ni Dr. Cullen.

“T-thank you, t-thank you for saving me.”

May kinuha siyang panyo sa bulsa niya at ginamit iyong pamunas ng luha ko.

"You have to eat, Danice. I know you're hungry.”May inabot na paper bag sa akin si Dr. Cullen naglalaman iyon ng pagkain.

"Kumain ka muna habang nagbyabyahe tayo," ani nito.

Tinulongan niya akong buksan ang plastic container na pinaglagyan ng pagkain. Nagsimula na akong kumain, sa pagkakataong ito ay hindi ako nagdadalawang isip sumubo dahil alam kong safe ako.

“Anong plano mo?” tanong sa akin ni Dr. Cullen habang nasa byahe kami. Maya-maya na lang nila akong i-check ni Avy, hindi ko alam pero ang gaan ng loob ko sa kanilang dalawa.

"Gusto kong sampahan ng kaso si Travis.” mariing tugon ko.

“Malaking tao si Travis Villamor, hindi mo siya basta-bastang mapapakulong pwede niyang baliktarin ang sitwasyon.” sabat ni Avy habang nagmamaneho.

Naikuyom ko ang kamao.

"Sa ngayon ang mas makakabuti mong gawin ay magpalakas, tutulongan ka namin ni Josh, itatago ka namin kung saan hindi ka makikita ni Travis, kailangan nating pag planohan ng maigi kung paano natin pababagsakin ang halimaw mong asawa.”

AVYANNAHLAVELLE

𝐀𝐁𝐔𝐒𝐄𝐃 𝐖𝐈𝐅𝐄 (𝐎𝐍𝐄) Where stories live. Discover now