𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐒𝐄𝐕𝐄𝐍

9K 138 6
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐒𝐄𝐕𝐄𝐍
❛ ━━━━━━・꙳・━━━━━━ ❜


"Good morning, Hon." nakangiting bati sa akin ni Travis. Napabalikwas ako ng bangon at napaatras.

Sa nakalipas na tatlong linggo ay laging ganito ang nabubungaran ko tuwing umaga. Binabati niya ako ng good morning habang nakangiti, ang ngiting iyon ay may dalang kilabot.

Ngumuso siya pagkatapos ay napabuntong hininga.

"You still afraid of me, ha? I didn't do anything to you for the past weeks, but of course I can't blame you. . . sorry for what I did." He said. May bitbit siyang tray ng pagkain. Inilapag niya iyon sa bedside table.

Sa nakalipas na mga linggo rin ay lagi siyang may dalang pagkain para sa akin dito sa kwarto niya. Dito na rin ako laging natutulog sa kwarto niya. Hindi na niya ako pinayagang matulog sa kwarto ko.

"Alam kong naging masamang asawa ako sa 'yo nitong nakaraan. Gusto ko lang bumawi sa 'yo, gusto kong humingi ng tawad sa mga nagawa ko." he look so sincere while saying those. But can I forgive him? Binaboy niya ako! Hindi lang isang beses kundi maraming beses pa. How can I forgive him? Kung sa bawat pagpikit at pagmulat ko ng mata ay ang mukha niya ang nakikita ko. Imbes na kumalma dahil sa ngiti niya ay natatakot pa ako.

Akmang hahawakan niya ako pero napaigtad ako. Nakita ko ang pag-igting ng panga niya ngunit agad ding napalitan ng ngiti.

"I'm sorry hindi dapat kita minamadali. But I promised you, babawi ako sa lahat ng nagawa ko sa 'yo." Malumanay niyang ani. "Kumain ka na. Babalikan na lang kita mamaya pagkatapos mong kumain." dagdag na aniya. He smiled again then left the room.

Ayaw ko sanang kumain ngunit kumukulo na ang aking tiyan. I'm so hungry. Wala akong choice kundi kunin ang tray at ilapag iyon sa kandungan ko. Inamoy-amoy ko muna ang pagkain bago kainin. Mahirap na baka may lason iyon. Baka gusto lang niya akong lasunin. But damn! How will I know if the food ay may lason?

Napalitan akong kainin ang pagkain kahit dinadaga ng kaba ang puso ko. Adobong baboy ang ulam at medyo marami ang kanin ang inilagay nito sa plato. May manggo juice din siyang dinala. Dahan-dahan lang ang naging pagsubo ko kahit maging ang pag nguya ko ay dahan-dahan lang din. Halos hindi ko pa malunok ang nginuya. Pagkatapos ng dalawang subo ay pinakiramdaman ko ang sarili ko. Nang hindi nanikip ang dibdib ko ay nakahinga ako ng maluwag. Nagpatuloy ako sa pagkain.

Halos maubos ko ang dalang pagkain ni Travis. Busog na busog ako. Itinabi ko sa bedside table ang tray at sumandal ako sa headboard ng kama. Simula ng tumira ako sa bahay na ito'y ngayon lang ako nabusog. Ngayon lang ako nakakain ng marami. Hindi ko mapigilang mapangiti. Pero ang ngiting iyon ay agad ding napalis ng bumukas ang pintuan at bumukas ang pintuan at bumungad ang isang girlfriend ni Travis. Ang girlfriend niyang hindi ko alam ang pangalan.

She glared at me. Naglakad siya palapit sa bed. Napaatras ako kahit wala na akong maatrasan. Napahawak ako sa bed sheets.

Kinuha niya ang tray sa bedside table.

"Ngumiti ka ngayon dahil pagkalipas ng ilang araw muli kang hahagulgol, pagsasawaan ka rin ni Travis at babalik siya sa amin at sa oras na mangyari iyon. . . mas pahihirapan ka niya, gugustohin mo na lang mamatay kapag dumating ang araw na iyon." Ngumisi ito. Bago tumalikod at lumabas ng kwarto.

Nanghihinang napahiga ako. Halos lumabas na sa dibdib ko ang puso ko dahil sa sobrang lakas ng kabog nito. Nayakap ko ang sarili ko at hindi ko mapigilang umiyak nang umiyak. Ngunit ang iyak na iyon ay walang tunog. Tanging ang mga luha ko lang ang tumutulo. Nanginginig ang aking kalamnan. Kailan ko pa matatakasan ang impyernong ito? Kailan ako makakalaya?

Hindi ko namalayang nakatulogan ko na ang pag-iyak. Nagising ako nang may maramdaman akong humahaplos sa pisngi ko. Gano'n na lang ang takot at panginginig ko nang pagmulat ko ng mata ay bumungad sa akin si Travis. Nakangiti ito. Ngiting may kilabot.

Mabilis akong napalingon. Umatras ako dahil sa takot. At sa pag-atras ko ay hindi ko nakitang nasa dulo na ako ng kama. Lumagapak ako sa sahig.

"Ahh!" malakas na daing ko. Pakiramdam ko'y may nabaling buto sa bewang ko dahil sa pabagsak ko.

"Honey!" mabilis na bumaba ng kama si Travis at nagtungo sa tabi ko inalalayan niya ako. Gusto ko siyang itaboy pero hindi ko magawang magsalita dahil sa tindi ng pagsakit ng balakang ko. Kinarga niya ako at muling ibinalik sa kama.

Napapadaing ako. Naupo si Travis at naupo sa gilid ng kama marahan niyang minamasahe ang balakang ko. Hindi ko na magawang mag react dahil aminin ko man nakakatulong ang marahan niyang pagmasahe sa balakang ko para mabawasan kahit papaano ang pagsakit niyon.

"I'm sorry kung nagulat man kita, hindi na mauulit," mahinang aniya.

Hindi ako nakaimik. Pinagpatuloy niya ang pagmamasahe sa balakang ko.

"Gusto mo bang dalhin na kita sa hospital?" maya-maya lang ay tanong niya.

"No, tama na ang pagmasahe mo. . . I'm okay." Saad ko.

"Are you sure?" paninigurado niya.
I nodded. Sinubukan kong maupo. Inalalayan niya ako. Napatitig ako sa mukha niya ng makitang tila totoong nag-aalala siya sa akin. Nang mapansin niyang nakatitig ako sa kanya ay bahagyang kumunot ang nuo niya."May dumi ba ako sa mukha, honey?" Pinunasan niya ang mukha niya dahil sa pag-aakalang may dumi nga doon.

Marahan akong umiling. He smiled.

"I cooked a meryenda for you. I watch a video from YouTube, sana magustohan mo." he said. Tumayo siya at nagtungo sa bedside table kung saan niya ipinatong ang tray. Kinuha niya iyon at ipinatong sa kandungan ko. It looks yummy but when I smelled it I immediately covered my nose.

Mabilis akong napabangon. Muntik pang matapon ang pagkain sa tray mabuti na lang at mabilis iyong nai-angat ni Travis. Bumaba ako ng kama at nagmadaling tumungo sa banyo. Parang babaliktad ang sikmura ko. Pagdating sa banyo ay agad kong isinubsob ang mukha ko sa sink. Binuksan ko ang tubig at nagsimulang nagsuka nang magsuka.

"Hon, what's wrong?"

AVYANNAHLAVELLE

𝐀𝐁𝐔𝐒𝐄𝐃 𝐖𝐈𝐅𝐄 (𝐎𝐍𝐄) Where stories live. Discover now