𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐍𝐓𝐘 𝐎𝐍𝐄

8.3K 166 3
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐍𝐓𝐘 𝐎𝐍𝐄
❛ ━━━━━━・꙳・━━━━━━ ❜

"Ang blooming mo nadiligan ka na, 'no?"

"Oh my God ka, Avy, hindi pa, 'no!" bulalas ko at itinulak ang mukha ni Avy. Nakatunghay kasi siya sa akin, nakahiga ako sa aking kama at bahagyang nakabitin ang ulo ko sa gilid ng kama samantalang siya ay nasa sahig nakaupo may katabing chips and cola.

Kaninang umaga pa siya dito sa bahay. Paggising ko siya agad bumungad sa akin, feel at home na siya dito. Noong high school pa lang kami ay madalas na siya dito sa amin minsan pa nga ay dito siya natutulog.

Umayos ako at dumapa itinukod ko ang mga kamay ko sa chin ko.

Tumawa siya at sumubo ng chips muntik pa siyang nabulonan. Mabuti na lang ay uminom agad siya ng tubig na katabi ng cola niya. Mahilig talaga si Avy sa chips kaya madalas siyang nagkaka-UTI noon.

"Pero totoo ang blooming mo, nagka-first kiss ka na ba?" nakangising tanong niya habang nakatingin sa akin.

Nakagat ko ang aking pang ilalim na labi. Naalala ko ang nangyari sa bahay nina Travis noong nakaraan. He kissed me but his mother caught us wala tuloy tigil kaka-tudyo sa amin si Tita Twyla. May video pa nga siya para siyang blogger na laging nakahanda ang camera.

Grabe iyong naramdaman ko ng araw na 'yon. Halos hindi nga ako makakain ng maayos dahil pakiramdam ko ay tinutudyo pa rin ako ni Tita habang kumakain kami, ang mga mata kasi niya parang laging nakangisi. Pati pa si Mr. Villamor at ang kambal.

Haiyts! Bakit ba kasi para akong laging under sa hypnotismo pag malapit ako kay Travis? Lahat ng ginagawa niya sa akin ay hindi ako nakakapalag o magreklamo man lang. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko sa tuwing nasa malapit siya sobrang kabaliktaran noong nasa panaginip ko. Ang safety rin ng feeling sa tuwing nakakulong ako sa mga bisig niya, napaka-relaxing din ng amoy niya ang sarap singhutin.

Noon nga inatake ako ng photophobia ay hindi ko akalain mapapakalma niya ako. May FL-41 eyeglasses din siya na naging malaking tulong sa akin para kumalma. Takot kasi talaga ako sa Flashes ng camera, I don't remember how it's started. Basta isang araw may phobia na ako sa flashes ng camera lalo na kapag sunod-sunod na ang flash. Pero nagpi-picture naman ako without flash nga lang at madalang lang din. Okay lang din sa akin na video pero walang flash lang talaga. In my room nga rin I used warm light LEDS even sa buong house namin kasi simula nga noong nagkaphotophobia ako ay naging sobrang sensitive na ng mga mata ko, kasi kapag nasobrahan ako sa lights kumikirot ang mata ko at konektado iyon sa utak ko. And whenever I used phones or any gadgets I used my FL-41 eyeglasses.

Kaya na appreciate ko talaga ang pagpapakalma sa akin ni Travis noong araw na iyon. He really knows what he was doing and I'm so thankful.

Hindi ko mapigilang mapangiti.

"Ahhhhhh!" napasinghap ako ng biglang tumili si Avy.

"Shit, Avy, naman nakakagulat ka!" singhal ko sa kanya at pinalo siya ng unan na nakuha ko sa gilid ko.

Bumagsak siyang patihaya sa carpet pero hindi bumagsak ang ulo niya tanging ang katawan lang mabilis kasi niya iyong naalalayan. Maya-maya lang ay humalakhak siya at bumangon at muling naupo. She grinned at me.

"Ano ba, Avy, ang creepy mo! Klarong-klaro ang sungki mo!" muli lang siyang humalakhak.

"Hoy, diyan na inlove sa ngipin kong sungki si Wakeem noh!" ako naman ngayon ang natawa.

𝐀𝐁𝐔𝐒𝐄𝐃 𝐖𝐈𝐅𝐄 (𝐎𝐍𝐄) Where stories live. Discover now