𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐍𝐈𝐍𝐄

9K 151 5
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐍𝐈𝐍𝐄
❛ ━━━━━━・꙳・━━━━━━ ❜

𝐓𝐑𝐈𝐆𝐆𝐄𝐑 𝐖𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆!⚠️🚨

There are particular parts that may trigger your trauma or anxiety; if you cannot bear the scenes, please stop reading. Raped/sexual abused/woman abused.

"No!" Malakas na hiyaw ko. Nanginginig ang kamay ko. Para akong sumali sa marathon dahil sa malakas na kabog ng dibdib ko.

"No?" nagtatakang tanong ng doctor.

"Hindi ako pwedeng mabuntis! No I can't!" malakas na hiyaw ko na naman. Mabilis na lumapit sa akin si Travis akmang hahawakan niya ako ngunit tinabig ko ang kamay niya.

"Hon—"

"Don't call me that! I hate you!" hiyaw ko. I saw how his jaw clenched but I ignored it. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Binabalot ako ng kaba. Paano pa ako tatakas sa lugar na ito kung buntis ako?! "Ahh! I can't be pregnant! I can't!" hiyaw ko.

Sinuntok-suntok ko ang tiyan ko ngunit biglang may pumigil sa mga kamay ko.

"P-please, No." It's Travis.

"No! No! Hindi ako pwedeng mabuntis! Hindi! Hindi!" hiyaw ko sa mismong mukha niya. Nagsipag unahan na sa pagtulo ang luha ko. Nanginginig ang kalamnan ko, pilit kong hinihila ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya pero masyado siyang malakas.

Napuno ng hagulgol ko ang kwarto. Ikinulong ako ni Travis sa mga bisig niya kahit na nagpupumilit akong kumawala. Nanghina ako at tuluyan ng ginupo ng antok.

Nagising akong masakit ang ulo. Babangon sana ako pero hindi ko maigalaw ang kamay ko at ng tingnan ko iyon ay pareho iyong nakatali sa headboard ng kama. Nanlaki ang mata ko. Agad kong iginala ang paningin ko. Wala na ang doctor.

"Gising ka na pala, honey." mabilis akong napalingon sa pintuan ng marinig ang boses ni Travis.

"Bakit ako nakatali?!"

"It's for our babies safety, honey." aniya. Naupo siya sa tabi ng kama. Hinaplos niya ang tiyan ko. "Hindi mo siya pwedeng saktan, kung sasaktan mo siya at gustohing ipalaglag itatali na lang kita sa kama hanggang sa lumabas na siya sa sinapupunan mo." aniya. Ngumiti na naman siya. Ang ngiting nagdadala ng kilabot sa akin.

"Nababaliw ka na!" singhal ko sa kanya. Ngumiti lang siya patuloy pa rin siya sa paghaplos.

"Aren't you happy honey that we are going to be a parent?" he asked.

Natigilan ako sa naging tanong niya. Maya-maya lang ay mapakla akong natawa. At ang pagtawang iyon ay mas lumakas pa. Humalakhak ako nang humalakhak .

Nakita kong natigilan siya at nagulohan sa inakto ko.

"A-anak? Ikaw at ako? Anak natin?" Tumawa na naman ako ng mapakla, nanginginig pa rin ang kalamnan ko pero ngayon hindi na dahil sa takot, dahil ngayon ay nanginginig ako sa galit dahil sa narinig na tanong niya. "Sigurado ka bang ikaw ang ama ng pinagbubuntis ko?" Puno ng pang-u-uyam na tanong ko.

"Baka nakakalimutan mong pinagahasa mo ako hindi lang sa isang lalaki! Marami sila! Sa sobrang dami nila hindi ko na mabilang kung ilan silang nakagalaw sa akin! Tapos ngayon itatanong mo sa akin kung masaya ba akong nabuntis! Hindi! Hindi ako masaya! Kinamumuhian ko kayong lahat! Lalong-lalo ka na! Napakademonyo mo, kapag nakawala ako dito sisiguraduhin kong mamatay ang batang nasa sinapupunan ko!"

Nag-igting ang panga niya. Nagdilim ang mukha niya. Marahas siyang tumayo at biglang umibabaw sa akin. Sinakal niya ako at pinisil ang panga ko.

"You will not kill my child, Danice! I won't let you!"

𝐀𝐁𝐔𝐒𝐄𝐃 𝐖𝐈𝐅𝐄 (𝐎𝐍𝐄) Where stories live. Discover now