𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐍𝐓𝐘

8.3K 166 2
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐍𝐓𝐘
❛ ━━━━━━・꙳・━━━━━━ ❜

I woke up feeling better. Iniunat ko ang katawan ko at isang beses pang humikab.

“Shit! Nasaan ako?”Bulalas ko ng makitang nasa hindi pamilyar na kwarto ko. Mabilis akong bumaba ng kama.

Lalabas sana ako sa pintuan ngunit bumukas ang banyo at bumungad doon si Travis na nakatapis lang ng tuwalya.

“You're awake, how are you feeling?”

Humakbang siya papalapit sa akin. Napakapit naman ako sa door knob. Napalunok ng sariling laway dahil tila ako natuyuan ng makita ang katawan niyang parang hinulma ni bathala ng perpekto. Hindi ko maalis sa katawan niya ang mga mata ko dahil sa mga tubig na tumuto galing sa buhok niya na naglandas sa  dibdib niya pababa sa abs niya.

“Hala!” napatakip ako sa aking bibig ng bumaba ang tingin ko sa harapan niya na natatakpan lang ng tuwalya.

“Hala?” si Travis. Ini-angat ko ang mga mata ko sa kanya, nanlalaki na iyon sa ngayon.

“Waaaaaa! Magbihis ka!” sigaw ko at tinakpan ang mga mata ko. Narinig ko siyang mahinang natawa. Tinakpan ko nga ang mga mata ko pero nakikita ko pa rin naman siya dahil may awang ang mga daliri ko.

I saw how a playful smile slipped his lips.

“Alright, bambina.” aniya at tumalikod na. Kitang-kita ko ang malapad niyang likod at matambok niyang pwet. Pumasok siya sa closet. Napabalik naman ako sa kama at naupo, nanghina kasi ako bigla.

Napapikit ako at marahang tinapik-tapik ang pisngi nag i-init 𝐢𝐲𝐨𝐧 at ramdam ko ang pamumula.

Bakit ’siya lumabas ng banyo ng nakatapis? Bakit gumalaw ang nasa harapan niya? Bakit ang umbok? Ang dami kong bakit! Pero bakit ako nandito sa kwarto niya? OMG! Nakatulog nga pala ako kanina.

I opened my eyes at tumayo muli na naman sana ako ng lalabas sa kwarto ngunit nakuha ng mga picture frame sa dingding ang atensyon ko. Imbes na lumabas pahakbang ay humakbang ako patungo sa dingding.

“Ang cute.” sambit ko ng makita ang unang picture. Litrato iyon ng isang batang lala𝐢e na medyo may katabaan. May katabaan siya pero matangkad ito at gwapo. I giggled when I saw the next picture iyong batang lalaki pa rin iyon pero nakasimangot siya. Para bang nagtatampo ito dahil hindi nabigyan ng candy.

Sunod-sunod na naka hilira ang picture frame na iyon sa dingding ngunit sa bawat picture frame ay patangkad na patangkad ang batang mataba. Siguro ay every year iyon kinunan. Sa pang huling picture ay medyo binata na ang lalaki pero mataba pa rin sa hula ko ay nasa 15 or 16 ang edad nito may kasamang batang babae matabang bata. Ngiting-ngiti ang batang babae kitang-kita ang bungal nito, madumi ang magandang damit nito dahil sa chocolate may suot itong maliit na crown at may hawak-hawak na stick, samantalang ang batang mataba ay nakikitaan ng inis. Dahil nakasimangot ito.

I giggled again.

“Ang cute!” natatawang sambit ko. Ang cute kasi ng nakasimangot na mukha ng lalaki.

Ngunit natigil ako sa pagtawa ng mapagmasdan ko ang batang babae sa picture. Kumunot ang nuo ko at pinakatitigan iyon gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko ng makilala ang batang babae sa picture!

𝐀𝐁𝐔𝐒𝐄𝐃 𝐖𝐈𝐅𝐄 (𝐎𝐍𝐄) Where stories live. Discover now