𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐒𝐄𝐕𝐄𝐍𝐓𝐄𝐄𝐍

8.3K 188 17
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐒𝐄𝐕𝐄𝐍𝐓𝐄𝐄𝐍
❛ ━━━━━━・꙳・━━━━━━ ❜

“Oh my God!” napatakip sa kanyang bibig ang ina ni Travis habang nakikinig sa mga sinasabi ko. Pina-kwento niya kasi sa akin kung ano ang napanaginipan ko kung bakit gano'n na lang ang ginawa kong pananakit kay Travis nang mabungaran ko ito paggising ko.

“Poor, baby. . . I'm sorry for your lost.” mangiyak-ngiyak ito na tila ba nasasaktan talaga ito sa pagkamatay ng anak ko sa panaginip ko.

Ang weird lang pero nasasaktan pa rin talaga ako sa panaginip ko.

“You know what ganyan na ganyan din ako dati sa daddy ni Travis.” ngumisi siya kahit na may mga luha pa rin sa gilid ng mga mata niya. “Nanaginip ako na may ibang babae siya kaya pinalayas ko siya at hindi pinauwi nang three weeks.” humagikhik siya.

“Sweet cake, isang buwan mo akong hindi pinauwi at sa guard house lang ako natutulog dahil ayaw mo akong tumapak lampas sa gate natin.” nakasimangot na sabat ng ama ni Travis.

Tumawa ang ginang.

“Because you cheated on me!” ani ng ginang at umirap ito sa asawa. Pero maya-maya lang ay humaba ang nguso nito. “Alam ko namang sa dream lang iyon pero iyong pain ay totoong naramdaman ko.” dagdag naman nito.

Habang nagsasalita ang ina ni Travis ay nakikita ko sa gilid ng mata ko si Travis. Kukunot ang nuo 'tapos ay mawawala pagkatapos ay kukunot ulit tila hindi siya mapakali bigla-bigla ring umiigting ang panga nito.

Si Daddy naman ay nakikinig lang sa usapan minsan ay sumasagot siya pero ramdam kong nahihiya pa rin siya sa nangyari. Kahit ako ma'y gano'n din nahihiya pa rin talaga ako hindi ko nga kayang harapin ang mga mata nila, nanatili lang akong nakayuko pero pag kinakausap nila ako'y tinitingnan ko sila pero saglit lang.

“By the way, babalik kami sa susunod na buwan para pag-usapan ang kasal niyo ni Travis.” biglang pag-i-iba ng usapan ng ginang. Hinawakan niya ang kamay ko at marahan iyong pinisil. “I will let you think and rest for now kasi alam kong nasasaktan ka pa rin kahit na sabihin nating panaginip lang iyon dahil nakikita ko ang naging epekto niyon sa 'yo. And I know that takot ka sa anak ko dahil doon.”

Nakagat ko ang aking pang ilalim na labi.

“I'm s-sorry po.”

“You don't have to say sorry, Danice. I understand you alam ko ang ganyang pakiramdam at ayaw ko rin namang ipilit na pag-usapan ang kasal na napagkasunduan namin ng iyong ama dahil baka mas lalo kang matakot sa anak ko.”

Hindi ako nakatugon.

“Aalis na kami Mr. Dela Cruz, babalik kami sa susunod na buwan para ituloy ang pag u-usap natin tungkol sa kasal ng mga bata.” sabay-sabay na tumayo ang tatlo. Maging si Dad ay tumayo rin, sumunod din ako, lumingon sa akin si Mrs. Villamor. “Babalik kami sa susunod na buwan para pag-usapan ang kasal niyo ngunit tatawagan kita bukas at ipapasundo, gusto kong dumalaw ka sa bahay namin para maipatikim ko sa 'yo ang mga luto ko, okay lang ba?” nakangiting ani ng ginang.

Nasulyapan ko si Daddy. Tinaasan niya ako ng kilay kaya napatango ako. Masayang pumalakpak naman ang ginang.

Lumapit siya sa akin at niyakap ako bago nakipag-beso.

Nagpaalam na ang mga Villamor.

Nginitian ako nang ama ni Travis si Travis ay bahagya akong tinitigan, bumuntong-hininga ito at maliit na ngumiti bago nagpaalam rin na umalis.

Nilingon ko si Daddy nang makaalis na ang mga bisita. Napanguso ako ng tinaasan niya pa rin ako ng kilay.

“I'm sorry po, daddy.” mahinang sambit ko pinipigilan ko ang mapahikbi. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Tuluyan na akong napaiyak.

𝐀𝐁𝐔𝐒𝐄𝐃 𝐖𝐈𝐅𝐄 (𝐎𝐍𝐄) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora