𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐍𝐈𝐍𝐄𝐓𝐄𝐄𝐍

7.8K 144 1
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐍𝐈𝐍𝐄𝐓𝐄𝐄𝐍
❛ ━━━━━━・꙳・━━━━━━ ❜


“Aalis na kami, Sir.” paalam ni Travis sa police na kausap niya. Bahagyang natawa ang police at marahan nitong  tinapik si Travis sa balikat bago nakipag-kamay.

“Don't ever come back here, Villamor.” ani ng police.

Natawa lang si Travis.

Sabay-sabay na kaming lumabas ng prisinto. Nauna si Mrs. Villamor at ang kambal nakasunod naman si Travis at ako ang panghuli.

“Danice.” napatingala ako kay Travis nang tawagin niya ako.

“Huh?”

“Come.” inilahad niya ang kamay niya. Napatingin naman ako doon pagkatapos ay tiningala ko siya tapos ay tumingin uli ako sa kamay niya.

He chuckled then naglakad siya pabalik sa gawi ko. Kinuha niya ang kamay ko at pinagsalikop niya ang mga palad namin.

Napasinghap ako.

“Sorry,” paghingi niya ng paumanhin ng makita ang naging reaksyon ko, akmang ilalayo niya ang kamay niya pero umiling ako.

“Don't.” pagpigil ko sa kanya. Hindi ko rin alam kung bakit ko siya pinigilan. Nakita ko ang kagulohan sa mga mata niya. “Just hold my hand.” Mahinang sabi ko.


Tumitigil siya sa akin saglit sinisigurado kong totoo ba ang sinabi ko. “Are you sure?” naniniguradong tanong niya.

Ngumiti ako at tumango. Nabinat naman sa isang napakatamis na ngiti ang labi niya ng makita ang tinugon ko, sumilay na naman ang napakagandang biloy niya. Then he chuckled pagkatapos ay hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko.

“Our hands fit perfectly.”

“Huh?”

“I sa—” hindi natapos ni Travis ang sasabihin ng bigla na lang may sumulpot na nga reporter at pinalibutan kami. Maraming nakatutok na nga camera na nag fla-flash sa amin, mabilis kong isiniksik ang mukha ko sa katawan ni Travis.

“Mr. Villamor, totoo po bang isa kayong abuser at killer?” tanong ng mga reporter. Marami pang naging tanong ang mga reporter at maging ang mga camera ay sunod-sunod ang flashed. Mas lalo kong isiniksik ang mukha ko kay Travis.

Damn it! I had photophobia! I'm afraid of flash! Flashes of cameras are killing me! Im scared to death of flashes! Lalo na kapag sunod-sunod na ang flash ng camera.

Nanginginig ang katawan ko at randam ko ang panlalamig. Mariin kong naipikit ang mga mata ko nang naramdaman ko ang matinding pag kirot. Ang mga kamay ko ay na pakapit kay Travis at nalakumos ko siya.

“Hey. . . Danice. . . Danice. . . Are you okay?” Travis asked, full of concern.

I can hear Travis voice but I cannot answer him dahil sa matinding pagsakit ng mga mata ko. Kumikirot iyon at nagluluha. Kumikirot na rin ang aking ulo as if someone is punching inside.

“Hey! Stop flashing your God damn cameras!” Travis yelled. He covered my face with his big hands.

“Hey! Stop flashing cameras to my son!” I heard tita Twyla's voice. "Mauna na kayo sa sasakyan, Travis.”

Bigla akong lumutang sa ere. Binuhat ako ni Travis agad ko namang ipinulupot ang mga hita ko sa bewang niya at iniyakap ang mga braso ko sa leeg niya at isinisik ang mukha ko sa leeg niya. Para akong isang paslit na karga-karga niya sa laki ng katawan niya at sa liit ng akin.

Napapahikbi ako sa matinding pagsakit ng mga mata ko. Hindi ko pa man din dala ang FL-41 eyeglasses ko!

Naramdaman ko ang mabilis na paghakbang ni Travis at ilang sandali lang ay naramdaman ko rin ang pag-upo niya na nasisiguro kong sa loob nang sasakyan. Inayos niya akong pinaupo habang nanatili pa ring nakasiksik ang mukha ko sa leeg niya. Napahikbi ako.

“Do you have a photophobia?” Travis asked still full of concern. Naramdaman ko ang pagdampi ng mga daliri niya sa pisngi ko at ang marahan niyang paghawi sa nagkalat kong buhok sa mukha ko.

Still sobbing I nodded at him.

“Damn! Thalia, give me the eyeglasses.”

“Where did you put it?” I heard one of the twins asked.

“Open the compartment.”

Naramdaman ko ang paghawak ni Travis sa mukha ko at ang pag-angat niya rin ng mukha ko. Mariin ko pa ring ipinikit ang mga mata ko. Naramdaman ko rin ang pagpunas niya sa mga luha ko gamit ang malambot na bagay na sa hula ko ay tissue dahil narinig ko ang mahinang tunog na parang may hinuhugot na papel sa isang box. May isinuot siyang eyeglasses sa akin after niyang punasan ang pisngi ko at ang ilalim ng mga mata ko. After a while he told me to open my eyes.

“Slowly open your eyes, Danice.” I did what he told me. I slowly opened my eyes. Malabo noong una ngunit ilang sandali lang unti-unti nang naging klaro ang paningin ko. Bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Travis.

“Can you clearly see me now?” He softly asked. “Masakit pa ba ang mga mata mo?”

I slowly nodded.

“Medyo, but I'm okay now thank you for the glasses it's a big help.” mahinang sambit ko. May maliit siyang ngiti sa labi. Ini-angat niya ang kamay niya at marahang hinaplos ang pisngi ko. Dahil sa ginawa niya ay hindi na magkamayaw sa pagtibok ang puso ko.

Nasa kandungan pa rin niya ako.

“You made me worried, bambina.” he said while still caressing my cheeks. Umangat pamunta sa batok ko ang palad niya at dahan-dahang lumapit ang mukha niya sa nuo ko. Napapikit ako ng halikan niya ang nuo ko. Pagkatapos niyang halikan ay isinandal niya ang mukha ko sa dibdib niya.

His arms wrapped around me as if he were shielding me from danger, and he muttered words like music in my ears that calmed me.

“You are safe now, bambina.”

Nanuot na naman sa ilong ko ang mabangong amoy niya na ngayon ko lang nabigyang pansin dahil hindi na sumasakit ang aking mga mata.

Parang hypnotismo, hindi ako umangal o nagreklamo. Ang gaan sa pakiramdam na nakulong sa bisig niya, pakiramdam ko'y napaka-ligtas ko. Kabaliktaran ng naramdaman ko sa panaginip ko. Maging ang pagtawag niya sa aking bambina ay may dulot na kakaibang pakiramdam, tila ba may mga paru-paro na nagsisiliparan sa loob ng tiyan ko.

Of course alam ko ang ibig sabihin nang bambina. Hindi ko nga lang alam kung bakit tinawag niya akong ganoon. But I don't wanna think about it now. Mas natuon ang atensyon ko sa masarap na pakiramdam na makulong sa bisig niya.

Marahang hinahaplos ni Travis ang buhok ko hanggang sa hindi ko namamalayan na napapikit at nakatulog na ako.

AVYANNAHLAVELLE

𝐀𝐁𝐔𝐒𝐄𝐃 𝐖𝐈𝐅𝐄 (𝐎𝐍𝐄) Where stories live. Discover now