𝐄𝐏𝐈𝐋𝐎𝐆𝐔𝐄

15.5K 213 22
                                    

𝐄𝐏𝐈𝐋𝐎𝐆𝐔𝐄
❛ ━━━━━━・꙳・━━━━━━ ❜

"Abujing-bujing!" salubong ng batang may suot na gown at crown, nakalugay ang kanyang mahaba at tuwid na buhok. Puno ng chocolate stain ang kanyang gown even her face. She was smiling ear to ear while looking at me. Nagningning ang mga mata niya.

"Ayaw mo ko ibati ng fey bortdee?" bulol niyang tanong.

Gusto kong matawa sa itsura niya dahil ang cute-cute niya.

"It's happy birthday, say happy birthday. . ."

"Ikaw magsabi nga bortdee ko kaya ngayon!" aniya at inirapan ako pinagsalikop pa niya ang matataba niyang braso sa ilalim ng dibdib.

"Alright. . ." natatawang saad ko. "Happy birthday, bambina." Dagdag ko. Bambina is baby in Italian and she's a cute baby, ang taba niya kasi. That's why I called her that.

"Bubbles? Tawag mo ako bubbles? Ikaw ba si Mojo Jojo?" excited na tanong niya. Hindi ko na mapigilang matawa. "Sige tawag na kita abujing-bujing kasi mataba ka! Tapos tawag din kita Mojo Jojo kapag tawag mo ako bubbles." cute na cute aniya.

Dumating si Mommy binati niya ang bata. "Happy birthday, Danice. I'm sorry I forgot my gift for you at our house." ani ni mommy.

Ngumuso ang batang tinawag ni mom na Danice. Ngunit maya-maya lang ay ngumisi ito at lumingon sa akin.

"You know him po?" tanong niya kay mommy. Ang maliit niyang mga daliri ay nakaturo sa akin.

Lumingon si mommy sa akin.

"Yes, baby girl, he is my son."

"Talaga!?"

Tumango si mommy.

"Limutan mo gift mo sa akin, siya na lang gift mo? Pakasal kami kapag nag eytin na ako. . . Kapag hindi ka pumayag mabubungal ka po." nakangising aniya.

Bahagya akong nagulat at napailing. Ang kulit.

"Deal! Sige tumabi ka kay Travis picturan ko kayo. . ." humahagikhik ani ni mom at inilabas ang phone niya.

"Abujing-bujing name niya po hindi Travis. Kasi po tsabee po siya. . ." bungisngis niya sabay turo sa akin. Napasimangot naman ako.

Mommy chuckled. She took more than ten photos.

Still chuckling mommy go to Dad and Mr Dela Cruz and show them the pictures.

Naibaba ko ang tingin ko ng maramdaman ko ang maliliit na kamay ng bata na nakahawak sa kamay ko. May hawak-hawak siyang maliit na stamps, minarkahan niya ang kanang kamay ko at pormang star ang stamp na iyon.

"I marked you already, Mojo Jojo! You are mine!" bungisngis niyang ani bago patakbong nagtungo sa gawi ng mga magulang namin. Kinalabit niya ang ama niya sa ay turo sa akin at sa kamay kong minarkahan niya.

Teritorial. . . Cute!

Lumipas ang mga taon lagi kong nakikita si Danice. Kahit hindi ko sadyain, nasa iisang school lang kami, elementary siya high school naman ako, hindi niya ako nakikita pero ako laging nakabantay sa kanya dahil na rin sa utos ni mommy. Only child si Danice iyon lagi ang reason ni mommy kaya dapat daw bantayan ko.

Hanggang sa nag-high school siya ay nakabantay lang ako sa kanya mula sa malayo. After class and before class ay pinupuntahan ko siya at chini-check.

Nang mag-3rd year high school na siya ay nag-dalaga na siya. Kahit sobrang liit niya ay maraming nanliligaw sa kanya. Naiinis ako sa tuwing nginingitian niya ang mga manliligaw niya! Akala ko ba'y ako ang pakakasalan niya bakit kung makangiti siya sa mga mapapangheng manliligaw niya ay wagas?

𝐀𝐁𝐔𝐒𝐄𝐃 𝐖𝐈𝐅𝐄 (𝐎𝐍𝐄) Where stories live. Discover now