𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐍𝐓𝐘 𝐓𝐖𝐎

7.5K 143 3
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐍𝐓𝐘 𝐓𝐖𝐎
❛ ━━━━━━・꙳・━━━━━━ ❜

"Wow, ang sarap!" bulalas ko ng matikman ang dalang ulam ni Travis. Sa nakalipas na mga araw ay laging dumadalaw si Travis dito sa house at may dalang food, flowers. Noong una ay may binigay rin sana siyang teddy bear kaso may phobia ako sa mga stuffed toys. Hindi ko rin alam kung kailan nagsimila, hindi ko maalala basta nitong nakaraan ay takot  na ako sa mga teddy bears at mga manika. Pakiramdam ko kasi ay naglalakad at nagsasalita sila sa gabi. Pakiramdam ko rin ay mananakal sila kapag tulog na ako.

"Really?"

Sunod-sunod ang naging pagtango ko.


"I really don't eat a lot pero napaparami ang kain ko dahil sa mga luto mo, ang sarap kasi."

He smiled tapos naglagay pa ng maraming kanin at ulam sa plato ko.

"Eat a lot, bambina. You are too light."

Napanguso ako habang ngumunguya.

"Magiging kasing hugis ako ng gasul kapag tumaba ako." Wika ko. He laughed softly.

Nagpatuloy na kaming kumain. Pagkatapos kumain ay nagtulongan kaming ligpitin ang mga pinagkainan namin. Sa paghuhugas ay hindi na ako pinatulong ni Travis. Binuhat niya ako at ipinatong sa island counter. Nagmukha akong batang hinihintay ang daddy matapos sa ginawa.

"Stay there, bambina. Let me wash the plate."

"I want to help." I said pouting.

Itinukod niya ang dalawang braso sa magkabilang gilid ko. Magkapantay ang mga mukha namin. He kissed the tip of my nose. Napasinghap ako, ngumiti lang siya. Kitang-kita ang mapuputi niyang ngipin. At ngayong wala na ang mga peklat at mga galos sa mukha niya ay klarong-klaro na ang maputi at makinis niyang mukha. Damn. . . he looks so perfect. Wala man lang black heads sa tuktok ng ilong niya. . . ang kinis, parang alagang-alaga.

"Nah." sambit niya.

"Why not?"

"I don't want you to get tired,"

"Hindi naman nakakapagod maghugas ng plate, e. "

"I know, but I want to serve you. Gusto kong bumawi sa 'yo at ipakitang ibang-iba ako sa Travis na nasa panaginip mo."

Napakagat ako sa aking labi. Hindi ko mapigilang hindi mag blushed.

Ibang-iba naman talaga sa Travis na nasa panaginip ko. Sobrang layo ng mga ugali nila.

"You are blushing, bambina."

"Hindi kaya." pagtanggi ko. He chuckled then pinched my nose.

"Cute. . . ti amo tanto, bambina."

"H-huh?"

Muli siyang tumawa ng bahagya at muling hinalikan ang tuktok ng ilong ko.

"Stay there, okay?" aniya na para bang bata akong kinakausap niya. Kaya naman may biglang kapilyahang pumasok sa isipan ko.

"Yes po, daddy." natigilan siya sa narinig na sinabi ko.

"What did you just call me?" pigil na pigil ko ang pagngiti.

"Say it again," aniya. Umiling ako.

"Nah. . ."

"Say it again, please po?" he pouted. He really look so cute when he does that. Gwapo siya pero nagiging cute siya when he pouts. He's like a big baby. Kaya siguro tinawag ko siyang abujing-bujing noon. I asked my dad last day about what Travis told me and he said yes matagal ng kaibigan ng pamilya namin ang pamilyang Villamor. Hindi ko nga lang alam kung bakit wala akong matandaan sa nakaraan and when I asked why I don't remember anything about what Travis told me ang sabi niya ay masyado pa daw akong bata noon kaya gano'n. Pero pakiramdam ko ay may mali. Binaliwala ko na lang kasi kahit gaano ko mang isipin ay sumasakit na lang ang aking ulo pero wala pa rin naman akong makuhang sagot sa kagulohang nararamdaman ko.

𝐀𝐁𝐔𝐒𝐄𝐃 𝐖𝐈𝐅𝐄 (𝐎𝐍𝐄) Where stories live. Discover now