𝐒𝐈𝐌𝐔𝐋𝐀

24.3K 256 10
                                    

𝐒𝐈𝐌𝐔𝐋𝐀
❛ ━━━━━━・꙳・━━━━━━ ❜

𝐃𝐀𝐍𝐈𝐂𝐄 𝐂𝐋𝐀𝐔𝐃𝐈𝐍𝐄 𝐃𝐄𝐋𝐀 𝐂𝐑𝐔𝐙

𝐃𝐀𝐍𝐈𝐂𝐄 𝐂𝐋𝐀𝐔𝐃𝐈𝐍𝐄 𝐃𝐄𝐋𝐀 𝐂𝐑𝐔𝐙

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

❛❜𝐌𝐎𝐎𝐃𝐁⬤𝐀𝐑𝐃❛❜

𝐓𝐑𝐀𝐕𝐈𝐒 𝐌𝐀𝐕𝐄𝐒 𝐕𝐈𝐋𝐋𝐀𝐌𝐎𝐑

𝐓𝐑𝐀𝐕𝐈𝐒 𝐌𝐀𝐕𝐄𝐒 𝐕𝐈𝐋𝐋𝐀𝐌𝐎𝐑

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

September 05 2022

"Listen to me, Hija" Ani ni Dad. Kanina pa siya dito sa kwarto ko at paulit-ulit ang sinasabi. Gusto niyang magpakasal ako sa anak ng business partner niya. Actually noong nakaraan pa niya ito paulit-ulit na sinasabi.

Nakaupo siya sa gilid ng kama ko. Ako naman ay nakaupo sa gitna at nakasandal sa headboard.

Gusto kong takpan ang tenga ko dahil ayaw kong marinig ang mga sinasabi ng Daddy ko. Pero syempre hindi ko ginawa dahil kabastusan iyon. Kahit naman pasaway ako minsan hindi naman ako bastos na anak.

I respect my father because he is my only family. I love him very much. I'm willing to follow whatever he orders me to do, but this time no! I can't!

"No, Dad!" Pang ilang NO ko na ba ito? Hindi ko na matandaan.

"P-please, Hija, mamatay na ako dahil matanda na ako, kung hindi ka papayag magpakasal sa anak ni Villamor paano ka na kapag nawala ako?"

Ito na naman po siya? Nagbabanggit na naman ng kamatayan. Jesus! Ang lakas-lakas pa nga niya! Nakikipaglaro pa nga siya ng basketball sa mga kaibigan niya noong nakaraang araw, e.

"Dad, pwede naman akong magtrabaho sa company-"

"Danice, pabagsak na ang ating kompanya! Ang tanging makakasalba lang sa kompanyang iyon ay ang pagpapakasal mo sa anak ni Mr Villamor!" Singhal niya. Namumula na ang mukha niya. Halos magsilabasan na ang litid sa leeg niya.

Natigilan ako saglit. This is the first time na nagalit si Daddy sa akin.

"Pero, Dad—"

"Wala nang pero, pero, Danice Claudine! Magpapakasal ka sa anak ni Mr Villamor sa ayaw at sa gusto mo tapos ang usapan!" Marahas na tumayo si Daddy mula sa pagkakaupo sa kama ko, naglakad siya palabas ng aking kwarto at pabagsak na isinara ang pintuan.

Napahawak ako sa aking sintido. Mukhang seryoso nga ang matandang 'yon na ipakasal ako sa anak ni Mr Villamor.

My head suddenly hurts. I want to cry in frustration. Daddy has been telling me this for weeks. And I always refuse. I have no plans to get married. I'm still fucking young! I'm just fucking 18, for fuck's sake!

Jesus Christ! Kaka-debut ko lang no'ng March 22. Kakagraduate ko lang! Hindi ko pa nga nasubukang magtrabaho! Tapos gusto niyang mag asawa na ako!? Bakit wala na bang pwedeng kunin na investors para hindi bumagsak ng tuluyan ang business mamin? Bakit kailangang ipakasal pa ako?

Kung buhay lang sana si mommy hindi siya papayag na ginaganito ako ni Daddy! Kung buhay lang sana siya sinapak na niya si Daddy!

What am I gonna do? Anong pwede kong gawin para itigil na ni Daddy ang kabaliwang 'to?

Nahiga ako sa kama ko at tumingala sa puting kisame nagbabakasakaling may makukuha akong sagot doon. Thirty minutes na ang lumipas pero wala pa rin akong makuhang sagot. Ano nga ba namang sagot ang ibibigay ng isang kisame? Hindi naman siya marunong magsalita.

Gosh! Hindi ko nga alam itsura ng sinasabi niyang anak ni Mr Villamor! Hindi ko alam kung anong ugali! Hindi ko alam kung nag a-adik ba! Or worse nanakit ng babae! My God! Baka imbes na mapabuti ang kalagayan ko ay mamatay pa ako ng maaga kapag nagkataong masama ang ugali ng anak ni Mr. Villamor.

Napabuntong hininga ako ng ilang ulit.

Ibinaling ko sa aking gilid ang paningin ko. Nakita ko ang picture ng bias ko ng Ppop boyband na sinusubaybayan ko, nagbabakasakali akong baka mapakalma niya ako sa inis na nararamdaman ko ngayong gabi pero walang silbi. Naiinis na ibinaling ko sa ibang direksyon ang mukha ko. Nakita ko ang maitim na folder na bitbit ni Daddy kaninang pagpasok niya.

Kanina pa sinasabi sa akin ni Dad na buksan ko iyon. Pero dahil nakikipag argumento ako sa kanya kanina kaya hindi ko nagawang buksan.

Inabot ko ang folder at binuksan. Naglalaman iyon ng mga files ng pamilya ni Mr Villamor.

Sa unang pahina ay ang file ng mag-asawang Thaddeus at Twyla Villamor. May pictures and other information na nakaloob doon. Tulad na lang ng edad, birthdays, kung ano ang lahi nila they are half Italian and half filipino at kung ano-ano pa.

Sa pangalawang pahina ay ang anak na babae ni Mr Villamor. Talia at Thatiana Villamor. They are twins. 20 years old.

Sobrang gaganda nila. Kulay gray ang mga mata nila, matatangos ang ilong at pouty ang labi na katulad ng kay Angelina Jolie. Ang buhok ng mga ito ay blonde na curly.

Sa pangatlong pahina ay ang only son ni Mr Villamor. Travis Maves Villamor 29 years old, a businessman. May pagmamay-aring private island. May hotel and restaurant at may malls na nagkalat sa buong Pilipinas at meron pa sa ibang bansa. Sobrang yaman niya kaya siguro gustong gusto ni Dad na pakasalan ko.

Pinakatitigan ko ang mukha niya. Kahawig niya ang ama niya. Gray din ang kulay ng mga mata nito. Matangos ang ilong at perpekto ang jawline. Hindi tulad ng labi ng kambal, ang labi nito'y siguro dahil lalaki siya kaya mas manipis lang.

Picture pa lang ang nakikita ko pero nagtatayuan na ang buhok ko sa katawan. Nakaktakot nag aura niya. Litrato pa lang pero halata ng nakakatakot at nanakit na.

He's handsome. But I will never forget that lahat ng napapanuod kong clips and videos tungkol sa patayan at sexual abuse ay mga gwapo rin. Sobrang gwapong mga lalaki na hindi mo aakalaing mamatay tao sila! At malay ko ba kapag pumayag akong magpakasal sa lalaking 'to ay baka pahirapan, saktan abusuhin or worse patayin niya ako! Jesus!

Iniisip ko pa lang na sasapakin, papaluin, sasampalin at sasakalin ako ng lalaking ito ay napapaiyak na ako.

And even if he's fucking handsome I don't find him attractive! So anong inaakala ng Daddy ko? Na kapag nakita ko ang picture ng lalaking to ay baka magbago ang isip ko at pumayag akong magpakasal!? Ha! Hindi! Never! Never! Never as in never! Kahit pa sobrang yaman niya.

Naibato ko ang folder. Nagkalat ang mga papel sa sahig. Ang ibang mga picture ay nakataob samantalang ang kay Travis ay kitang-kita ko. Picture pa lang pero para na niya akong sinasakal. Para na niya akong pinapatay. Bigla akong dinaga ng kaba. Mabilis kong inalis sa picture ang mga mata ko.

Dumapa ako at hindi ko na mapigilang humagulgol. Ibinaon ko ang mukha ko sa unan ko at doon sumigaw nang sumigaw.

Anong iniisip ng Daddy ko!? Hindi niya ba ako Mahal!? Bakit ang dali sa kanyang ipamigay ako? Ipakasal sa lalaking picture pa lang ay nakakatakot na ang mga mata! Picture pa lang parang papatayin ka na! Picture pa lang parang maaga ka ng ihahatid sa langit!

Paano nagagawa sa akin ni Daddy ko 'to? I'm his only daughter pero bakit niya ako ginaganito?

Ilang oras ako doong umiiyak. Nanakit na ang lalamunan ko naramdaman ko na rin ang pamamaga ng mata ko.

Iyak ako nang iyak hanggang sa hindi ko namalayang ginupo na ako ng antok . . .

AVYANNAHLAVELLE

𝐀𝐁𝐔𝐒𝐄𝐃 𝐖𝐈𝐅𝐄 (𝐎𝐍𝐄) Where stories live. Discover now