𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐄𝐈𝐆𝐇𝐓

8.8K 160 14
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐄𝐈𝐆𝐇𝐓
❛ ━━━━━━・꙳・━━━━━━ ❜

"Hon, you're awake." napakurapkurap ako ng marinig ang boses ni Travis.

Bahagya pa akong napasinghap ng gahibla na lang ang agwat ng aming mga mukha. Amoy na amoy ko ang mainit niyang hininga ng magsalita siya.

Nang makita niyang mulat na ako'y umayos siya sa pag-upo sa gilid ng kama.

"How are you? May masakit ba sa 'yo? Nahihilo ka pa rin ba?" sunod-sunod na tanong niya. Bumangon ako at umayos sa pag-upo. Nakaalalay naman siya, sumandal ako sa headboard ng kama.

"I'm good. Hinimatay na naman ba ako?" I asked him. Mahigit isang buwan ko na itong nararamdaman. Nahihilo, nagsusuka at bigla-biglang hihimatayin. At sa tuwing nangyayari iyon ay naandyan si Travis para alalayan at alagaan ako. Sa mga nakalipas na mga araw hindi ko na nakitang nagalit si Travis, kahit pag taasan ako ng boses ay hindi niya ginawa. Hindi ko na rin nakita ang mga babae niya sa bahay. May kinuha siyang tagalinis at tagaluto pero stay out ang mga ito. Ang mga tauhan niya ay nakapalibot pa rin sa kabahayan.

Hindi pa rin ako nagpapakampanti, may takot pa rin akong nararamdaman sa tuwing naglalapit kami ni Travis ngunit hindi ko iyon pinapahalata sa kanya. Dahil ayaw kong magalit siya, dahil baka kapag nangyari iyon ay baka patayin niya na ako. Maaring hindi niya pinapakita sa akin ang galit niya sa ngayon ngunit ayaw ko siyang bigyan ng rason.

Bago umalis dito ang mga girlfriend ni Travis ay may mga babala at pananakot sila sa akin. Pilit ko man iyong binabaliwala ngunit lagi pa rin iyong sumasagi sa isipan ko.

"Yes, tumawag na ako ng doctor na papupuntahin ko dito para masuri ka." mahinahong aniya.

Nakakapanibago talaga ang pagiging mahinahon ni Travis sa nakalipas ng mga araw ngunit hindi ko talaga maiwasang kabahan at balutin ng takot kahit na ganito ang inaakto niya. Sa dinami-dami ba naman ng masasamang ginawa niya sa akin napakahirap lang paniwalaan na nagbago na siya.

"Lunch in bed?" masayang ani niya sabay lahad ng kamay niya sa bedside table kung saan nakapatong ang tray ng pagkain. May iba't-ibang prutas doon, makita palang iyon ay parang tutulo na ang laway ko. May mango juice din. At isang plato ng kanin at ulam.

"I don't want to eat rice." ani ko.

Tumingin sa akin si Travis, he frowned.

"But, Hon, ilang araw ka ng hindi kumakain ng kanin." Aniya.

"Nagsusuka ako pag pinilit kong kumain ng kanin." ani ko naman.

"Okay, gusto mo bang dagdagan ko ang prutas?" he asked.

Umiling ako. Inabot niya sa akin ang plato ng prutas. May grapes, strawberries, slice apple, slice mango, slice kiwi, binalatang orange at banana sa plato. Sa gitna niyon ay may Nutella na gustong-gusto kong sawsawan ng mga prutas. Sa nakalipas na mga araw ay ito lang ang tanging kinakain ko, ito lang ang tinatanggap ng sikmura ko.

Noong nakaraan ay tinanong ako ni Travis kung ano ang gusto ko and I told him I want fruits with Nutella akala ko ay hindi niya ako pagbibigyan ngunit nagulat na lang ako na paglipas ng isang oras after ng sabihin ko iyon ay may dala na siyang tray na may laman ng gusto ko.

"Tell me if you want rice, okay?"

I nodded again. Nagsimula na akong kumain. Sarap na sarap ako habang kumakain. Nai-angat ko ang tingin ko ng biglang may mag flash. Bumungad sa akin si Travis hawak-hawak ang kanyang cellphone na nakatutok sa akin. He was smiling while clicking.

"You're so beautiful, hon." mahinang anas niya habang nakatitig sa screen ng phone niya, ipinakita sa akin ang kuha niya.

Agad kong iniiwas ang tingin ko sa kanya. Uminit ang pisngi ko gusto kong itaas ang kamay ko at hawakan dibdib ko ng bigla iyong nagwala. Ngunit baka magtaka si Travis.

"I will make it my wallpaper." Mahinang aniya para bang sarili lang niya ang kinakausap niya. Naibalik ko sa kanya ang atensyon ko. He was smiling while tapping her phone. Parang ang saya-saya niya sa ginagawa niya.

Nang tapos na niyang gawin ang gusto niya ay hinarap niya ako he was still smiling.

"Continue eating, honey." aniya. Napakurap ako at ibinalik na sa pagkain ang atensyon ko. Pagkatapos kung maubos ang pagkain ay inabot niya sa akin ang basong may lamang Juice. Tinanggap ko naman iyon at ininom.

Habang umiinom ako ay nakakaramdam ako ng pagka-ilang panay kasi ang titig sa akin ni Travis. Tapos ngumingiti pa siya. Hindi ko tuloy alam kung ano ang magiging reaksyon ko.

Lumabas ng kwarto si Travis bitbit ang tray after ko kumain. Pagbalik niya ay may kasama na siyang isang lalaki na sigurado akong doctor. May bitbit itong maliit na itim na bag.

"Hon, this is Dr. Cullen." pagpapakilala ni Travis sa doctor. Bahagyang kumunot ang nuo ko tila pamilyar ang mukha ng lalaki. Parang nakita ko na siya noon hindi ko lang maalala kung saan.

Ngumiti sa akin ang lalaki at ng mapansin iyon ni Travis ay kitang-kita ko ang pagkawala ng ngiti nito.

"I'm Dr. Josh Cullen," nakangiting pagpapakilala ng doctor. Hindi ko magawang ngumiti pabalik dahil nakikita ko sa gilid ng mga mata ko ang pag-igting ng panga ni Travis.

Inilahad ng doctor ang kamay nito, hindi ko alam kung aabutin ko ba iyon o hindi.

Binaba nito ang kamay nito mapansin nitong hindi ko tatanggapin ang nakalahad nitong kamay pagkalipas ng ilang sandali.

Pinasadahan nito ng tingin ang aking kabuohan at ng dumako ang tingin nito sa aking nakalantad na braso ay napasinghap ito at napuno ng kagulohan ang mga mata.

Nagsimula akong suriin ng doctor. Marami siyang tinanong sa akin. Maayos ko naman iyong tinugon kahit na nakikita ko ang pagsama ng tingin ni Travis. Binalot ako ng kaba dahil sa uri ng tinging ipinukol niya sa nakangiting doctor.

"Don't touch her." Nahinto sa akmang paghawak sa akin ang doctor ng marinig ang sinabi ni Travis. Umayos ito sa pagtayo at hinarap si Travis.

"Paano ko siya susuriin kung hindi ko siya hahawakan—"

Pinutol ni Travis ang sasabihin nito.

"She already told you about how she felt, Cullen, you don't have to touch her." he said full of authority.

Napakurap ang doctor saglit bago nagkibit balikat. May kunting ngisi ito sa labi. Bumaling ito muli sa akin at ngumiti.

"Masakit ba ang kamay mo?" he asked.

Napatingin ako sa kamay ko. Puno iyon ng peklat may magaling na at merong hindi pa masyadong magaling, doon siya nakatingin kanina.

Muli kong ini-angat ang tingin ko. Marahan akong umiling. Nakita ko ang pagtataka ng doctor ngunit hindi na siya kumibo.

"Nahihilo, nagsusuka at nababahuan ka sa mga pagkain. . . Kailan ang huling dalaw mo Mrs. Villamor?" tanong at ani ng doctor.

Kailan ang huling dalaw?

"Two months ago." I said.

Tumango-tango siya habang may isinusulat sa papel na kanina pa niya hawak-hawak.

"Magbibigay ako ng resita ng mga bitamina na kailangan mong inumin Mrs. Villamor and I want you to drink it regularly para maging healthy si baby sa sinapupunan mo."

Natigilan ako maging si Travis ay kumunot ang noo ng marinig ang sinabi ng doctor.

"H-huh?"

"You are pregnant, Mrs. Villamor."

AVYANNAHLAVELLE

𝐀𝐁𝐔𝐒𝐄𝐃 𝐖𝐈𝐅𝐄 (𝐎𝐍𝐄) Where stories live. Discover now