𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐄𝐈𝐆𝐇𝐓𝐄𝐄𝐍

8.2K 172 9
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐄𝐈𝐆𝐇𝐓𝐄𝐄𝐍
❛ ━━━━━━・꙳・━━━━━━ ❜

Pagkapasok na pagkapasok namin sa loob ng prisinto ay agad na sa aming itinuro kung saan nakakulong na silda si Travis.

Mabilis kaming nagtungo doon ni Mrs. Villamor kasama ang kambal na anak nito na kanina ko lang nakilala. Wala si Mr. Villamor dahil ito ang nag aasikaso sa mga media. Totoo nga iyong sinabi ni Mrs.Villamor na nagkagulo ang media dahil sa pagkakakulong ni Travis. Kalat na kalat din iyon sa buong socmed.

Halos himatayin si Mrs. Villamor ng makitang nakahiga lang sa malamig na sahig si Travis at ang tanging sapin lang ay tuwalya. Ginawa nitong unan ang mga braso.

“Oh my God, Travis Maves!” bulalas nito at humagulgol. Inalalayan naman agad siya ng kambal.

Nang marinig ni Travis ang boses nang ina ay lumingon ito sa gawi namin at ng makita kami ay malawak itong ngumiti. Mababanaag ang excitement sa mga Mata nito na para bang may nakaka-excite sa pagkakakulong niya.

“Mom, Danice, what are you doing here?” nakangiting tanong nito. Kung kaming lahat ay nag-aalala sa kalagayan niya si Travis ay parang tuwang-tuwa pa.

Tumayo ito at lumapit sa mga bakal na nakaharang  sa amin at sa kanya. Nakahawak ang dalawang kamay niya doon.

“Did you bring food, mom? I forgot to eat before leaving the hous—” hindi natapos ni Travis ang itatanong.

“What are you thingking, Travis Maves Villamor?!” Napakislot ako nang sumigaw si Mrs. Villamor. Naiiyak ito at halatang galit na galit.

“Alam mo ba na dahil sa ginawa mo ay ang daming mga investors ang gustong i-withdraw ang mga shares nila sa kompanya dahil sa pag-aakalang totoong mamatay tao at abuser ka!”

“Mom—”

“Ano ba kasing pumasok sa kukuti mo't nagpakulong ka?!” singhal ng ginang.

Napapakagat ako sa aking labi. Kasalanan ko talaga itong lahat.

Napangiwi ang kambal. Si Travis ay napanguso pero ng tumingin siya sa akin ay ngumiti siya. Namula tuloy ang mukha ko. Bakit ba siya ngumingiti? Nagagalit na nga ang mommy niya.

“How are you, Danice? Are you good? Do you still have a nightmare?” Imbes na sagutin ang galit na tanong ng ina niya ay sa akin siya naka-focus. Marahan kong nalakumos ang damit ko.

“Hindi na. Sorry talaga. . .” nahihiyang sambit ko.

Mas lumawak ang pagngiti niya.

“Good.” aniya bago hinarap ang nanay niya. “I'm sorry, mommy. Gusto ko lang kasing pag bayaran ang mga kasalanan ko kay Danice sa panaginip niya. Nakita ko kung gaano siya naapektohan sa panaginip niyang iyon.”

“Oh my God! Manang-mana ka talaga ka sa ama mo!” bulala ni Mrs. Villamor. Nakukonsemisyon ito sa anak.

Travis chuckled. Pati ang kambal ay natawa na rin.

“Mga sintu-sinto.” sabay na ani ng dalawa.

Kinausap ni Mrs. Villamor ang mga police kasama nito ang kambal. Naiwan naman ako sa harap ni Travis.

Nakayuko ako at hindi makatingin sa kanya.

“Sorry talaga sa nangyari. . . hindi ko talaga sinasadyang saktan ka, sobrang sama lang talaga ng panaginip ko tapos paggising ko ay ikaw mismo ang bumungad sa akin. . . sorry talaga.”
Naiiyak na ani ko. Humaba ang nguso ko at mas lalo kong nalakumos ang gilid ng damit ko at hindi rin mapermi ang paa ko.

He chuckled kaya na i-angat ko ang tingin ko.

Nakangiti pa rin siya. Klaro pa rin ang pasa at mga galos sa ginawa ko sa kanya kahapon.

“You're so cute.” anito. Naramdaman ko ang pag init ng pisngi ko dahil sa sinabi niya. “Pinapatawad mo na ba ako?” he then asked. He pouted.

Hala? Ang cute niya! Shit! Ibang-iba sa Travis na nasa panaginip ko. Bakit hindi nakakatakot ang ngiti niya? Hindi nagtatayuan ang mga buhok ko sa katawan. Oo nga't malakas ang kabog ng puso ko dahil sa kanya pero hindi dahil sa takot at pangamba.

“A-ano. . . wala ka n-naman k-kasalanan sa akin. Ako dapat ang paulit-ulit na humingi ng tawad sa 'yo dahil nasaktan kita.”

Ngumiti lang uli siya, titig na titig lang siya sa akin. Binuksan ng pulis ang silda at pinalabas si Travis.

Nang makalabas siya ay tumayo siya sa harapan ko, napatingala naman ako sa kanya.

Ang tangkad pala niya! Hindi man lang ako umabot sa dibdib niya. Nagmukha akong unano ngayong nakatayo siya sa harapan ko mismo.

Dumungaw din pala siya sa akin. Nagtama ang mga mata namin. Hindi ko namalayan titig na titig na ako sa mukha niya.

Oh God? Is he a God? Napaka-perfect ng mukha niya, ang ilong ang tangos at ang manipis niyang labi ay namumula ang perfect ng jawline niya at ang kapal ng kilay niya at ang haba ng pilikmata.

Ngumiti siya uli pero sa pagkakataong ito ay labas na ang ngipin niya. At sobrang ganda ng ngipin niya na tila iyon modelo ng isang toothpaste. May dalawang biloy din siya na nagpatulala sa akin.

“You're so small.” ani nito. Napakurap ako at naibaling ko sa ibang direksyon ang mukha ko. Humabang muli ang nguso ko.

Kainis naman obvious naman na maliit ako kompara sa kanya e.

Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso nangangatog ang tuhod ko.

Bahagya akong nagulat ng hawiin niya ang buhok ko na nagkalat sa mukha ko at inipit iyon sa tenga ko. Tiningala ko ulit siya. Bumungad na naman sa akin ang ngiti niyang para bang abot langit sa sobrang tamis at lapad. Napatitig akong muli sa mga mata niya at ramdam ko ang saya na batid nito. Hindi ko na rin maiwasang magpakawala ng ngiti sa labi nakakahawa kasi ang pagngiti niya parang virus. Tang ina! Ang gwapo niya talaga!

Pareho kaming napalingon ni Travis sa gilid namin ng biglang may nag click.

“Wah! Ang cute!” tili ni Mrs. Villamor siya ang may hawak ng cellphone na nakatutok sa amin ni Travis. Nawala na ang inis nito kay Travis kanina. Kilig na kilig na ito ngayon na tila na nakakita ng idolo nitong artista. Ang kambal ay parehong ngumisi sa amin.

May mga Pulis din palang nakatingin sa amin nakangiti rin ang mga ito at ang isa sa kanila ay may hawak ding cellphone habang nakatutok sa gawi namin. Bigla akong binalot ng hiya at sa hindi pinag-isipang galaw ay isinisik ko ang aking mukha sa katawan ni Travis. Ang bango niya, gusto ko tuloy ipikit ang aking mga mata at damhin ang natural na bango niya.

Nag-iinit ang aking buong mukha pababa sa aking leeg. Tila ako sinisilaban. Naradaman ko ang braso ni Travis na yumakap sa akin.

“Mom, nahihiya na si Danice.” Travis said while laughing softly.

“Aww! Ang cute niyo.”

“Mom, let's go na, stop taking a picture of them na kasi si Danice o pulang-pula na.” ani ng isa sa kambal.

Sa narinig na sinabi ng isa sa kambal ay napalayo ako kay Travis.

“Hala, sorry!” paghingi ko ng sorry kay Travis dahil sa biglaan kong pagsisik ng aking sarili sa kanya. Ngunit matamis na ngiti lang ang isinukli niya na nagpakabog na naman sa puso ko.

AVYANNAHLAVELLE

𝐀𝐁𝐔𝐒𝐄𝐃 𝐖𝐈𝐅𝐄 (𝐎𝐍𝐄) Where stories live. Discover now