𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐍𝐓𝐘 𝐄𝐈𝐆𝐇𝐓

6.7K 142 4
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐍𝐓𝐘 𝐄𝐈𝐆𝐇𝐓
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜

"What's wrong, bambina?" malumanay na tanong ni Travis sa akin ng tumahan na ako. Pinunasan niya gamit ang tissue ang mukha ko, nakakandong pa rin ako sa kanya. "Bambina, I'm worried what happened . . . Hmmm?"

"Let's go home," mahinang sambit ko.

"Okay. . . we will go home." Malumanay niyang tugon. Naramdaman ko ang pagtayo niya, agad ko naman naipulupot ang mga binti ko sa bewang niya at niyakap ang mga braso ko sa leeg niya habang nakasubsob naman sa baba ng leeg niya ang mukha ko. Nakaalalay ang isang kamay niya sa pang-upo ko ang isang kamay naman ay marahang humahaplos sa buhok ko.


Naglakad siya palabas ng kanyang opisina.

"Miss. Romulo, cancel all my meetings I and my fiancee need a rest . . ."

"I'm your wife, Travis, kung alam mo lang. . . "

Narinig ko pang nagsinghapan ang mga office employees pagkatapos sabihin iyon ni Travis, sigurado akong pagtsi-tsimisan na naman ako ng mga 'yan.

"Yes, sir." tugon ni Miss Romulo.

Travis continue walking. Sumakay kami sa elevator at nang tuluyang makababa ay nagtungo naman kami sa parking space niya at nang makarating doon ay isinakay at ibinaba niya ng kunti ang upuan iyong parang nakahiga na ako sinuotan niya ako nang seatbelt
pagkatapos ay hinubad niya ang kanyang coat ipinatong niya iyon sa dibdib ko na parang ginawa niyang blanket ko.

"Are you comfortable, bambina?"

"I'm good, thank you. . ." mahinang sambit ko.

Oh my God! I miss him so much. Ganito siya kamaalaga e, noong ikinasal kami ay hindi siya kumuha ng katulong dahil gusto niyang siya mismo ang mag-aalaga sa akin, he cooks and do the house chores kahit nga ang paghuhugas ng plato ay hindi niya pinapagawa sa akin, maglaba nga ng damit namin ay siya, he spoiled me so much at ang ibinalik ko sa kanya sa mga ginawa ay ang mahalin siya ng tapat at lubos. Tulad ng mga ginagawa niya sa akin ngayong inaakala niyang mag fiancee pa lang kami gano'n na gano'n ang pag-aalaga niya sa akin noon. Noong nalaman namin na buntis ako ay hinimatay siya sa sobrang tuwa, wala pa ngang umbok ang tiyan ko ay bumili na siya ng mga gamit nang baby. Halos punuin na niya ang pinagawa niyang nursery room ng gamit ng baby.

Nursery room?

Nursery room?

Oh my God! May bahay kami! May sariling bahay kami!

Dahil sa naisip ay napahikbi na naman ako.

Nataranta naman si Travis.

"Bambina, please, tell me what's wrong, I'm worried," Hinaplos niya ang mukha ko at gamit ang mga daliri niya ay pinunasan niya ang mga luha ko. Puno nang pag-aalala ang mukha niya.

Umiling ako.

"Please, let's go home. . ." mahinang sambit ko sa pagitan ng paghikbi.

Tumango si Travis, hinalikan niya ako sa nuo bago siya umikot at sumakay sa drivers seat. Binuhay niya ang sasakyan pagkatapos ay pinaandar na niya iyon. Mabilis lang kami ng nakarating sa bahay. Travis parked the car sa parking lot na nasa labas ng bahay bago siya bumaba. Umikot siya sa gawi ko. Kinarga na naman niya ako tulad ng pagkarga niya sa akin kanina. Naglakad na siya papasok ng bahay.

Hindi pa man kami tuluyang nakakapasok ng bahay ay naririnig ko na ang pamilyar na boses ng isang babae. Si Avyannah.

"'Wag na po Tito! Mahal na mahal ko po iyan, hindi niyo na po ako kailangang bayaran sa pag aalaga ko sa batang biik na iyan." narinig kong ani ni Avyannah.

Nang tuluyan kaming makapasok ay tila napansin nila kami dahil naririnig ko ang tunog ng pagtayo nila.

"Dzaii!"

"Travis. . " magkapanabay na tawag ni Avy at daddy sa akin at kay Travis.

"Bakit siya nakakarga, naynay? Mag-ama ba sila?" mabilis kong nai-angat ang mukha ko at napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon. Bumungad sa akin ang matangkad na batang lalaking mataba, nakaupo sa tabi ni Avy at nakatingala sa amin ni Travis.

Nang makita niya akong tumingin sa kanya ay nag letrang o ang kanyang bibig. Pagkatapos ay ngumiti siya.

"Akala ko po baby ka po, unano po pala?"

Umawang ang bibig ko.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako, O maiinsulto or maiiyak sa sinabi niya. I know him. . . Kahit hindi nila sabihin. Isang tingin pa lang sa kanya ay kilala ko na siya, kilala siya ng puso ko. . .

Sobrang lakas ng naging pagkabog ng puso ko.

Nagpababa ako kay Travis, maingat naman niya akong ibinaba. Nakakunot ang nuo niya habang nakatingin sa batang lalaking nasa harapan namin. Nagtitigan silang dalawa, si Travis ay humakbang palapit sa bata ako ay nakatayo lang sa gilid pinipigil na humagulgol. Nakikita ko sa gilid ng mga mata ko si Avyannah at Daddy nagpupunas ng luha.

Umuklo si Travis. Iniluhod niya ang kanyang isang tuhod para magpantay sila ng bata.

"Who are you?" Travis asked the kid.

"Ako nga pala si Danish Trevose Villamor. . . Four years old, pero sabi nila sobrang tangkad ko daw para sa edad ko. . . Kaya sa school tinatawag nila akong higante dahil ako lang matangkad sa classroom namin, kasalanan ko po ba kung ka height nila iyong mga minions?" mahabang ani nito.

"Danish Trevose Villamor? Villamor? Villamor?" nagugulohang sambit ni Travis. Sunod-sunod ang naging tango ni Danish . . . Yes ni Danish. . . Si Danish ang anak namin ni Travis ang batang nasa harapan namin ngayon!

"Opo, Villamor po. . . Villamor po, D-daddy. . . Ako po si Danish ang anak niyo po." Ngumiti ang batang lalaking ngunit kahit nakangiti ito ay maluluha ito. Pinipigil nito ang pag-iyak.  Alam ko dahil iyon mismo ang ginagawa ko ngayon. Pinipigilan ko ang humagulgol.

Lumingon sa gawi ko si Travis. Puno ng kagulohan ang mukha niya.

"He is our son. . . Our son. . . Travis." halos hindi ko magawang magsalita dahil parang may kung ano ng nakaharang sa lalamunan ko. Mas lalong napuno ng kagulohan ang mukha ni Travis.

"Our son? Our son?" paulit-ulit niyang sambit? "But how? Did I get you pregnant when you were still a minor? Fuck! Did I? Why the hell can't I remember anything?" bigla na siyang nataranta kaya lumapit ako sa kanya at sinapu ko ang mukha niya. Dahil nakaluhod ang tuhod niya ng umuklo siya para magpantay sila ni Danish ay naabot ko ang mukha niya.

"My love, no. . . You didn't. . ." sinusubukan ko siyang pakalmahin. Tumingin siya sa akin. May mga luha na sa gilid ng mata niya. "Ikinasal tayo, bumuo ng pamilya. . . Naging mag-asawa tayo. . ."

Tuluyan ng bumagsak ang kaninang pinipigil kong luha kasabay no'n ang pagbagsak din ng mga luha ni Travis.

"We are married? You are my w-wife? How did that happen?! You are just eighteen, right?"

Umiling ako.

"I'm twenty three. . . "

"Oh Jesus!" naibulalas niya tuluyan na siyang humagulgol. "Why. . . Why can't I remember anything?!"

AVYANNAH LAVELLE

𝐀𝐁𝐔𝐒𝐄𝐃 𝐖𝐈𝐅𝐄 (𝐎𝐍𝐄) Where stories live. Discover now