𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐍𝐓𝐘 𝐓𝐇𝐑𝐄𝐄

7.4K 175 0
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐍𝐓𝐘 𝐓𝐇𝐑𝐄𝐄
❛ ━━━━━━・꙳・━━━━━━ ❜

“Good morning, Daddy.” bati ko kay dad pagkababa ko. Humalik ako sa pisngi niya bago naupo sa katabing upuan.

“Good morning, sweetheart.” tugon nito. Ibinaba nito ang hawak-hawak na news paper sa lamesa at hinarap ako. “You look so excited.” komento niya.

“I'm excited but at the same time I'm nervous, Dad. What if masama ugali nang magiging boss ko?”

Natawa si Daddy. Napanguso naman ako habang naglalagay ng pagkain sa plato ko. Naglagay lang ako ng ham at isang itlog kumuha na rin ako ng dalawang slice bread at cream cheese. May inilagay sa tabi ng plate ko na isang baso ng milk si Manang.

“Thank you po.” pagpapasalamat ko sa kanya. Tumango lang siya at umalis na.

“Hija, I can assure you na sobrang bait nang magiging boss mo.” ani ni Dad na nagpabalik sa kanya ng atensyon ko.

“Paano naman po kayo nakakasiguro, Daddy? What if killer pala iyong amo ko?”

Muli na namang tumawa si Daddy.
Ngayon ko lang nakitang tawang-tawa si Daddy. Minsan kasi ay nakasimangot siya lalo na 𝐤𝐚pag nagkaka-problema siya sa negosyo.

Napag-usapan pala namin ni Daddy ang tungkol sa pagtratrabaho ko last day. Sabi ko sa kanya sa company namin ako magtra-trabaho pero hindi siya pumayag ayaw daw niya akong makikitang mapagod kaya sa company na lang daw ng kaibigan niya ako ipapasok para daw kahit magtrabaho ako nang magtrabaho ay hindi niya ako makikita at hindi siya maawa sa akin. Ang daya!

Nag okay na lang din ako keysa naman hindi ako makapagtrabaho, sabi nga niya mabait naman daw ang magiging amo ko.

“Hija, itigil mo na iyang kakapanood mo ng mga crime films kung anu-ano na ang sinasabi mo.”

Sumubo ako nang bread pinalamanan ko ng ham at hotdog na may cream cheese, ito ang favorite ko kahit para sa iba weird.

After ko maubos ang bread ay ininom ko na ang milk na inihanda ni Manang. Every morning ay milk talaga ininom ko kasi may allergy ako sa kape. Caffeine Allergy. Ang dami kong karamdaman bukod kasi sa may photophobia ako, meron ring pediophobia at may caffeine allergy pa! Grade seven ako ng ma discover ko na may allergy ako sa kape akala ko nga mamatay na ako ng mga panahong iyon, grabe kasi nahirapan akong huminga, nangati ang balat ko at namaga ang throat at tongue ko that time.

“Dad, possibleng mangyari iyon.” pagrarason ko. Napailing na lang si Daddy at pinagpatuloy na ang pag-inom ng kape niya.

After kumain ay pinahatid na ako ni Daddy sa driver.

Pagdating sa building nang friend ni Daddy ay dumiretso na akong pumasok. Pinakita ko lang sa Guard ang ID ko at pinatuloy na nila ako, dumiretso ako sa elevator at pinindot iyon tungo sa last floor.

Ang sabi ni Dad ay dumiretso na lang daw ako sa last floor kasi tanggap na daw ako hindi na daw kailangan ng interview. Siguro gano'n talaga kalakas si Daddy.

Pagdating sa last floor ay bumukas na ang pintuan ng elevator kaya humakbang na ako palabas. Kaso natigil ako ng bumungad sa akin ang mga cubicle.

“Saan nga pala ako didiretso?” I asked myself. Sa sobrang excited ko ay hindi ko naitanong kay Daddy.

May lumapit sa aking babaeng nakausot ng eyeglasses na sa tingin ko ay nasa forty years old na. Ngumiti siya sa akin kaya napangiti na rin ako.

“You must be Miss Dela Cruz, Ma'am?” the woman asked.

𝐀𝐁𝐔𝐒𝐄𝐃 𝐖𝐈𝐅𝐄 (𝐎𝐍𝐄) Where stories live. Discover now