EPILOGUE |FINAL WALK|

193 22 294
                                    

Finally! The long wait is over! Sorry for the months of waiting for the Epilogue to happen.

Actually, nag dadalawang isip ako kung enough na ba para bitawan ang TamDrie kaya kagabi ko lang din natapos ang huling Kabanata na ito.😅

I just hope na magustohan niyo ito. Enjoy reading Tamara and Leindrie's love story!✨

TAMARA'S POV.

Halos takbuhin ko na ang pagitan ng vacation house ni Zine at ng sakahan dito sa probinsya. Hindi ko na rin nagawang batiin pabalik ang mga taohan sa sakahan tuwing binabati nila ako. Walang ibang senaryo ang pumapasok sa aking isipan kundi ang mga posible na pinapagawa ni ate Zine sa asawa ko.

Narating ko ang lupa na pag mamay-ari ni ate Zine kung saan halos tatlong ektarya ang laki. Sa dulo nito ay naroon ang Gazebo, may falls din iyon kaya agaw pansin ang ganda niyon.

Iba't ibang klase ang tanim na narito sa lupain ni Zine. Maliban sa niyogan ay meron ding parte rito na puro mangga ang nakatanim, mayroon ding pinyahan sa tabi ng manggahan at sa hulihan ng pinyahan ay naroon ang mga iba't ibang klase ng mga gulay. Habang sa likod naman ng Gazebo ay makikita roon ang isa ring malawak at patag na lupain kung saan makikita ang bakahan at sa halos katabi niyon ay makikita na ang Vacation House ni Zine, doon ay makikita ang malawak rin na lupa kung saan may horse riding na pwede mong gamitin.

Sa sobrang laki at lawak ng buong lupain ay may sarili itong makenarya sa pagpapagawa ng asukal. As far as I know, isa ang mga negosyong ito ang isa sa mga pinag kukuhanan ng supplies sa buong town ng Zamboanga Del Norte. Hindi lang sa Norte kundi umabot narin ito sa iba pang lugar. Mayaman si Zine, at dahil iyon sa pagiging pursigedo niyang tao. She's business-minded, kaya ilang taon lang ang ginugol niya upang lumago ito at makilala.

"Zhaira!" Sigaw ko nang makita si Zhaira na nasa isang kubo habang kumakain ng mga prutas.

She smiled at me harshly and waved her hand at me.

"Tamara! Dito dali!" She called me.

Tinakbo ko ang pagitan naming dalawa at nang makalapit rito ay dahil sa gigil ay siya ang naponterya kong sakalin.

"Anong pinag gagawa niyo sa asawa ko?! Where is he?!" I shouted so pissed that I didn't think that she was chasing her breath.

Padaskol kong binitawan ang leeg nito at isang masamang tingin ang ibinigay ko sa kanya. She was coughing after I choked her. Isa ring masamang tingin ang binigay nito sa akin.

"Bakit ako ang sinakal mo?! Wala akong ginagawa sa asawa mo, nu. Kaya bakit ako ang pinag bubuhusan niyang butchi mo! Boang lang?" She shouted.

Nanggigil kong hinablot ang buhok niya at halos sabunutin ito sa inis. At the end, I composed myself and breathed softly. Ayukong gumawa ng gulo dahil lang sa pag-over react ko.

Pero bweset lang! Sino ba naman ang hindi manggigil kung hanggang sa nakarating na ako rito ay hindi ko parin makita ni anino ng asawa ko.

"Again, where the hell are they? Saan dinala ni ate Zine ang asawa ko, Zhaira? Ano na naman ang pinagawa niya?" I said calmly. But God knew how much I wanted to cry here because of the irritation.

I MARRIED THE MONSTER (KRYPTONITE SERIES-1)Where stories live. Discover now