KABANATA-18 |SKYREIGN JENELLE|

173 54 0
                                    


TAMARA's POV!

INISA-ISA KO ang files ng mga gamot na kakailanganin ngayon sa pharmacy. Kanina pa ako nandito at ramdam na ramdam ko na ang pagod, pero hindi ako pwedeng tumigil sa pag-checking nang mga ito dahil kakailanganin na ang mga gamot sa pharmacy mamaya. Hindi ko naman talaga gawain ito dahil si Chricel ang naatasan nito ni Dra. Gabantes. Ako ang sumalo sa kan'ya dahil kailangan muna nitong umuwi sa apartment na tinutuluyan nito dahil biglang dumating ang kan'yang mga magulang.

Bumuntong hininga ako nang sa wakas ay natapos ko na pag balik tanaw sa mga papeles. Ganito talaga ako kung mag-trabaho. Uulitin ko muna ang pag-checking para masigurong wala akong nakaligtaan.

Nabaling ang tingin ko sa pinto nitong stock room nang bigla itong bumukas. And there I saw Chricel looking so happy. Napangiti ako sa naging reaction nito when she gets in.

"How are your parents, Chricel?" I asked softly while putting the files in the brown envelope.

She smiled so widely. At hindi ko na kakailanganin ang sagot nito dahil halata naman sa mukha nito.

"Ang saya ko kasi nakita ko ulit sila nanay at tatay. Dalawang araw sila rito sa Manila kaya talagang sobrang umaapaw ang saya ko!" she giggled.

Napatawa narin ako sa binulalas nito. She lightened up the mood. At hindi ko maiwasang makaramdam ng selos sa kan'ya. How does it feel to be visited by your parents?

Damn! I guess it's really so good! right?

"Mabuti kung gano'n. Magiging busy narin tayo sa simula ngayon." Sabi ko nalang.

Tumango ito. "Tama! pero you know what hindi talaga ako makapaniwala na ilang tulog nalang at makakapag graduate na ako! Akalain mo 'yun!? Ilang taon tayong nag tiis at nagsakrapesyo para maabot natin ito at boom!! Heto na! nasa tuktok na tayo Tamara!" I saw how her eyes glitter because of so much emotion and happiness. Kagaya nito ay hindi ko rin maiwasang mapangiti.

Ito na ang last OJT namin sa Hospital na ito at ilang tulog nalang ay aakyat na ako sa intablado at tanggapin ang deplomang matagal ko nang pinapangarap at pinag tiisan. I felt relived again! I'm proud of myself!

TAHIMIK LANG kaming dalawa ni Chricel na kumakain sa Cafeteria nitong Hospital. At hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwala habang nililibot ng tingin ko ang buong paligid.

The hospital's cafeteria is a wide one. Kaya presko ito kahit pa nasa hospital. Air conditioner ang loob at sobrang linis. Hindi karin makakaramdam ng diri sa buong paligid dahil sa bango ng paligid. Sobrang bango at hindi maikalang kakaiba ang Hospital na ito kumpara sa iba dahil kung ang ibang Hospital ay maaamoy mo talaga ang mga medisina at alcohol sa paligid ay iba dito. Only a fresh, fragrant scent.

Hindi rin ako makapaniwala sa nalaman ko ngayon ngayon lang. Sa ilang taong nag O-OJT ako dito ay ngayon ko lang nalaman na pagmamay-ari pala ng pamilya ni Leindrie ang Hospital na ito. Hindi ko maiwasang makaramdam nang panliliit sa sarili, pero naroo sa akin ang paghanga sa kanilang pamilya.

Ngayon alam ko na kung bakit hindi namamatay matay ang balitang rumagasa sa buong bansa na kinasasangkutannaming dalawa ni Leindrie. Emperyo ang tawag sa kanilang negosyo samantalang tinuturing na Noble family ang herera nang kanilang pamilya. Nakakagulat na nakakapang hina ng loob.

Marami ang galit sa akin ngayon, especially girls who admired Leindrie so much. As much as I wanted our relationship between Leindrie to remain private, wala na akong magagawa pa dahil tapos na ang lahat. Nangyari na ang mga nangyari at hindi ko na maibabalik at mabago ang lahat ng 'yun.

I MARRIED THE MONSTER (KRYPTONITE SERIES-1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora