KABANATA-25 |EXPOSED|

160 18 0
                                    


TAMARA's POV!




MATAMLAY akong kumakain ng mag-isa sa dining table. Mula kaninang alas dos ay hindi na ako bumalik sa pagkatulog dahil sa mga nalaman ko tungkol sa asawa ko. Sobrang bigat ng mga impormasyon na 'yon, pero 'di ko naman masisisi si Leindrie kung bakit 'di nito sinabi sakin ang tungkol sa organisasyon nila.

Hindi parin ako makapaniwalang sa likod nang malinis na pangalan ng pamilya Seville ay may tinatago rin pala silang sekretong tanging iilan lang ang mga nakaka-alam.

May parte sakin ang natatakot para sa pamilyang ito, pero mas malaki ang pundasyon sa sarili ko ang tiwala para sa pamilya. Alam kong mabubuti silang tao, kaya 'di nila ako sasaktan. Mas lalong hindi nila ako ilalagay sa kapahamakan.

Total; may sekreto rin naman akong 'di nila alam, maliban nalang sa asawa ko. Hindi nila ang tunay na kwento sa buhay ko, hindi nila alam na kontrata lamang ang kasal kasalan naming dalawa ni Leindrie. Na kapag naibalik na ng tatay ko, ang perang nanakaw nila ay automatic akong ididipatsa ni Leindrie.

Bumuntong hininga ako ng sumagi muli sa isipan ko ang unang paguusap namin ni Leindrie noong una akong tumongtong sa pamamahay na ito. Simula paman ng bahay bahayang ito ay may kutob na akong may mga misteryong naka baon sa buhay ni Leindrie, at 'di nga ako nag kakamali sapagkata unti unti ko ng nalalaman ang mga sekreto nito.

"Senyorita, may tao pong gustong pumasok sa mansion ngunit hindi namin siya kilala at wala ding nabanggit si senyorito na may darating na bisita. Papapasokin po ba namin siya?"

Tumingin ako sa isang katulong na bigla na lamang pumasok sa dining room. Maagang pumasok kanina ang aking asawa sa kompanya, kaya wala siya rito.

Malambing akong ngumiti kay Chennie 'tsaka ko tinapos ang aking umagahan. Sabay kaming lumabas ng dining room at sa sala ng mansion ay naroon sina Michelle kasama ang iba pa.

Wala rin dito si nanay dahik may check up ito ngayon at kasama naman ni si Lovely kung gayon ay nasa sa akin pala ang disesyon ng pamamahay na ito.

Sumilip ako sa monitor ng mansion kung saan konektado sa gate sa labas. And there I saw a middle-aged woman standing outside with her sophisticated look. Sumilay ang malambing kong ngiti sa labi ng makilala ang ginang na nasa labas.

"Papasokin niyo ang ating bisita,"  malambing kong wika.

Sabay sabay na nagsigalawan ang mga katulong at bumalik sa kani-kanilang mga trabaho samantalang may nag bukas naman ng gate.

Kasabay kong lumakad papunta sa intrada ng pinto at ito naman kaagad na binuksan ni Chennie. Kasama ko si Michelle na tahimik lang na nakabantay sakin. Ilang saglit pa ay tanaw ko na ang ginang na kaagad na domrekta ang tingin saking gawi.

Ngumiti ako ng malambing dito. "Magandang umaga madame, wala rito ang aking asawa kaya ano po ang maitutulong ko sa inyo?" malambing kong wika.

"Nais ko lamang maka-usap si Leindrie, at nagkataon palang wala siya rito. Paumanhin,"  wika ng ginang.

Malambing lang akong ngumiti at binalingan ng tingin si Michelle na seryusong nagbabantay sakin.

"Michelle, hindi maganda kung hindi natin papapasokin ang ating bisita, walang ka galang galang iyon," tsaka lumipat ang tingin ko sa ginang. "---tama po ba?" malambing kong sabi.

Kaagad na umalis si Michelle mula sa pagka harang nito sa pintuan samantalang ngumiti lang ang ginang.

"Sa loob na po tayo mag-usap,"  ako ang unang na lakad na nakasunod lang sakin ang ginang. Nasa likod ng ginang sina Michelle at Chennie.

I MARRIED THE MONSTER (KRYPTONITE SERIES-1)Where stories live. Discover now