KABANATA-24 |LAXIRA ORGANOSI EMPIRE|

111 16 0
                                    

TAMARA POV!



"Hello passengers, welcome to Ninoy Aquino National Airport. Thank you so much.

Blah blah blah blah...

Inis kong kinuha ang aking pouch tsaka inayos ang sarili habang tumatayo. Kung pwede lang sanang ibalik ang panahon kung saan niyaya ako nitong lalaking kasama ko ay 'di nalang sana ako pumayag pa kung mabibitin lang naman pala ang pag sa-sun bathing ko doon. Kung bakit ako naiinis?

Tsk, sino ba naman kasi ang hindi mainis kong nasa feel mo na ang pag langoy langoy at nag eenjoy sa tubig dagat ng ibang bansa ay bigla nalang mag aanonsyo itong kasama ko na kakailanganin na naming umuwi ng Pilipinas dahil sa importanteng bagay.

Aba! Sa sobrang emportante ay dinaig pa ang yamachita treature!

Nakalabas nalang kami ng boarding area at kasalukuyang tinatahak ang daan papalabas ng airport ay nasa hulihan lamang ako ni Leindrie habang pinapatay ko ng tingin ang likod nito. Kasama namin ang dalawang chief pilot at dalawang head flight attendants at manager ng airport na inaasesan kami sa paglalakad.

Gusto kong pagsisipain lahat ng bagahing nasa isang stroller at magdamog sa sobrang kainisan. Kinompronta ko kanina si Leindrie kung bakit kakailanganing isama pa ako sa pag-alis, eh pwede namang iwanan ako doon at bumalik nalang siya kapag tapos na ang 'importanteng bagay' na pinoproblema niya.

Nabalik lang ako sa realidad nang may biglang humawak saking kamay at hinigit ako nito. Nabunggo ako sa matigas na dibdib ni Leindrie, sa sobrang gulat ay 'di kaagad ako nakapag react. Sa sobrang inis ay sinapol ko ng mahinang suntok ang dibdib nito at sinamaan ito ng tingin.

"Nakakagulat ka naman,"  inis kong bulalas. Nanliliksi pa ang mga mata ko, habang nakatingin dito. Hindi kita ang mga mata ko dahil sa suot kong aviator.

Walang emosyon akong tinungo ni Leindrie, tsaka ito nagsalita. "Kanina kapa wala sa sarili mo, kung hindi kita hinila ay kanina kapa nabunggo sa bagay na 'yan". Sabi nito sabay turo sa isang bagay na nagbibigay proteksyon samin mula sa mga reporters na kinukuhanan kami ng mga letrato.

Kaagad na nanlaki ang dalawa kong mga mata dahil sa mga nasaksihan. Gulat at kunot noo akong napatingala kay Leindrie.

"Bakit may mga minions dito?" nagtataka kong tanong.

Blangko akong sinagot ni Leindrie habang ito'y nakatitig sakin. "I don't know why they are here." He said it coldly.

After hearing those cold voices from him, kaagad bumalik sakin ang kung bakit ako naiinis dito. Kaagad akong lumaya ng ilang hakbang mula sa kanya at malamig din itong tinignan tsaka walang pake kung marami ang mga reporters na nakatingin samin habang kinuhunan kami ng mga letrato.

"Let's get out of here,"  I coldly said, hoping that even the people with us would look at me wide-eyed.

Ako ang unang naglakad saming lahat na agad namang sinundan ni Leindrie. Nakaalis kami ng airport nang sobrang matiwasay. Ako lang ang nasa backseat ng kotse sapagkat nasa tabi ng driver seat naka-upo si Leindrie. Naramdaman niya ata ang pagkawalang gana ko.

Well, 'di niya ako masisisi dahil talagang kasalanan niya rin naman talaga kung bakit ako malamig sa kanya.

Nakarating kami sa mansion nito. Nakaabang kaagad sina nanay kasama ang iba pa nang makababa ako ng kotse. Ang inis na naramdaman ko ay kaagad na nawala ng makita ko si nanay na malawak ang ngiting nakatanaw sakin.

Nang tuluyan na akong nakalapit dito ay siya ang una kong niyakap. Namiss ko talaga ang nanay kong ito.

"Kamusta ang bakasyon niyong mag-asawa?" ang ngiti ko ay kaagad na nawala ng itanong iyon sakin ni nanay. Naramdaman ko rin ang presensya ni Leindrie saking likuran.

I MARRIED THE MONSTER (KRYPTONITE SERIES-1)Where stories live. Discover now