KABANATA-30

202 21 4
                                    

DINALA AKO ni father sa ikalawang palapag ng bahay ampunan kung saan sa may pinakadulo ay naroon ang mga kwarto ng mga madre. Sabay kaming pumasok ni father sa nag-iisang silid na naroon kung saan naalala kong ito ang kwarto ni Nanay Sabelle.

Sa aking pagtapak sa loob ng silid ay kaagad kong naramdaman ang pagsikip ng aking dibdib. Ang pagkalat ng pulang dugo sa sahig ay ang bangkay ng isang madre ang una kong naalala, ikinuyom ko ang aking dalawang kamau upang doon itago ang sakit, poot at galit na unti unting nabubuha saking kalooban.

May kinuhang bagay si father sa ilalim ng cabinet ni mother Sabelle at nang maipakita nito sakin ay isa iyong kaban na gawa sa kahoy. Sa ibabaw nito ay may nakaukit na silyo ng isang araw at buwan na pinapalibotan ng dragon at phoenix. Namangha ako sa pagka ukit no'n sapagkat ang dragon ay may kulay pulang mata na gawa sa isang gem stone, samantalang ang mata naman ng phoenix ay gawa sa blue stone. Nakakamangha ang simbolong iyon.

Umupo ako sa harapan ni father Pablo nang umupo ito sa pandalawahang lamesa na sa pagkaka-alala ko'y dito ako palaging tinuturuon ni mother Sabelle noon kung paano sumulat ng paumanhin sa tuwing may nagagawa kaming pagkakamali sa loob at labas ng bahay ampunan.

"Alam mo noon iha, noong napadpad pa lamang ang si mother Sabelle dito ay sinabi niya saking gusto niyang magpatuloy sa pagiging madre,"  umpisa ni father.

Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. Kung gayon ay natigil si Nanay noon?

"Ang ibig sabihin niyo po ba ay hindi kayo magkasamang nag-aral noon?" nalilito kong tanong.

Taimtim itong tumitig sakin tsaka ito'y ngumiti na tila ba'y may naalala.

Alam kong dati paman ay may nakaraan si mother Sabelle at father Pablo ngunit nakapagtatakang hindi sila nagkatuluyang dalawa. Naalala ko pa noong nakita niyang walang bahay si mother Isabelle ay halos hindi matigil ang kanyang pagtangis. Gabi gabi itong umiiyak at noong araw naman na inilibing si Nanay ay may bahid na galit ang mukha nito.

Galit na hindi matukoy kung ano ang ibig sabihin.

"Magkasama kaming dalawa na nag-aral upang maging takapaglingkod ng simbahan at ng panginoon. Sabay din kaming dalawa na kumuha ng seminarya sa iba't ibang kombinto. Sabay kaming lumaki ni Mother Sabelle, at ang pag-iibigan ang.nabuo roon, iha.".

"Kung ganun, bakit hindi niyo po inalok ng kasal si mother Isabelle, father?" tanong kong muli.

"Dahil hindi pwede iyon iha, mahigpit na ipinagbabawal iyon samin. Lalo pa't nasa kasalukuyang pag-aaral pa lamang kami. Nangako kaming sa isa't isa na walang magbabago at hihintayin ang araw na makapagtapos kami saming mission at doon ko ipinangako sa buonh may kapal na papakasalan ko ang babaeng aking tinatangi." . "---ngunit mapaglaro ang kapalaran saming pag-iibigan, iha." mapait nitong sabi.

Umiwas kaagad ako ng tingin ng makita ang pagdaan ng sakit sa mga mata nito. Hindi paman sinasabi sakin ni father ang totoo, pero alam ko na ang susunod nitong sasabihin.

I MARRIED THE MONSTER (KRYPTONITE SERIES-1)Where stories live. Discover now