KABANATA-8 |SIVELLE BROTHERS|

367 170 14
                                    

KABANATA 8


Ilang minuto ang nakalipas matapos ang pag-uusap naming 'yon ni Leindrie ay tahimik at mag-isa akong naka-upo dito sa Pool area ng mansion nito. Pinapanood ko lang ang mga kasambahay na sobrang abala sa kani-kanilang mga trabaho.

Earlier, I tried to help by washing the plates that Leindrie used while eating our breakfasts, but one of the maids refused. I did my best to help them, but they don't want me to help. Ang tanging sinasabi lang nila ay baka mapagalitan pa sila ng kanilang amo kung hahayaan nilang tumulong ako.

After convincing them that it was all fine, I gave up. Sunod kong tinungo kanina ay ang garden kung saan itinuro ng isang kasambahay na naki-usap din akong tumulong sa kanila sa pag bubungkal ng mga lupa para sa mga bagong bulaklak na kanilang itatanim but then they didn't allow me to help. Gustong gusto ko talaga ang tumulong dahil masyado ng nakakahiya kong ganito nalang ako palagi.

"Ate, can I help you po? I know how to used that po." Nakangiti kong hinarap ang isang babaeng tagapagsilbi na sa pagkakakita ko'y masa mid 50's na ito. Katulad ng ibang mga kasambahay ay nakasuot ito ng asul na bestida at sinapawan ng puting mala apron ang disenyo.

Pinatay ng babae ang hose na hawak nito at magalang na hinarap ako. Medyo nailang ako sa pamamaraan ng pag galang nito kaya naman ay dumestansya ako ng kaunti.

"Paumanhin iha, subalit hindi ko hahayaang hawakan mo ang bagay na ito. Hindi mo ito gawain iha, gawain lamang ito ng isang katulong na katulad ko. Kung hahayaan kitang hawakan ang bagay na ito at tumulong sa akin ay baka magalit si amo. May dalawang posibilidad ang nakaatang sa akin, iha. Maaaring mapagalitan ako o mawalan ng trabaho dahil hinayaan kong magbisbis ng mga halaman ang isang panauhin na katulad mo. Paumanhin iha, subalit hindi ko magagawang patulungin ka. nawa'y maunawaan mo ang aking sinasabi." nakayukong wika ng katulong.

Napakurap kurap ako ng aking mga mata at 'tsaka ay napalunok bigla. Kakaiba kung mag salita ang babaeng ito. Napakalalim at hindi ko masyadong matansya ang pinag sasabi nito. Parang galing pa ata ito sa unang panahon. Nakakabigla ngunit nakakamangha.

"Excuse me po, pero ganyan na ho ba talaga kayo mag salita? I mean, some of those persons that I talk earlier ay katulad lang po ng lengguwahe at tunog ng boses ang ginagamit. Nakakamangha ho ang sa inyo." I said seriously.

Tama kanina ko pa talaga napapansin na kakaiba ang ginagamit nilang tunog o pamamaraan ng pagkasabi ng bawat salita. Kung ang mga bata ito nakakarinig at tiyak akong matatawa sila dahil kakaiba ang kanilang pamamaraan ng pagkakasabi ng salita. Melenial na ang uso ngayon eh.

May memes na nga.

Ngumiti ang babae sa akin bago umayos ng tayo ngunit naroon parin sa posisyon nito ang pag galang.

"Iha, ang pamamaraan namin ng pananalita o kilos ay kasama na sa pagiging katulong namin sa pamamahay na ito. Lahat ng mga katulong na nakikita mo sa buong paligid nitong bahay ay katulad ko rin kung magsalita. Alam kong hindi sanay ang isang tulad mo sa ganitong pananalita subalit huwag kang mag-aalala sapagkat matutoto at tutulungan kita. Masasanay karin, iha." Ngumiti ang matanda ng malapad kaya naman ay sinuklian ko rin ito ng mas malawak pa.

Magaan ang loob ko sa matandang ito kaya lubos akong nagpapasalamat dahil nilapitan at kina-usap ko ito.

"Madam, kung pwede ho ay 'wag na po kayong tumungo. Hindi naman po ako istriktang tao kaya 'wag na po kayong tumungo. Ang dapat nga ay ako ang gumawa ng ganyan eh. Mas matanda ho kayo sa akin." naiilang kong wika sabay kamot sa batok.

I MARRIED THE MONSTER (KRYPTONITE SERIES-1)Where stories live. Discover now