KABANATA-10 |SALVATION|

322 78 38
                                    

KABANATA 10

Madilim na ang buong paligid nang lumabas ako. Tinungo ko kanina ang garden area pero wala na ang mga tao roon. Pinuntahan ko narin ang maid quarters pero walang tao rin doon. Sunod kong pinuntahan ang kusina pero wala parin akong nakikitang mga kasambahay. Maaga panaman para matulog sila. Tanging mga guards lamang ang nakikita ko sa bawat sulok ng paligid at hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba dahil maliban sa mga gwardya at kay Leindrie na hanggang ngayon ay may ka-meeting parin sa pribado nitong opisina ay kinakabahan ako dahil sa mga negatibong pumapasok sa aking isipan.

Hinubad ko ang tsinelas na suot ko at binabad sa tubig. Nandirito ako ngayon sa pool area kung saan dim light lamang ang nagbibigay liwanag sa buong paligid. Meron namang mga iba't ibang ilaw ang ilalim ng pool na labis kong pinagkakatuwaan. Hindi ako nabo-bored kasi nakakatuwang pagmasdan ang mga kulay ng ilaw na nagbibigay ganda sa pool.

Naagaw ng kislap sa kalangitan ang aking paningin kaya sobra ang pagkamangha ko itong tiningala. Nakakalula at nakakaiyak ang ganda ng kislap ng mga tala lalo na ang napakaliwanag at malaking bilog na buwan. Wala sa sariling napangiti ako.

Sana... sana kagaya ng mga talang kumikislap ay darating ang araw na kikislap din ang buhay ko.
Sana katulad ng buwan sa kalangitan ay liliwanag din ako,
At sana...

Sana dumating na araw kung saan makakahanap din ako ng isang taong magniningning sa akin at hindi ako lulubayan. Tatanggapin ang kislap ko kahit marami akong masalimoot ng karanasan.

Napaigtad ako sa gulat ng may bigla na lamang humagikgik sa aking tabi.Gulat ko itong binalingan ng tingin at kung pwede lang sapakin ang taong ito ay ginawa ko na sana pero wala akong lakas ng loob upang gawin 'yon sa kanya.

"Hindi mo naramdaman ang paglapit ko, mukhang malayo ang nilipad ng isip mo." said by a woman who's staring at me.

"Malalim lang po ang iniisip ko kaya hindi ko kayo naramdaman. Nakakagulat naman po kayo." Ngiwi kong sabi sa matandang naging malapit na sa akin kahit kanina ko lang ito naka-usap.

Manghang tinignan ako ng matanda at halos sapakin ko ito sa mukha ng marinig ko ang binigkas nito.

"Hindi ko alam na nasisisid na pala kung gaano kalalim ang iniisip ng tao. Malaki na nga talaga ang naging kaibahan ng mga bagong henerasyon ngayon keysa sa amin noon." Umiiling pa nitong sabi ngunit hindi mawala sa mukha nito ang pagkamangha sa sinabi ko.

Umiwas ako ng tingin dito at mariing pinikit ang dalawang mga mata. Para akong natatae na mahigpit na hinawakan ang hamba ng swimming pool maiwasan lang na masaktan ang taong nasa harapan ko ngayon.

Easy; she's a Filipino! You should respect her. She's an adult already! She's your Lola, na nga eh!

"Iha, may problema ka ba? Nag-away ba kayo ng Senyorito?"

Ang inis na naramdaman ko ay bigla na lamang nawala ng marinig kong muli itong nagsalita. Kunot noo kong tinignan ang matanda na sinalubong naman ako ng mukha nitong sobrang amo.

Umiling ako sa sinabi nito. "Hindi po kami nag away ng Senyorito." tugon ko.

Ngumiti ang matanda sa akin bago nagsalita ulit. "Ikaw ang unang babaeng dinala niya sa tahanan niya iha, kaya tiyak akong malaki ang responsibilidad mo sa buhay niya. tama ba ako, Iha?" wika nito.

I MARRIED THE MONSTER (KRYPTONITE SERIES-1)Where stories live. Discover now