KABANATA-23 |JEALOUS|

106 17 0
                                    


TAMARA's POV!




SOBRANG tirik ang araw ngunit nakasimangot na ako. Gusto ko maiyak sa sobrang inggit habang tinataw mula rito sa sun lounged ang mga foreigners na masayang naliligo sa dagat. May iba pang nakasuot ng mga two pieces, kung saan balandera nilang pinagsisigawan ang kanilang mga katawan. There's a bunch of ladies who are walking confidently for their two pieces on the sand. Mula sa gilid nang kanilang nilalakaran ay naglalaway naman ang kalalakihan habang sinusundan ang mga babaeng iyon ng tingin.

Napahigpig ang kapit ko sa traw ng buko juice habang iniimagine si Leindrie na naglalaway sa sariling laway habang nakatingin sakin na nag-suot din ng two pieces. Pangarap ko talaga ang maka-suot non, pero t*ng*nang asawa ko na iyon, 'di ako pinayagang mag suot kuno no'n. Ayaw niyang mabastos kuno ako.

Hello! Beach kaya 'to! Anong akala niya sa lugar na 'to, park? K*ng*na lang! Gusto ko no'nnnnn!! Ishhhh!

Luminga-linga ako sa paligid upang hanapin ang asawa kong magaling. Nag paalam ito sakin kanina at may kakausapin lang kunong importanteng tao. Gusto ko ngang sumama dito ngunit ang tukmol ayaw akong payagan pwera kuno ganon! Sus!

Kung 'di ko lang talaga mahal ang asawa kong iyon kanina pa ako nagmaktol kakaiyak. Pero siyempre joke lang. Ayaw ko namang mag-trending ano!

Ang tingin ko ay awtomatikong sumingkit nang mula rito sa kina-uupuan ko ay tanaw na tanaw ko ang isang lalaking nakasuot ng beach polo habang bukas pa ang tatlong botones ito dahilan upang marami sa mga kababaehan ang napapatulala rito. He's wearing white Maong pants with brown beach sandals. Nakasuot pa ito ng pangbabaeng sun glasses na may tatak na GUCCI, sa pagkaka-alam ko'y akin ang bagay na iyon. Ngunit t*ng*na lang mas lalong bagay iyon sa kanya.

Napaismid ako ng wala sa oras.

Tignan mo nga naman ang lalaking 'to, nag paalam lang na may kakausapin, iyon pala ay busy sa kakalandi.

"G*g*han lang? Umalis ng walang dala tas babalik na may kasamang basura? Aba't malandi pala ang asawa ko!" sa isip ko'y tinitiris ko na ng pino-pino ang kasama ni Leindrie.

He's with a girl, a sexy blonde woman who's wearing only a sexy bikini. Wala akong nakitang ngiti sa labi nito ngunit sapat na sakin ang rason na magkasama ang dalawa at talagang sinadya pang ipakita sakin. Wala namang rason para magalit ako sa dalawa dahil, wala naman silang ginagawang mali at seryuso lamang ang dalawa kong mag-usap.

Pero walang tama o mali sa taong NAGSESELOS!

Oo nagseselos ako! Bakit aarte ka paba!?

Wala na talaga! Nagdilim na ang aking paningin at kaagad akong umalis sa sun lounged na kina-uupuan ko at walang pasabing tinanggal ang suot kong lost shirt na pag mamay-ari pa ni Leindrie at ang short short na suot ko. Kaagad na yumakap ang lamig nang simoy ng hangin nang tuluyan ko ng mahubad ang mga saplot ko na natira na lamang ay ang black bikini ko. Tinali ko pa ang ang aking buhok at kaagad na naglakad papalapit sa kinarurunan nila Leindrie.

Ramdam ko ang mga matang nakamatyag sakin. Rinig ko ang mga hiyawan at sipol ng mga kalalakihan. Maa ramdam ko rin ang mga matatalim na mga mata na nakatarak sakin. Ngunit ang lahat ng iyon ay binaliwala ko at mas tinuon ang attention sa daan patungo sa kung nasaan sina Leindrie.

Unang nakakuha sa attention ko ay ang babaeng kasama ni Leindrie na kaagad kong binigyan ng isang matamis na ngiti. Kumunot ang noo ng aking asawa nang hindi na muli pang bumalik ang tingin ng babae sa kanya dahil tuluyan na itong napako sakin.

Napangiti naman ako dahil doon.

At mas lalong lumawak ang matamis kong ngiti nang tuluyan ng nakuha ko ang attention ni Leindrie. Ang kunot noo nito ay mas lalong lumalim at halos magpantay na ang kanyang mga kilay habang nakatingin sakin. Kitang kita ko kung paano ibinigay nito sakin ang kanyang buong attention, hindi ko makuhanan kung ano ang nararamdaman nito habang nakatitig sakin dahil maliban sa blangko ang kanyang mga mata ay sobrang dilim rin ng buong mukha nito na kala mo'y ano mang oras ay tatakbo ito papunta sakin upang itago ako.

I MARRIED THE MONSTER (KRYPTONITE SERIES-1)Where stories live. Discover now