KABANATA-28 |Memossyne's secret|

107 17 0
                                    

PUNO NG tensyon ang buong Seville Manor. Kagat kagat ko ang daliri ko na naka-upo sa pang isahang sofa. Samantalang tahimik lang na naka-upo ang sina Daddy at mommy Kara. Nandirito din si madame Marian at ang asawa nitong si tito Timothy na kadarating lang. Katulad ko ay nag-aalala ding naka-upo si nanay sa gilid ko.

Pagkatapos ng mga pangyayari kanina sa parking area ay diniretso ako ni madame Marian dito sa manor. Kanina pa rin nagkalat ang mga armadong mga taohan sa buong kabahayan. Kanina pa ako hindi mapakali dito sapagkat wala kaming nakukuhang update sa asawa ko.

"Cendir, please prefer our foods,"  kalmadong ani ni mommy Kara sa isang katulong na kaagad naman itong tumalima.

Gusto kong sumigaw sa mga oras na ito dahil habang namamatay ako rito sa pag-aalala ay tila parang kalmado at walang nangyayaring barilan na naganap kanina sa mga mukha ng dalawang asawang nasa harapan ko.

"Kara anak, wala pabang balita tungkol kay Leindrie?" si nanay na mismo ang nagtanong no'n sapagkat wala ako sa ritmo kung magtanong.

"Wala pa po nanay..." bumaling ang tingin sakin si mommy Kara at nagsalita. "H'wag karing masyadong mag-aalala sa asawa mo, iha. Tiyak akong maayos ang kalagayan no'n." malambing nitong wika.

Humigit ako ng hangin sa baga at kalmado itong pinakawalan tsaka nagsalita. "Mawalang galang na po mommy, pero hindi ko po magagawang kumalma hanggat hindi ko nakikita ang asawa ko ng personal sa harapan ko mismo. Maaaring kalmado kayo dahil naniniwala kayong walang mangyayaring masama sa kanya. Ngunit pa'no naman po akong hindi sanay na ganun ang aking asawa? Ito ang unang bises kong nakitang humawak ng baril si Leindrie, makipag barilan na kala mo bato ang katawan, magsalita ng mga kung ano-ano na kala mo oras niya na..." sa huling sinabi ko ay lumiit ang boses ko sapagkat ramdam ko ang paninikip ng aking dibdib. "Hindi ako sanay na... Makipag palitan ng bala ang asawa ko, mommy. Okay lang sana kung tubig ang laman no'n at makakatawa pa ako, pero hindi e. Totoong metal ang laman no'n, na kapag 'di ka nakailag tiyak na matatamaan at mamamatay ka." mahina kong wika.

Napayuko ako para doon itago ang mga luhang gustong kumawala sa mga mata ko. Ang hina hina ko talaga pagdating sa asawa ko. Balasubas naman ako, pero bakit sa tuwing asawa ko na ang pinag-uusapan ay nagiging mamon ako?

Narinig ko ang pag buga ng hininga ni Mommy Kara. "Hindi kita masisis sapagkat hindi ka sanay na makitang may nag puputukan ng mga baril,"  bigkas nito.

Kumawala sa sistema ko ang sunod sunod na pagtibok ng puso ko sa kaba. Alam kung may laman ang sinabing iyon ni mommy, kaya wala sa sariling napatingin ako dito.

Ngunit hindi tingin ni mommy, kaya ang sumalubong sakin kundi ang nagmamay-ari ng matang nakakapanindig balahibo.

That emerald eye makes my skin shiver.

'The king of the manor'

Ang tingin ko ay kaagad na bumaba sapagkat hindi ko kayang panghawakan ang mabibigat nitong mga tingin na kala mo ba'y may sinasabi ito sa pamamagitan lamang ng mga tingin.

Sobra na akong humahanga kay mommy Kara sapagkat siya lamang ang nag-iisang babaeng kayang makipag titigan dito. Napapansin ko nga minsan na hindi kayang masalubong nina Ashteroh at Leindrie ang mga matang iyon. And talking of Kuya Zentrious, ay kaagad din itong nawala kanina ng mabalitaan ang nangyayari sa parking area.

"Maddie, please prefer our foods,"  utos ni mommy Kara ang siyang bumasag sa katahimikan naming lahat.

Yumuko ng bahagya ang utosan bago umalis at lumakad patungong kitchen. Bumalik ang tingin ko sa mga taong naririto.

Hindi sa sinasadya ko ngunit hindi ko mapigilang mainis habang nakatingin sa kanilang lahat. Maliban kay nanay ay tila ata wala silang pakialam sa ano ng nangyayari kina Leindrie. Hindi ba sila nag-aalala?

I MARRIED THE MONSTER (KRYPTONITE SERIES-1)Where stories live. Discover now