KABANATA 35

85.4K 2.4K 466
                                    

A/N: Hello~ last chapter na po ang susunod dito, huhu. Medyo heavy sa aking heart na bitiwan ang story na 'to since as of now, isa talaga 'to sa pinaka favorite na naisulat ko, huhu. 

Sa mga nagtatanong if magkakaroon ng story ang (Dylan x Ria) at (Ryle x Valerie), wala na po. Hindi ko na sila gagawan, BUT I will put bonus chapters for them (and a lot of special chapters for Zamir x Elaine) kapag published book na itong story. I'm planning to have this story self-published maybe next year...

 And thank you for all the support and love for this story, huhu. I love you all~ ❤️❣️💕💞💓💗💖💘💝💟



* * *



Naiirita na 'ko. Napapansin ko na palaging umaalis si Zamir. Palagi siyang busy. Ayoko namang isipin na nambababae siya dahil imposible 'yon.

"Nathan... Bakit busy lagi si Papa mo?" tanong ko habang sinusuklay ang buhok niya.

"Gano'n lang po talaga Mama," nakangiting sabi na lang niya.

Napanguso ako saka humalik-halik sa pisngi niya. Napahagikhik naman siya at yumakap sa batok ko.

Hindi ako natahimik sa sagot ni Nathan. Iniisip ko na baka may surprise siya sa akin... pero malayo pa naman ang birthday ko. Baka naman nag-apply na siya sa trabaho? Pero paniguradong magsasabi 'yon sa akin kung sakali.

"Naku, Ma'am Elaine... Nanlalamig na siya sa'yo. Ganoon talaga silang mga lalaki, Ma'am Elaine. Wala talaga silang kwenta... si Sir Ryle lang ang meron," sabi ni Valerie saka napahagikhik pa.

Sinimangutan ko naman siya. Itong babaeng 'to talaga, palibhasa maayos sila ni Sir Ryle, niyayabangan ako.

Tinapik-tapik ko na lang ang table ko. Nang mapagod na ang utak ko kakaisip, kinuha ko na ang bag ko saka lumabas ng office. Agad kong tinawagan si Dylan dahil imposibleng hindi niya alam ang ganap kay Zamir.

"Hello, Elaine?"

Natigilan ako dahil si Ria ang sumagot. Ano ba naman ang babaeng 'to?

"Nasaan si Dylan? May itatanong lang ako," sabi ko na lang saka sumakay sa kotse ko.

"Umalis, e. Pinabili ko kasi ng fruits. Cravings attack lang," sabi niya saka tinawanan ako.

Five months ng buntis si Ria kaya hindi na siya gaanong nakakabisita rito dahil nag-iingat talaga si Dylan sa kaniya. Medyo maselan na rin kasi ang pagbubuntis ni Ria.

"Gano'n ba? Sige, mamaya na lang ako magtatanong. Bye, Ria," sabi ko na lang saka ibinaba na ang tawag.

Napanguso ako saka tiningnan ang pangalan ni Zamir sa contacts. Kapag tinanong ko naman siya kung ano'ng ginagawa niya, sasabihin niya lang na may inaasikaso lang siya. Ano naman kaya ang inaasikaso niya? Baka nanlalamig na talaga siya sa akin?

Napailing ako sa mga naiisip ko. Napakamot na lang ako sa batok ko saka nag-drive na pauwi. Napabuga ako ng hangin nang makauwi sa bahay, pero nabuhayan ako nang makitang nandoon si Zamir at nagluluto. Nakaupo naman si Nathan habang panay ang pagkukwento. Tinatawanan naman ni Zamir ang mga kwento ng anak namin.

Lumapit ako sa kanila. Agad naman akong sinugod ng yakap ni Nathan. Napangiti ako saka humalik sa pisngi niya at ginantihan siya nang mahigpit na yakap. "Hello, baby ko. How's your day?" nakangiting tanong ko sa kaniya.

"Okay lang po, Mama," sabi niya saka humalik sa pisngi ko.

"I love you." Humalik din ako sa pisngi niya.

Flawed Series 1: Lost in His FireWhere stories live. Discover now