KABANATA 34

84.2K 2.4K 880
                                    

"Gago, beh. Look!" tila tuwang tuwa na sabi ni Ria saka ipinakita sa akin ang engagement ring niya.

Napangiti ako at nakitili sa kaniya. Sobrang saya ko para kay Ria. Ramdam na ramdam ko ang lungkot niya nang mamatay ang una niyang asawa na foreigner. Minahal niya rin naman kasi iyon. Masaya ako na dumating sa buhay niya si Dylan, mukhang masayang masaya talaga siya. Deserve nila ang isa't isa.

"Sa totoo lang, kinakabahan ako kasi hindi siya nagpo-propose sa'kin. Wala namang kaso sa'kin 'yon, kasi siyempre, baka hindi pa rin siya handa. Pero noong nagkaayos na kayo ni Zamir, aba, naghanda agad siya para magpropose sa'kin," tila kinikilig na sabi niya.

Napangiti ako. "Ang bait naman ni Dylan. Talagang hinintay niya muna na magkaayos kami ni Zamir. Kaya pala kapatid na ang turing sa kaniya ni Zamir... Pero paano pala kung hindi kami nagkaayos ni Zamir? Edi hindi siya magpo-propose?" tanong ko, bigla ko lang naisip.

"Sinabi ko rin nga 'yon sa kaniya, e. Kaso sabi niya, gagawa naman daw talaga siya ng paraan para magkaayos kayo ni Zamir. Hay, grabe. Ginulat niya talaga ako noong bigla siyang nagpropose... pero may surprise din naman ako sa kaniya, e." Ngumisi si Ria saka humawak sa tiyan niya.

Napasinghap ako at napatakip sa bibig ko. "Hala? Buntis ka?!" Hindi ko napigilang mapatili.

Nagtilian ulit kami. Yumakap pa ako sa kaniya, maluha luha pa. Sobrang saya ko talaga para kay Ria. Siya ang naging pamilya ko nang talikuran ako ng lahat, kaya sobrang halaga sa'kin ng kaligayahan niya. Kung masaya siya, masaya rin ako. Alam kong ganoon din siya sa'kin. Magkasama na kaming dalawa sa lahat ng pagsubok namin sa buhay, magkasama pa rin kami hanggang ngayon na masaya na kami.

Matapos naming magkwentuhan ni Ria, sinundo rin siya agad ni Dylan. Kumindat pa sa'kin si Ria dahil secret pa muna kay Dylan na buntis siya.

"Wow, Papa! May hikaw ka po sa tongue!" tuwang tuwa na sabi ni Nathan habang nasa hapag kami.

Ngumiti si Zamir saka tumango. Ipinakita niya pa ang hikaw kay Nathan. Napasinghap naman si Nathan at pumalakpak, tila namangha roon.

Tumingin sa'kin si Zamir at ngumiti saka kumindat. Pasimple kong sinipa ang paa niya sa ilalim ng mesa saka pinandilatan siya ng mata. Alam ko ang ibig sabihin ng pagkindat niyang ganiyan. Talagang tinotoo niya na maglagay ulit ng hikaw sa dila.

Pagkatapos naming ihatid si Nathan sa school, nagpunta muna kami sa mall ni Zamir. Kulang na raw kasi ang stock sa bahay. Sinamahan ko na rin siya dahil gusto ko naman siyang makasama sa pag-grocery.

"Elaine... nasimulan na 'yung pagpapagawa ko sa bahay natin," nakangiting sabi niya habang nagtutulak ng push cart.

Yumakap naman ako sa braso niya at napangiti. "Excited na 'ko, mahal ko."

Humalik siya sa sentido ko. "I'm excited too. I will make sure that our room will be soundproof."

Napasinghapa ko sa sinabi niya. Pabirong hinampas ko ang braso niya. "Ano ka ba?"

"What? I just don't like it when you're suppressing your moans. I want you moaning and shouting—"

Agad kong tinakpan ang bibig niya. "Tama na nga. Mamili na lang tayo. Puro ka kalokohan diyan, e."

Umakbay sa'kin si Zamir saka napahalakhak. "You're acting all shy now after you called me senyorito last night just to tease me, huh?" napapailing na sabi niya.

"Tumigil ka nga..." Yumakap na lang ako sa baywang niya.

Namili na kami ng mga kailangan. Halos alam na yata ni Zamir ang mga kailangang puntahan at bilhin. Nadaig na niya yata talaga ako pagdating dito.

Flawed Series 1: Lost in His FireWhere stories live. Discover now