KABANATA 18

75K 2.4K 1K
                                    

Trigger warning: slut shaming remarks and sexual assault


***


Nanginig ang buong katawan ko sa nakita. Nanghihinang nabitiwan ko ang cellphone... nakuha ang video na iyon noong nagpunta ako sa unit ni Zamir... Paano nakuhanan iyon? Anong nangyayari?

"Walang hiya ka! Ganiyan ba kita pinalaki ha, Maria Elaine?! Oo! Mahirap ang buhay natin, pero hindi kita pinalaking pokpok! Hindi ko sinabi sa'yo na ibenta mo 'yang katawan mo!" sigaw ni nanay.

Napatakip ako sa bibig ko. Nanginginig na napahagulgol ng iyak. Hindi ko sila masisi kung bakit galit na galit sila sa akin ngayon... Mahirap man ang pamilya namin, pero meron kaming dangal... pero wala na 'yon ngayon matapos ang nangyari.

Kaya pala ganoon ang tingin sa'kin ng mga tao kanina... mukhang nakita rin nila. Mukhang napanood din nila.

"Hindi mo na kami binigyan ng kahihiyan! Walang hiya ka!" Muli akong ginawaran ni nanay nang malakas na sampal.

Lumapit si Ate Elena kay nanay at humawak sa braso nito, tila pinapakalma. "Nay, b-baka naman atakihin na naman kayo niyan. Tama na po... Mag-usap usap muna tayo nang mahinahon."

"Mahinahon?! Bakit?! Iyang katangahang ginawa ng kapatid mo, dapat pag-usapan nang mahinahon?! Ni hindi niya naisip ang pamilya niya, lalo si Ella na kinse anyos pa lang! Ano na lang ang sasabihin sa kaniya ng mga kaibigan at kaklase niya?! Na ang ate niya... Ano?! Pokpok?! Alam mo bang nakipagsuntukan pa si Leo sa barkada niya dahil binabastos ng mga lalaki ang video niyang babaeng 'yan?!" asik pa ni nanay.

Napakagat ako nang mariin sa ibabang labi ko at mas lalong napahagulgol ng iyak... Napatingin ako kina Leo at Ella na nakatitig lang sa sahig. Si tatay naman ay hindi kumikibo at nakahawak lang sa sentido nito. Mas lalo akong nakaramdam ng pagkadismaya sa sarili ko... Nadamay ko ang pamilya ko... ang mga kapatid ko na walang kamalay-malay. Habang buhay magiging kahihiyan ito para sa kanila... kung sana ako na ang. Kung sana ako na lang ang magdusa at 'wag na sila...

Napatakip si nanay sa mukha niya at napaiyak. Tila mas lalong may kumirot sa puso ko dahil sa nakita...

"N-nay... Sorry po, 'nay. D-desperado lang po ako... Sorry po, 'nay. S-sorry..." hingi ko ng paumanhin. Nanginginig ang mga kamay na humawak ako sa kamay ni nanay.

Iwinaksi rin niya ang pagkakahawak ko sa kaniya saka muli akong sinampal. "Elaine naman! B-bakit?" Napahagulgol ng iyak si nanay. "Hindi ko magawang tumingin sa'yo nang hindi naaalala ang katangahang ginawa mo! Umalis ka! Umalis ka ng pamamahay ko, Elaine!"

Umiling ako habang patuloy ang pagluha. Humawak ako sa kamay ni nanay pero agad niya rin akong itinulak palayo sa kaniya.

Natigilan lang kami nang mapahawak si nanay sa dibdib niya saka napapikit nang mariin. Agad na lumapit sina tatay sa kaniya. Agad na umakyat ang kaba at takot sa sistema ko nang tuluyang mawalan ng malay si nanay.

Agad na napaiyak sina Ate Elena. Binuhat naman ni tatay si nanay at agad na isinugod sa pilahan ng tricycle. Umiiyak na lang din ako habang nakasunod sa kanila. Nanginginiig ang buong katawan ko sa takot... Inatake si nanay nang dahil sa akin. Kapag may nangyaring masama sa kaniya dahil sa akin... hindi ko na alam ang gagawin ko.

Isinugod agad namin sa ospital si nanay. Agad naman siyang natingnan ng doktor pero hindi magandang balita ang sinabi niya sa amin.

"Kailangan na po niyang ma-operahan. Mahina na po ang puso niya, idagdag pa ang sakit niya sa bato. Kapag hindi po naagapan, baka mas lumala pa. Hindi po natuloy ang pag-opera sa kaniya last time, ngayon po ay talagang kailangan na," paliwanag ng doktor sa amin.

Flawed Series 1: Lost in His FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon