KABANATA 20

77.6K 2.4K 425
                                    

"Wala ka talagang balak mag jowa, beh?"

Napatingin ako kay Ria na abala sa paglalagay ng nail polish sa kuko ko. Wala akong oras magpunta sa mga salon kaya si Ria na lang. Marunong naman kasi siya sa mga ganiyan. Siya rin ang nagturo sa'kin noon na mag makeup.

"Si Nathan ang focus ko, Ria. At sinabi ko na rin sa'yo dati pa na wala na akong balak sa ganiyan," sabi ko saka hinipan na lang ang kuko ko.

Napabuntonghininga si Ria saka umupo na sa tabi ko nang matapos siya sa kuko ko. Umakbay pa siya sa akin.

"Naiintindihan ko naman kung bakit ayaw mo nang sumubok ulit. Pero siyempre, nag-aalala lang ako na baka pinipigilan mo na lang ang sarili mo dahil natatakot ka. Baka kapag nagmahal ka ulit, o may nagmahal sa'yo... bitiwan mo at itaboy agad nang hindi binibigyan ng chance," sabi niya saka tumapik sa balikat ko.

Ngumiti ako at humawak sa kamay niya. "Alam kong concerned ka lang sa'kin, Ria... Salamat... pero wala talaga sa isip ko 'yon. Kay Nathan lang ako naka-focus. Hindi ko na kailangan ng ibang tao sa buhay ko maliban sa kaniya."

Tumango naman siya at ngumiti. "Sige, Maria Elaine. Kung saan ka masaya. Alam mo naman na palagi lang akong support sa'yo... Ang isa sa pinaka wish ko, e, 'yung palagi ka lang masaya." Hinaplos niya ang buhok ko.

Napangiti ako saka yumakap kay Ria. Natawa naman siya at gumanti rin ng yakap sa'kin. "Hindi ko talaga magawang maniwala sa naririnig kong tsismis na halimaw ka raw sa kompanya niyo. Baby ka pa rin sa paningin ko."

Natawa rin naman ako sa sinabi niya. Kumalas ako sa pagkakayakap saka tumingin sa kaniya. "Hindi naman sa halimaw... siguro, natakot lang ako na samantalahin na naman ng ibang tao. Mas maganda ng maging matigas ang puso ko... kaysa naman mabait, pero naaapak-apakan."

Napangiti siya saka kinurot ang magkabilang pisngi ko. "Ganiyan nga, Maria Elaine. 'Wag mong hayaan na apihin ka ulit ng ibang tao... Pero kahit ano pa'ng sabihin nila tungkol sa'yo, alam na alam ko ang totoong ikaw... Ikaw pa rin ang mabait na baby Elaine ko," sabi niya saka mas kinurot nang malakas ang pisngi ko.

Natawa na lang ako at muling yumakap sa kaniya... Kahit na sabihin niya 'yan, alam ko sa sarili ko na hindi na babalik ang dating ako. Para kina Ria at Nathan na lang ang kabutihan sa puso ko. Ayoko na ulit magtiwala, magbigay, at maapakan pagkatapos. Hindi ko kailangan ng ibang tao sa buhay ko... Hindi ko kailangan ng mga taong tatalikuran ako at yuyurakan. Sapat na sa akin ang meron ako ngayon.

"Mama ko..."

Napatingin ako kay Nathan na abala sa pag-aayos ng buhok niya. Napangiti naman ako saka tinulungan siyang ayusin ang buhok niya. Natigilan lang ako nang muling mapatitig sa mukha niya.

Napabuntonghininga ako. Kamukhang kamukha niya si Zamir... May mga oras sa buhay ko na hindi ko alam ang mararamdaman ko roon. Isa si Zamir sa mga tao na wala akong balak na patawarin. Para sa akin, wala siyang pinagkaiba sa mga taong tumaboy at nang-apak sa akin... Wala siya ng mga panahong kailangan ko siya... at ang kumalat na video... imposibleng hindi siya ang dahilan no'n dahil sa unit niya nangyari 'yon.

Napabuga na lang ako ng hangin at ngumiti kay Nathan saka hinaplos ang pisngi niya. Kahit pa kinamumuhian ko ang ama niya... at pinagsisisihan kong si Zamir ang naging ama niya... mahal na mahal ko pa rin si Nathan. Kahit pa nakikita ko si Zamir sa kaniya, sa tuwing titingin ako sa mga mata niya... mahal na mahal ko pa rin siya. Para sa'kin, wala siyang kinalaman kay Zamir. Para sa'kin, hindi niya tatay si Zamir.

"Maging mabait ka sa school, anak. Pero kapag may umaway sa'yo, sabihin mo lang kay Mama at susugod talaga ako." Naningkit ang mga mata ko.

Tumawa si Nathan saka yumakap sa'kin. "Mama, kaya ko po ang sarili ko. Sobrang matapang nga po ako, e."

Flawed Series 1: Lost in His FireWhere stories live. Discover now