KABANATA 27

69.2K 2.6K 846
                                    

Zamir Luciferus Castellon

Hindi ko namalayan na nawalan ako ng malay... nagising na lang ako na nasa ospital na.

"What's up, bro?"

Natigilan ako at napatingin sa lalaking nasa gilid ko... si Dylan. He just shook his head and crossed his arms.

"Are you really planning to kill yourself, asshole?" tanong niya... bakas man ang galit do'n, nandoon pa rin ang matinding pag-aalala.

Napalunok ako at napapikit nang mariin. Napahawak ako sa sentido ko. Tila kumikitib 'yon sa sakit. Ang bigat din ng katawan ko.

"'Wag mo nang pilitin bumangon. Ang taas ng lagnat mo. Nagulat pa nga ako na buhay ka pa rin..." Napapailing na sabi pa niya. "May nakakita sa'yo na walang malay sa tapat ng school. Buti na lang natawagan ang number ko sa phone mo kaya nandito ako ngayon... Now, tell me what happened, Zamir."

I sighed and told him. Wala naman akong magagawa kundi ang sabihin sa kaniya dahil malamang, kukulitin niya ako. Alam kong pagagalitan niya ako pagkatapos nito, pero bahala na.

"Zamir... you're seriously giving me a headache. Kaya siguro wala pa akong asawa, kasi sa'yo pa lang, para na 'kong may sampung anak," napapailing na sabi ni Dylan habang nakahawak sa sentido niya. "Bakit pinilit mong magtrabaho kung may sakit ka? At sana sinabi mo kay Elaine iyon para hindi siya nagalit sa'yo... and wait, ni hindi mo pa ba sinasabi sa kaniya ang nangyari sa'yo?" sunod-sunod na tanong niya.

"Dylan... hindi naman excuse na may sakit ako para hindi masundo si Nathan... isa pa, I told you before, right? I-I don't want to tell Elaine those things... knowing her, she will feel guilty about me tarnishing my own reputation because of the video. At isa pa, isa rin ako sa may kasalanan kaya nabuo at kumalat ang video na 'yon... Wala akong balak bigyan siya ng guilt dahil doon. Ako ang pumili na gawin 'yon..."

Dylan stroked his hair in frustration. "Okay, I understand. I'm trying to understand you, bro... It's not easy. Hindi naman ako nasa posisyon mo ngayon kaya hindi ko huhusgahan o pangungunahan ang mga desisyon mo... pero nakaka-frustrate pa rin... Okay, at least tell her about your past. Iyon na lang..." pakiusap pa ni Dylan. "I know she suffered... but you experienced way worse—"

"Dylan..." I looked at him. "This is not about who suffered worse. Hindi naman dapat tinitimbang 'yon. Parehas kaming nahirapan. Parehas kaming nagdusa. Parehas kaming nasaktan... And besides, whatever happened in my past, it wasn't her fault... Yeah, I had a terrible past, but it doesn't justify what I did to her before... I know this is quite frustrating for you... and I'm sorry, Dylan."

Dylan sighed and nodded. "Yeah, I'm sorry for pressuring you too. Of course, it's still up to you."

Ngumiti ako sa kaniya. "Thanks, Dylan."

"But... I will still tell her about your fever," sabi niya saka inangat ang phone ko. Nagsimula siyang pumindot doon.

Natigilan ako at agad na napabangon. Napadaing din ako agad dahil mabigat ang katawan ko. "H-hey... Wait, don't tell her—"

"Hello, Elaine..." agad na sinabi niya. "Uhm, I'm Dylan. Kaibigan ako ni Zamir. Yes..."

Akmang aabutin ko ang cellphone ko pero agad na lumayo sa'kin si Dylan. He glared at me and gestured to me to stay in bed.

"Yeah, actually... nilalagnat si Zamir. Nasa ospital siya ngayon dahil nawalan siya ng malay kanina. Yes, I'm sure he didn't tell you this. Yes. Mataas ang lagnat niya to the point na hinimatay na siya. Yes, I'll send you the hospital and the room number," sabi ni Dylan saka ibinaba na ang tawag.

I looked at him with disbelief. "Y-you're kidding, right? You're just trying to prank me or something?"

Dylan showed me my phone. My eyes widened when I saw that he really did talk to Elaine. I gulped and bit my lower lip... Damn this asshole.

Flawed Series 1: Lost in His FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon