KABANATA 26

69K 2.2K 861
                                    

Zamir Luciferus Castellon

"Nathan... I made a sandwich for you."

Nathan looked at me. "T-thank you po," bulong niya saka napanguso.

Ngumiti na lang ako at tinapos ang pagawa ng sandwich. I put it in his lunch box right after. I even put chocolate kisses inside. I smiled and took his bag. Ako ang maghahatid sa kaniya sa school ngayon.

Masaya ako na kahit papa'no, kinakausap na ulit ako ni Nathan. Akala ko hindi na niya ako kakausapin ulit. Natakot talaga ako... Kaya hindi ko sasayangin ang pagkakataong 'to.

"Anak, kapag may kailangan ka pa sa school, sabihin mo lang sa'kin, ha?" nakangiting sabi ko habang nagmamaneho.

Ipinapahiram na sa akin ni Elaine ang kotse niya. Nagtitiwala na siya sa'kin sa paghatid at pagsundo kay Nathan. I'm already happy with that... I'm quite embarrassed though. I don't have my own car. Mayroon naman akong ipon, pero inilalaan ko pa 'yon para sa bahay nila na ipapatayo ko... Kaya todo kayod din ako sa pagtatrabaho kay Mr. Solon kahit na medyo maliit ang bayad niya sa akin.

I only have 5 sets of clothes as I didn't bother to buy more. Hindi ko naman kailangan ng maraming damit. Nagtitipid din talaga ako... pero pagdating kay Nathan, hindi ko iyon ginagawa. I'll try to give him everything he needs and wants. Hindi ko siya titipirin o ano pa man.

"Papa, papasok na po ako sa school," pagpapaalam niya sa'kin.

I held both of his arms and smiled at him. I fixed his hair and smiled at him. "Ano'ng gusto mong iluto kong merienda? Mamaya pag-uwi mo, iyon ang iluluto ko."

"Banana cue po," nakangusong sabi niya. "Marunong ka po no'n?"

I chuckled and rumpled his hair. "Oo naman, 'nak. Nag-search ako sa youtube no'n kasi sabi mo paborito mo 'yon, e."

"S-salamat po," bulong niya saka napaiwas ng tingin.

I just watched him as he went inside the school. I sighed and massaged my nape... I'm already happy with this improvement. Mas patutunayan ko pa ang sarili ko sa kaniya sa mga susunod.

Pagbalik ko sa bahay ni Elaine, agad ko siyang naabutan sa dining area na madalas niya talagang tambayan. She was eating a croissant... and I'm sure it was from her boss. I just looked away and touched my nape... I always prepare myself for this... but I think I'll never be ready. Kahit anong paghahanda ang gawin ko, masasaktan at masasaktan pa rin ako. Kahit paulit-ulit kong patapangin ang sarili ko... duwag pa rin ako.

"Elaine... I will make banana cue for Nathan... Gusto mo rin ba?" tanong ko, kinakabahan pa.

She looked at me and shook her head. "No, thanks."

I just bit my lower lip and nodded. "Uhm... about the project with Utopia... if you want me to help, I'm just here. I can help you if you want to."

Umiling siya. "Kaya ko na iyon. Nagpatulong na rin ako kay Sir Ryle last time."

Napaiwas na lang ako ng tingin at hindi na nagsalita pa kahit tila dinudurog ang puso ko sa sinabi niya... Oo nga at hindi na siya palaging galit sa tuwing nakikita ako, pero mailap pa rin siya sa akin. I understand... What I did to her back then was unforgivable... But I don't think I can bear seeing her with another man... loving another man.

It will kill me... it will kill me inside, in the heart... I don't know if it will ever be alive again. Silang dalawa na lang ni Nathan ang rason kung bakit ako nabubuhay. Kapag wala sila... hindi ko na alam.

Sa mga nakalipas na araw, talagang ginawa ko lahat para makabawi kay Nathan. Kahit ilang ulit ko namang tangkain na bumawi kay Elaine, hindi pa rin siya handang buksan ang puso sa akin. I'm not mad or holding grudges because of it... I'm actually guilty... because she seems uncomfortable around me. Halatang pinipilit na lang niya na pakisamahan ako dahil kay Nathan.

Flawed Series 1: Lost in His FireWhere stories live. Discover now