KABANATA 3

101K 2.7K 879
                                    

"T-Totoo po ba ang sinasabi mo, senyorito? Pero sabi n'yo po kanina... hindi n'yo ako naaalala," nasabi ko na lang, tila hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari.

Akala ko talaga ay tuluyan na n'ya akong kinalimutan. Akala ko ako na lang ang nakakaalala sa mga alaala namin noon... May nararamdaman akong tila kumikiliti sa kalamnan ko na hindi ko maipaliwanag. Talagang ang saya ko sa mga oras na 'to... Naaalala ako ni Senyorito Zamir.

Tipid na ngumiti ang senyorito saka tumango. "Yeah, I remember you. I'm sorry about earlier... I wasn't wearing my contacts that time. Malabo ang mga mata ko," sabi n'ya saka napakamot sa batok n'ya.

Napangiti na lang ako sa sinabi n'ya saka tumango. "Naiintindihan ko po, senyorito. Malaki po ang pasasalamat ko na naaalala n'yo na po ako. Akala ko po ay tuluyan n'yo na akong nakalimutan." Hindi maalis ang ngiti sa mga labi ko.

Napangiti na lang din si Senyorito Zamir saka napakamot sa kilay n'ya. "But you know... I forgot most of our memories before. You know... a lot of things happened. Hindi ko na rin maalala ang karamihan sa mga 'yon. I hope you understand," hinging paumanhin n'ya.

"Naiintindihan ko po, senyorito." Natigilan ako nang may maisip akong ideya. "Kung gusto n'yo po, iku-kwento ko na lang po sa inyo ang ibang naaalala ko," nakangiting sabi ko na lang. "K-Kung ayos lang po sa inyo," dagdag ko pa.

"Sure, go ahead... I'll listen," sabi n'ya. "Let's seat there." Itinuro n'ya ang pwesto na inuupuan ko kanina.

"S-Sige po," sabi ko na lang saka nagtungo ro'n. Naramdaman ko naman na sumunod si Senyorito Zamir sa akin.

Umupo na ako sa mahabang upuan. Napalunok na lang ako nang maramdamang umupo rin ang senyorito sa tabi ko. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko dahil tila may kumikiliti na naman sa kalamnan ko... Amoy na amoy ko ang pabango at amoy ng sigarilyo mula kay senyorito... Hindi 'yon masakit sa ilong... Talagang mabango siya.

"Eat your food. You can talk to me while eating," sabi n'ya saka itinuro ang plato ko sa mesa.

Muli akong napalunok saka tumingin kay Senyorito Zamir. Gano'n na lang ang gulat ko nang mapagtantong masyado kaming malapit sa isa't isa. Napakapit ako nang mahigpit sa uniporme ko dahil ngayon ko na lang ulit natitigan nang ganito kalapit ang mukha n'ya. Nagkaroon siya ng hikaw, tattoo, at mas lalo siya naging gwapo ngunit hindi ko maintindihan kung bakit tila nakikita ko pa rin sa mga mata n'ya ang batang Senyorito Zamir... Marahang natawa na lang ang senyorito saka bahagyang dumistansya sa akin. Mukhang napansin n'ya na natigilan ako dahil sa lapit namin sa isa't isa.

"Go ahead, you can eat now."

Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko saka napakamot sa braso ko. "Kumain na po ba kayo, senyorito?"

"I already ate... Go ahead," maikling sagot n'ya. Nanatili siyang nakatitig sa akin.

Humawak na lang ako sa kutsara at tumingin sa plato ko. Naramdaman kong itinukod ni Senyorito Zamir ang siko sa mesa saka inilapat ang kamao n'ya sa pisngi habang nakatitig sa akin. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko dahil hindi yata ako makakakain nang ayos dahil nasa tabi ko lang siya.

Napabuga na lang ako ng hangin at nagsimula ng kumain. Paborito ko ang ulam na iniluto ni Manang Gloria pero hindi ako makakain nang ayos. Ayaw kumalma ng puso ko pati na rin ng kung ano sa tiyan ko... Magkatabi lang kami nang ganito ni Senyorito Zamir ngunit nagwawala na ang sistema ko.

"S-Senyorito, ano po ang gusto n'yong malaman?" tanong ko saka muling tumingin sa kan'ya.

"Anything... Ikwento mo lang ang gusto mong ikwento," sabi na lang n'ya habang titig na titig pa rin sa akin.

Flawed Series 1: Lost in His FireOnde as histórias ganham vida. Descobre agora