KABANATA 7

101K 2.8K 343
                                    

"S-Senyorito... saan po tayo pupunta?" 

Hindi sinagot ng senyorito ang tanong ko at tumuloy lang sa pagmamaneho. Napalunok na lang ako nang mapatingin sa labi n'ya... Muli kong naalala ang kanina lang na halikan namin. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kan'ya nang mag-init ang magkabilang pisngi ko saka pasimpleng napahawak sa labi ko. 

Hindi na lang ako nagsalita nang tumigil ang kotse sa tapat ng bangko. Bumaba si Senyorito Zamir ng kotse at iniwan ako sa loob. Hinabol ko na lang siya ng tingin hanggang sa makapasok siya sa loob. Natatanaw ko naman siya mula sa glass wall. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko nang mapansin na nasa kan'ya halos ang atensyon ng mga kababaihan sa loob. Napakamot na lang ako sa braso ko at napaiwas ng tingin. 

Kung tutuusin ay magandang lalaki si Senyorito Zamir at talagang gwapo. Siguradong marami ang magagandang babae ang nagkaka-interes sa kan'ya at handang makipagtalik sa kan'ya ng walang hinihiling na kapalit... Bakit handa pa siyang magbayad para lang makatalik ang tulad ko? 

Napapitlag ako nang maya-maya pa ay pumasok na sa loob ng kotse si senyorito. Agad akong napatingin sa kan'ya at sa hawak n'yang sobre. Nagtatakang napatingin na lang ako sa kan'ya. Hindi naman siya nagsalita at ipinatong na lang sa hita ko ang sobre saka muling pinaharurot ang sasakyan. 

"Ituro mo sa akin kung saan kayo nakatira," tipid na sabi n'ya habang seryosong nakatingin sa daan. 

"B-Bakit po, senyorito?"

"You requested me to give the money I'm gonna pay you to your parents, didn't you?" Napakunot pa ang noo n'ya. 

Napalunok na lang ako at hinawakan ang sobre. Magkano kaya ito? Bakit parang ang kapal naman yata? Wala akong lakas ng loob silipin ang pera sa loob dahil baka manghina pa ako... Hindi ko pa naranasan makahawak nang ganito kalaking pera. 

"S-Salamat po, senyorito," sinabi ko na lang saka napahawak nang mahigpit sa sobre. 

"You don't have to thank me for that," tipid na sabi na lang n'ya. 

Sabagay... Hindi naman n'ya ginawa ang lahat ng 'to nang libre. Binibigyan lang namin ng pabor ang isa't isa. 

Natahimik na lang ulit ako at itinuro sa kan'ya ang tinitirhan namin. Nang makarating na kami sa looban sa amin, napatungo na lang ako dahil napapatingin sa amin ang mga kapit-bahay. Agaw pansin ang magara n'yang kotse rito sa lugar namin lalo pa't hindi naman kami palaging nakakakita ng kotse. Sana lang ay hindi gawan ng kalokohan ng mga tambay ang kotse n'ya. 

Hindi naman kumikibo si senyorito at seryoso lang sa pagmamaneho. Napalunok na lang ako kasabay ng pag-akyat ng kakaibang kaba sa dibdib ko nang nasa tapat na kami ng bahay namin. Kinuha sa akin ni Senyorito Zamir ang sobre saka agad na bumaba ng kotse. Hindi na lang ako nagsalita at bumaba na lang din ng kotse saka agad na sumunod sa kan'ya. 

Sinenyasan n'ya ako na maunang pumasok. Tumango na lang ako at binuksan ang pinto sa bahay. Naabutan ko sina Nanay at nakain ng tanghalian. Natigilan naman sila sa pagkain at napatingin sa direksyon ko. Si Nanay, Tatay, at Kuya Leo lang ang nasa bahay ngayon. Malamang nasa palengke si Ate Elena at si Ella naman ay nasa school.

"N-Nay, may bisita po tayo," sabi ko na lang saka binigyan ng daan si Senyorito Zamir. 

Bahagyang ngumiti si Senyorito Zamir. Pasimple n'yang pinasadahan ng tingin ang simple naming bahay ngunit hindi naman siya nagsalita at naglakad na lang palapit kina Nanay... "Magandang tanghali po," magalang na bati n'ya na nagpagulat sa akin. 

"S-Senyorito Zamir? Ikaw na ba 'yan?" Agad na napatayo sina Nanay. 

Natigilan ako at napatingin kay Senyorito Zamir. Napansin ko ang tila pagbabago ng reaksyon n'ya na tila ba namukhaan n'ya si Nanay. Bahagyang napaawang ang labi n'ya... Hindi ko mabasa ang iniisip n'ya ngayon. 

Flawed Series 1: Lost in His FireWhere stories live. Discover now