KABANATA 28

71.4K 2.7K 1.2K
                                    

Zamir Luciferus Castellon

Maayos na naman ang pakiramdam ko nang magising. Wala na si Elaine. Hindi ako nag-aksaya ng oras at agad na bumangon. Nilinis ko muna ang apartment bago ako umalis at bumalik sa bahay ni Elaine.

Naabutan ko si Nathan na nakaupo sa couch, tila hinihintay na matapos magluto si Elaine. Tumingin agad siya sa direksyon ko. Napalunok ako at agad na lumapit sa kaniya.

"Nathan..."

He shyly looked at me, he seemed uncomfortable. "Papa... S-sinabi po sa akin ni Mama na may sakit ka kahapon," he muttered.

I just sighed and held his arm, then gently caressed it. "Nathan... I'm sorry. You must have been so scared yesterday. I'm really sorry, anak..." Napalunok ako, pakiramdam ko ang bigat na naman ng dibdib ko. "Sorry, anak. Hindi na uulitin ni Papa... Sorry..."

Saglit na natahimik si Nathan... Matatanggap ko naman kung may tampo pa rin siya sa akin. Susubukan ko na lang ulit na bumawi sa kaniya. I know I keep on disappointing him and his mother... but I won't give up. I will prove myself to them. Kahit ilang ulit pa.

Natigilan ako nang tumayo si Nathan saka humawak sa noo ko. Nagtatakang tumingin ako sa kaniya. He just looked at me with a worried look on his face.

"Papa... magaling ka na po ba?" tila nag-aalalang tanong nito.

Hindi ko alam kung bakit tila maluluha ako sa tanong niyang 'yon... Inaasahan ko na galit pa rin siya sa akin dahil sa nangyari kagabi... pero ito siya at nag-aalala sa akin ngayon.

Napabuga ako ng hangin at pilit na pinigil mapaluha sa harapan niya. Ngumiti ako at hinaplos ang buhok niya. "Okay na 'ko, anak. Makakabawi na 'ko ulit sa'yo."

"Papa... Ayoko pong nagkakasakit ka," nakangusong sinabi niya saka napaiwas ng tingin.

Napangiti ako saka humawak sa pisngi niya. "Sorry kung nag-alala ka kay Papa, Nathan." Marahan ko siyang hinila para yakapin.

Hindi naman siya pumalag at gumanti ng yakap sa akin. Mas lalo akong napangiti, pakiramdam ko may humahaplos sa puso ko sa mga oras na 'to.

Natigilan ako nang bumulong siya sa akin. "Papa, malapit na po ang birthday ni Mama."

Kumalas siya sa pagkakayakap saka tumitig sa akin. Ngumiti pa siya, nakita ang bungi niyang ngipin. Napangiti rin ako saka marahang ginulo ang buhok niya.

"Salamat sa pagsasabi sa'kin, anak. Paghahandaan ko ang birthday ng Mama mo," bulong ko rin saka marahang kinurot ang pisngi niya.

Nag-almusal na siya nang matapos magluto si Elaine. Napatingin naman agad sa'kin si Elaine saka nagpamaywang.

"Okay ka na?" tanong niya.

Humawak ako sa batok ko at ngumiti. "O-okay na 'ko. Salamat, Elaine."

Hindi na siya nagsalita at ipinaghain na si Nathan. Pagkatapos kumain ni Nathan at maghanda para sa school, nagpresinta ako maghatid, pero pinigilan ako ni Elaine. Siya na raw ang maghahatid.

Napatitig na lang ako sa sketchpad ko habang iniisip ang birthday ni Elaine. Alam kong sinabi sa'kin ni Nathan ang tungkol doon para makapaghanda ako ng ireregalo para sa kaniya.

Napabuga ako ng hangin saka tumingin sa tambak na trabahong kailangan kong gawin. Magbabawas muna siguro ako ng gawain... mamayang gabi, regalo naman para kay Elaine ang aasikasuhin ko.

I just smiled when I remembered how she took care of me last night. Isa na siguro 'yon sa pinakamagandang gabi ko simula nang mawala sa buhay ko si Elaine... Somehow, it gave me hope. I know she still hates me... Hindi naman agad maaalis iyon, pero kahit papa'no, nagkaroon ng pag-asa sa puso ko.

Flawed Series 1: Lost in His FireWhere stories live. Discover now